"Loving can hurt sometimes
But it's the only thing that I know
When it gets hard, you know it can get hard sometimes
It is the only thing that makes us feel alive
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing
Hearts are never broken
And time's forever frozen still"
-Photographs by Ed SheeranFour Years and One hundred twenty days Later....
Vince's
"Lyka, bakit mo kailangang umalis? Alam mo namang kailangan ka ng asawa ko! She needs a therapy! Why the hell that you need to go away?!" Tumaas na ang boses ko. Pang-ilang nurse na ba ito ni Vein? Hindi ko na mabilang. Lahat sila sumuko. Lahat sila hindi tumatagal. Hindi ko kayang nakikita si Nimfa na ganyan na lang habang buhay. Limang taon na ang nakaraan mula nang maaksidente si Nimfa. She recovered from coma noong nagdeliryo ito noong nasa States kami and after that she undergone plastic Surgery na naging dahilan ng pagbabago ng hitsura niya. Halos hindi mo na makikita ang dating hitsura niya sa bagong Nimfa. Nagkaroon siya ng amnesia at ang sabi ng doctor ay maaaring hindi na makakaalala pa si Nimfa sa nakaraan. She's now my wife at iyon ang alam niya mula noong nagising siya hanggang ngayon. Ginawa lahat ni Miguel Joaquin para tulungan ako. After ng surgery ni Nimfa, we flew to Europe at doon na sana manatili but then naisip ko habang tumatagal ay hindi nakakalakad si Nimfa at hindi ito nagsasalita kahit na ilang therapist at psychologist na ang humawak sa kanya. Naisip kong iuwi siya dito sa Pilipinas two years ago dahil nagbabasakali akong makaka-recover siya dahil nasa sariling bansa kami kahit na ang kapalit nun ay ang matagal ko nang kinakatakutan..ang malaman nila ang totoo. Naisip ko rin naman na hindi naman nila siguro malalaman dahil iba na ang hitsura ni Nimfa at kahit sinong makakakita sa kanya ay hindi siya makikilala.
Dito na rin ako nagtatrabaho sa Pilipinas bilang isang abogado. Naipakilala ko na rin si Nimfa kay Lola at Vein lang ang pangalan na alam ng lahat tungkol kay Nimfa. I erased her Nimfa name para hindi nahahalata."I'm sorry Attorney, hindi ko po kaya ang sitwasyon ng asawa niyo. Nahihirapan po ako kasi minsan po nagwawala iyon. Basta Attorney, nahihirapan po ako." Wika pa nito. Napamura ako at saka napahilot sa aking sentido.
"So ibig sabihin hindi mo kailangan ng trabaho! Nag-apply ka pa sa lagay na yan tapos hindi mo pala kaya! Now leave!! Leave habang malamig pa ang ulo ko!" Galit na sigaw ko. Nagmamadali naman itong umalis. Napahugot ako ng isang malalim na hininga. Paano ba makaka-recover si Nimfa kung ganito nalang palagi? Lahat hindi tumatagal sa kanya. Kailangan ko ng isang masugid at maalagang nurse para sa kanya. I need my wife back. Natigil ako sa aking iniisip. She's not my wife but she's going to be my wife soon at pakakasalan ko talaga siya. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon at gusto ko pagdating ng panahong iyon ay nakakalakad at nakakapagsalita na siya. Nabalitaan kong naka-recover na rin pala si Dennis- Nimfa's husband sa depression. Three years din raw itong na-depressed dahil sa pagkawala ni Nimfa. Inakala talaga ng lahat na patay na ito. Walang nakakaalam na buhay pa si Nimfa maliban sa aming dalawa ni Miguel Joaquin. Balita ko ay ikinasal na ito two years ago. Hindi ko alam kung sino ang napangasawa niya basta ang alam ko ay magiging malaya na si Nimfa at wala na siyang babalikang asawa. I felt guilty for what I did pero ganun yata talaga kapag nagmahal ka minsan nabubulag ka sa katotohanan at sa kung ano ang tama at mali. Kahit na alam mong mali ay ginagawa pa rin tulad ng ginagawa ko ngayon. Hindi naman ako masamang tao. Nagmahal lang ako at ang pagmamahal na yun ang nagtulak sa akin na gumawa ng mali.
BINABASA MO ANG
The Fake Husband
عاطفية"Hindi ako galit dahil niloko mo ako kundi galit ako dahil hindi ko alam kung paano pa ako maniniwala sayo!"-- Nimfa Vein Figueroa Lies.. Forgotten memories.. Betrayal... How can love exists? This is Nimfa Vein and Vince Ismael's twists of life.. H...