Chapter 12
Nasa basketball court ng subdivision nila ang magkapatid na si James at Ivan. Pinasa ni Ivan ang bola kay James ngunit napansin ni Ivan na hindi nai-shoot ni James ang bola kundi hinawakan niya lamang ito. "Bro, shoot it." sabi ni Ivan.
Umiling lamang si James at ipinasa kay Ivan ang bola. "Kuya, can I ask you sonething?" sabi ni James.
Naglay-up muna si Ivan bago niya ipinasa kay James ang bola at sinagot ang tanong ng kapatid. "Yeah sure, what is it?" tanong ni Ivan.
"What if you're best friend asked for your help to court a girl and then you're having this weird feeling for that girl, what would you do?" tanong ni James.
"Oh that seems like a hard situation to be in but I guess if you really like her then let her be. Let her be happy..that's what I did to Ann," sagot ni Ivan.
"If going to Taiwan makes her happy, I let her leave even though it's hard for me to.." dagdag pa ni Ivan.
"Eh kuya, what if you're courting a girl then you're having these feelings for another girl, what would you do?" tanong ni James.
"Before it's too late, you better tell the girl that you're courting that you have lost interest or you got tired of waiting. I'm not sure if you'd do that but it's my opinion anyways.." sagot ni Ivan.
"Okay, thanks Kuya." sabi ni James. Ipinagpatuloy na nila ang kanilang paglalaro ng basketball.
Naghapon na at nagkita na si Sam at James sa mall kung saan nila pag-uusapan ang plano sa panliligaw ni Sam kay Fretzie. "So what's exactly your plan?" tanong ni James kay Sam. Halatang walang gana si James sa araw na iyon.
"Plano ko sana sa isang restaurant na walang tao. Yung kami lang." sabi naman ni Sam. Kabaliktaran naman ni James si Sam. Kung walang gana si James, si Sam naman ay punong-puno ng energy dahil na rin sa may kinalaman kay Fretzie ang kanilang gagawin.
"Sam, do you have any other ideas? That one's kind of overused." sabi ni James.
"Ganun?" tanong ni Sam. Napasimangot naman si Sam at napabuga ng hangin. "James, may alam ka pa bang pwede?" tanong ni Sam kay James.
Napa-isip naman si James. "What if we - I mean - you do a treasure hunt." suggest ni James.
"Ha? Treasure hunt?" tanong ni Sam na tila naguguluhan.
"She'll go hunting for a treasure." sagot ni James.
"Ano namang treasure?" tanong ni Sam.
"You. She'll hunt for you." sagot ni James. Napangiti naman si Sam na tila nagustuhan ang ideya ni James.
"Ahhh..oo nga noh, maganda yan tapos habang nagha-hunt siya, may mga clues siya na hahanapin tapos may item na naka-attach sa clue like a rose, chocolate or anything." sabi naman ni Sam.
"Yeah, that's it." sabi ni James. Napangiti naman ang magkaibigan habang si Sam ay sabik na sabik ng gawin ang "Treasure Hunting" niya para kay Fretzie.
(Kaninang umaga)
Nakauwi na si Fretzie sa bahay. Kagagaling lang niya sa labas dahil naisipan niyang mag-jogging muna. Hinahanap niya ang kanyang pinsan at ang kanyang kuya. May narinig siyang boses mula sa kusina at nakilala niya ito...boses ni Yen.
"Kyra, hindi ko alam eh." sabi ni Yen.
(Yen, kung mahal mo talaga siya, hindi mo na sasagutin si James.)
"Eh nakakaawa naman kasi si James eh. Pinaghintay ko pa siya ng matagal tapos sasabihin ko na lang na may iba na akong mahal." sagot ni Yen.
(Eh di ba sabi mo sa kanya na kapag nagawa niyang mapa-ibig ka, sasagutin mo siya.)
YOU ARE READING
A Million Kisses
FanfictionPaano kung mahulog ka sa taong pinaka-ayaw mo? Mako-control mo pa ba ang nararamdaman mo?