Chapter 5
"Ugh! I hate that girl!" sabi ng isang babae sa kanyang kaibigan.
"Me too. She's stealing her cousin's suitor." sabi naman ng isa.
"Napakalandi talaga! Pagkatapos ni Sam, si James naman."
"I agree. Super landi!"
"Ms. Santos! Ms. Bustamante! What are you two doing there?" tanong ng isang guro sa kanilang dalawa.
"Uhm...may hinahanap lang po kami." pagsisinungaling ni Tricia.
"O baka naman chumichika na naman kayo." sabi ni Ms. Cansino sa kanila.
"Hindi po, miss." sabi naman ni Shey.
"Sige, malapit na kayo mag-time." paalala ni Ms. Cansino.
"Opo." sagot ng dalawa. Pagkaalis ni Ms. Cansino ay tiningnan muli ni Tricia at Shey si Fretzie at James na kasalukuyang nagsasaya sa piling ng isa't isa.
Dismissal time na at lahat pa rin sa barkada ay busy pero lang kay Fretzie at James. Naglalakad si Fretzie papunta sa lobby nang bigla siyang tinawag ni James. "Fretzie!" sigaw ni James habang naglalakad patungo sa dalaga. Nilingon naman siya ni Fretzie. Nang nakalapit na si James sa kanya ay ngumiti siya sa binata at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Let's go home together. Sam won't still be around." sabi ni James.
Tumango na lang si Fretzie sa sinabi ni James at sinundan si James sa paglalakad. Nakaramdam si Fretzie na parang kailangan niyang gumamit ng banyo. Tinapik niya si James sa kanyang kamay at napatigil naman ang binata sa paglalakad. "CR lang ako." sabi ni Fretzie kay James.
"Ok, I'll wait." sagot naman ni James at tsaka siya nagtungo sa malapit na bench. Iniwan ni Fretzie ang cellphone niya kay James at tsaka tumakbo patungo sa banyo.
Ibinaling ni James ang kanyang tingin sa cellphone ni Fretzie na nasa kamay niya. In-unlock niya ito at napansin niyang iyon parin ang wallpaper ng dalaga. Pumunta siya sa inbox ni Fretzie. "Linn, Linn, Linn, Linn, Linn," sabi ni James. "Si Linn lang ba katext ng babaeng ito?" tanong ni James sa sarili. Pumunta naman si James sa saved items ni Fretzie at halos lahat ay galing kay Sam. Binasa niya lahat ito at nagulat siya sa kanyang mga nalalaman.
Pagpasok ni Fretzie sa banyo ay walang tao kaya nagmadali siya dahil ayaw niya na mag-isa lamang siya sa banyo. Pumasok siya sa isang cubicle. Maya maya lamang ay may dalawang nagtatawanan na babae ang pumasok sa banyo at heto ay sina Tricia at Shey.
"I can't believe that she's stealing her cousin's suitor!" nanggigigil na sabi ni Tricia.
"I know, I know. So paano na? I mean, anong plano natin?" tanong ni Shey.
"Pag-awayin natin sila, easy as that." sagot ni Tricia.
"So, parang sasabihin natin kay Yen ang maduduming sikreto ng kanyang malanding pinsan?" tanong ni Shey.
"Parang ganon na nga." nakangiting sabi ni Tricia. Nagtawanan ulit sila at tsaka lumabas ng banyo. Nang sigurado na ni Fretzie na nakalabas na ang dalawang kontrabida, lumabas na ng cubicle si Fretzie na luhaan. Pinahid niya ang kanyang mga luha at tsaka lumabas ng banyo.
Ibinalik na ni James ang mga gamit ni Fretzie sa kanya pero napansin niya ang pamumula ng mga mata ni Fretzie.
"Fretzie, have you been crying?" tanong ni James.
"Ako? Iiyak? Bakit naman?" tanong ni Fretzie.
"Tss...stop denying. I can see it in your eyes." sabi ni James habang itinuturo ang namumulang mata ni Fretzie.

YOU ARE READING
A Million Kisses
Fiksi PenggemarPaano kung mahulog ka sa taong pinaka-ayaw mo? Mako-control mo pa ba ang nararamdaman mo?