...
Chapter 26
"Fretzie, halika muna rito sa baba!" sigaw ni Patrick mula sa living room.
"Oo teka lang!!" sagot naman ni Fretzie na pabulyaw din. Mabilis namang bumaba si Fretzie at umupo sa tabi ni Patrick sa sala.
"Bakit ba?" tanong ni Fretzie.
"May papakita lang ako sa'yo." sagot ni Patrick.
"Ano yun?" tanong ni Fretzie.
"Bago yun, may tatanong muna ako sa'yo," sabi ni Patrick. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ako bumabalik sa Australia?" tanong ni Patrick.
Natigilan naman si Fretzie sa sinabi ni Patrick. "Oo nga noh, bakit nga ba?" tanong ni Fretzie.
"Eh kasi..." sabi ni Patrick tsaka hinila si Fretzie patungo sa kusina. "Nandito na sina Mommy and Daddy!" sabi ni Patrick.
*GAAAASSSSPPPP*
"Mommy, Daddy!" sigaw ni Fretzie tsaka niya niyakap ng sobrang higpit ang kanyang mga magulang. "Why are you here? Diba may trabaho kayo?" tanong ni Fretzie.
"Ayaw mo ba na nandito kami?" tanong ni Lucy, ang nanay niya.
"Hindi naman sa ganon...nagulat lang naman ako," sagot ni Fretzie. "Pero di nga, bakit nga kayo narito?" tanong ni Fretzie.
"Kasi nakakuha kami ng offer ng mommy mo na rito na lang sa Pilipinas mag-trabaho. Naisip namin kayo ng Kuya mo kaya agad naming tinanggap yung offer." sagot ni Vicente.
"Talaga?!" tanong ni Fretzie.
"Oo nga anak, dapat nga diba last month pa umuwi ang Kuya mo pero ano? Nandito pa siya diba dahil nga dun sa offer namin." sagot ni Lucy.
"For good na?" tanong ni Fretzie.
"For good." sagot ng mga magulang niya.
"Yay!" sabi ni Fretzie sabay yakap sa mga magulang niya ulit. Habang nakayakap si Fretzie sa kanila ay lihim na nagtitinginan si Vicente at Lucy na para bang may hindi ito sinasabi sa kanila.
Nagkita si Patrick at Coleen sa park dahil may importanteng sasabihin si Coleen sa binata. "Coleen, ano ba yung sasabihin mo?" tanong ni Patrick.
Napabuga ng hangin si Coleen at tsaka tiningnan diretso sa mata si Patrick. "I think we need a break." bulalas ni Coleen.
"No!" sigaw ni Patrick. "Coleen, bakit? May nagawa ba ako sa'yo na hindi mo nagustuhan?" tanong ni Patrick.
"M-mayroon." nauutal na sagot ni Coleen.
"A-ano?" tanong ni Patrick.
"Nung isang araw sinundan kita nung nagmamadali ka kasi may nagtext sa'yo. Sinundan kita noon tapos..." sabi ni Coleen.
Bigla namang naalala ni Patrick ang araw na nagtext sa kanya si Ann at kasama pa niya si Coleen noon.
"...nakita kita na pumunta sa isang hotel tapos may pinuntahan kang kwarto tapos biglang may yumakap sa'yo...s-si A-Ann Li." sabi ni Coleen.
"Coleen, it's not what you think. I am not cheating on you. Kaibigan ko kasi si Ann and she needs help kasi hindi pa rin siya maka-get over dun sa ex niya." paliwanag ni Patrick.
"Alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa kanya pero Patrick nararamdaman ko na may nararamdaman ka para sa kanya kaya kailangan na nating maghiwalay." sabi ni Coleen.
"Are you going back to Australia?" tanong ni Patrick.
Umiling naman ang dalaga. "H-hindi na. For good na ako rito, susunod na rin sina mommy and daddy." sagot ni Coleen.
"I hope we stay friends." sabi ni Patrick.
"I hope so too." sagot ni Coleen na nakangiti.
"So...friends?" tanong ni Patrick tsaka nai-lend ang kanyang kamay sa dalaga. Nakangiti naman itong tinanggap ni Coleen.
"Friends." sabi ni Coleen.
Bababa na sana si Fretzie para kumain nang madaanan niya ang kwarto ng mommy at daddy niya. Narinig niya na nag-uusap sila, hindi na niya inalam kung ano iyon ngunit nang marinig niya ang pangalan niya ay napilitan siyang makinig.
"Sa tingin mo ba papayag si Fretzie?" tanong ni Vicente.
Napakunot naman ng noo si Fretzie. "Hindi ko alam Vicente. Masyado pa siyang bata." sagot ni Lucy.
"Lucy, kaya nga tayo nakauwi rito sa Pilipinas dahil tinanggap natin yung offer tsaka yung kapalit ng offer diba?" sabi ni Vicente.
"Kapalit ng offer?" tanong ni Fretzie sa kanyang sarili.
"Charming, anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Patrick.
"Ay Kuya!!" sabi ni Fretzie tsaka lumayo sa pinto ng kanyang mga magulang.
"Nakikinig ka ba sa usapan nila? Alam mo naman na masama yun diba?" sabi ni Patrick.
"Alam ko pero hindi ko napigilang makinig. Ako kasi pinag-uusapan nila eh." sagot ni Fretzie.
"A-ano sabi nila?" tanong ni Patrick.
"Kuya, may kapalit daw yung pagtanggap nila ng offer nila na magtrabaho rito sa Pilipinas at may kinalaman yun sakin.." sagot ni Fretzie.
Napabuntong-hininga si Patrick at hinila si Fretzie patungo sa kwarto niyo. "Wag mong sasabihin sa kanila ito pero...alam ko ang tungkol doon." sabi ni Patrick.
"Kuya..." sabi ni Fretzie.
"Fretzie, kapalit ng pagtatrabaho nila rito ay ang ikasal ka sa anak nila." sabi ni Patrick.
Nanlaki naman ang mga mata ni Fretzie. "ANO?! Bakit ako pa? Bakit hindi na lang ikaw? Ikaw naman mas matanda diba?" sabi ni Fretzie.
"Sa tingin mo ipapakasal nila ako sa lalaki?" sabi ni Patrick.
Napatungo si Fretzie. "Hindi mo naman sinabing lalaki pala eh." sabi ni Fretzie.
"Kilala mo ba kung sino?" tanong ni Fretzie.
Umiling si Patrick. "I wish I knew." sagot ni Patrick.
"Fretzie, may importante kaming sasabihin sayo ng mommy mo." sabi ni Vicente sa kanyang anak.
"Alam ko na, ma. Sinabi na sakin ni Kuya." sabi ni Fretzie.
Napabuga naman ng hangin si Vicente at Lucy sa sinabi ni Fretzie. "Sinabi ba sa'yo ng Kuya mo kung sino ang papakasalan mo?" tanong ni Lucy.
Umiling si Fretzie. "Hindi nga po eh." sagot ng dalaga.
"Gusto mo bang malaman?" tanong ni Vicente.
"Hindi ko alam, I don't know if I'm ready." sagot ni Fretzie.
"Kung gusto mong malaman, sasabihin namin sa'yo." sabi ni Lucy.
"Pag-iisipan ko kung gusto kong malaman." sagot ni Fretzie.
Kanina pa nakakulong si Fretzie sa kanyang kwarto at kanina pa rin niya pinag-iisipan kung gusto niyang malaman kung sino ang papakasalan niya.
Lumabas siya ng kanyang kwarto at kumatok sa kwarto ng kanyang mga magulang. "Mommy, Daddy, gusto ko pong malaman kung sinong papakasalan ko." sabi ni Fretzie.
"Pumasok ka, iha." utos ni Lucy.
Pumasok si Fretzie sa kwarto at agad agad na sinabi sa kanya kung sino ang kanyang papakasalan.
"Ang papakasalan mo ay si..."
"Sam Concepcion..."
YOU ARE READING
A Million Kisses
FanfictionPaano kung mahulog ka sa taong pinaka-ayaw mo? Mako-control mo pa ba ang nararamdaman mo?