Chapter 11

224 4 0
                                    

Chapter 11

Naka wedding gown si Fretzie. Ang ganda niya. Bukang buka yung palda ng saya tapos sleeveless siya tapos puro siya flowers na pink. Tapos yung buhok niya nakapusod tapos may mga flowers din na nakalagay.

Nakita niya sina Kazel, Linn at Devon na nakagown din. Lahat sila nakasleeveless din except for Devon kasi may pagkatomboy nga siya kaya siya lang yung may sleeve.

"Fretzie, ang ganda ganda mo!" sabi ni Linn sabay yakap sa kaibigan.

"Ako ba talaga ito?" tanong ni Fretzie habang nakaturo sa salamin at pinagmamasdan ang magandang binibini na kanyang nakikita.

"Oo Fretzie, ikaw nga iyan. Ang ganda mo diba?" sagot ni Kazel.

Biglang may kumatok. Naglakad patungo si Devon sa pinto at tsaka niya binuksan. Lahat sila ay napatingin sa pinto upang malaman kung sino ang kumatok.

Si Sam.

"Wow Fretzie, ang ganda ganda mo ah." sabi ni Sam.

"Salamat." sagot naman ni Fretzie.

Hindi nakausap ang binata sapagkat masyado siyang namangha sa ganda ng babaeng minsan ay naging kanyang kasintahan na pinangarap niya ring dalahin sa altar.

Napansin ni Linn na kanina pa nakatitig si Sam kay Fretzie. "Oh sha, tama na yan. Sam bakit ka napadpad dito?" tanong ni Linn.

Nabalik si Sam sa kanyang sarili nang tanungin siya ni Linn. "Ay oo nga pala. Pinapatawag na si Fretzie, aalis na raw kayo papuntang simbahan." sagot ni Sam.

"Ah sige sige, salamat Sam ha?" sabi ni Fretzie.

"Wala yun. Goodluck nga pala." sabi ni Sam.

"Salamat." sagot ni Fretzie.

Umalis na silang magkakaibigan. Sumakay na rin si Fretzie sa kanyang bride car kasama ang kanyang mga magulang na umuwi pa galing Australia para lang masaksihan ang pinakamasayang araw ng kanilang nag-iisang babaeng anak.

Hiwalay naman ng kotse ang mga kaibigan ni Fretzie na sina Kazel, Linn at Devon habang si Sam naman ang nagmamaneho ng sasakyan ng tatlong dalaga.

"Mommy, Daddy...kinakabahan po ako." sabi ni Fretzie sa kanyang mga magulang.

Ngumiti naman ang mommy ni Fretzie sa kanyang anak at hinawakan ang kamay nito. "Ganyan din ang naramdaman ko nang ikakasal ako sa daddy mo. Normal lang yan anak." sabi ng mommy ni Fretzie.

"Wag kang kabahan. Maging masaya ka dapat kasi finally, ikakasal ka na sa lalaking matagal mong hinintay na magbalik." sabi naman ng daddy ni Fretzie.

"Salamat po sa inyong dalawa. Salamat po kasi umuwi pa kayo para sa kasal ko at salamat po at tinanggap niyo siya bilang aking mapapangasawa at itinuring niyo na rin siyang parang anak." sabi naman ni Fretzie sa kanyang mga magulang.

Niyakap siya ng kanyang mommy at daddy at sakto naman at nakarating na sila sa simbahan. Nakita ni Fretzie na nakalinya na sina Devon, Kazel at Linn. Si Linn ang ginawang maid of honor ni Fretzie sapagkat ayaw tanggapin ni Kazel at Devon ang role na iyon.

Nagsimula ng maglakad ang mga bridesmaid, groomsmen, flower girls, ring bearers, mga abay ni Fretzie, mga kaklase nila noon, barkada at finally, turn na ni Fretzie upang maglakad sa aisle.

Bumaba na siya ng sasakyan habang nakalink yung arms niya pareho sa parents niya. Sa oras na inilakad ni Fretzie ang kanyang mga paa, ay kasabay nito ang pagbuhos ng kanyang mga luha na kanina pa niya pinipihit.

Habang papalapit siya sa kanyang mapapangasawa ay lalo siyang napapaiyak. Ngumiti siya nang narating na niya ang altar at kasama na niya ang kanyang pinakamamahal na tao sa mundo.

A Million KissesWhere stories live. Discover now