Chapter 2

297 3 0
                                    

CHAPTER 2

Namulat si Fretzie dahil sa isang malakas na kalabog mula sa kanyang kwarto at napansin niyang siya mismo ang gumawa ng kalabog. Nahulog siya sa kanyang kama! Ibinaling niya ang kanyang tingin sa orasan. 6:30 na! Ilang minuto na lamang at magsisimula na ang kanyang klase. Madaliang tumayo si Fretzie mula sa sahig at dumiretso na siya sa kanyang banyo. Pinainit niya agad ang shower at pumasok na siya sa loob. Mabilis siyang nagsabon, nagshampoo at nagpatuyo. Isinuot na niya ang polo ng Northbridge at isinuot ang isang maong short at ang kanyang itim na Chuck Taylor.

Bumababa siya sa hagdan habang nagsusuklay ng kanyang buhok ng bigla siyang may naalala at madaliang tumakbo pataas. Dumiretso siya sa banyo at nagsupilyo.  

Pagkatapos ay tumakbo na naman siya pababa nang may naalala na naman siya. "Arrgh!!!" sabi nito habang tumatakbo muli pataas. Pumasok siya sa kanyang kwarto at sabay kuha sa kanyang bag at kuniha ang paper bag na laman ang casing ng iPod ni James.

Bumaba muli si Fretzie at pumunta na sa kitchen upang magpaalam na. Nakita niya ang kanyang Tito Robert at Tita Celi na kumakain. "Anak, kain ka na. Malalate ka na." sabi ni Tita Celi.

"Hindi na po. Sa school na lang po ako kakain." sagot naman ni Fretzie.

"Manong! Manong!" sigaw ni Fretzie habang hinahanap ang kanyang driver.

"Fretzie, Iha, wala na si Manong Rick...inihatid na niya ang pinsan mo." sabi ni Tita Celi.

"Ahh..ganun po ba?" tanong ni Fretzie. "Sige, magco-commute na lang po ako." pahabol ni Fretzie.

"Nako, wag na! Itatawag na lang kita ng driver." tutol naman ni Tita Celi.

"Sige ho, okay lang po. Mauna na po ako." nagmamadaling sabi ni Fretzie.

"Mag-ingat ka, ha!" sigwa ni Tita Celi sa papalayong dalaga. Hindi na nakasagot pa ang dalaga sapagkat masyado na itong malayo para marinig pa ang sinabi ng kanyang tita.

Nagdridrive na papuntang Northbridge ang magkapatid na sina James at Ivan. Hindi man sila purong magkapatid sapagkat magka-iba ang kanilang kinikilalang ama. Si Ivan ay mukhang Amerikano samantalang si James naman ay mukhang Australian kaya naman hindi mo sila mapapagkakamalan na magkapatid. Nakikinig si James ng kanyang music sa kanyang iPod na inakala niya'y nasira ni Fretzie. Nakasilip siya sa may bintana nang may napansin siyang isang dalaga na nakasuot ng uniform ng Northbridge.

"Kuya, could you pull over there?" pakiusap ni James. Hindi na sumagot pa si Ivan at naitabi na lang ang sasakyan sakto sa harap ni Fretzie. Hindi mapakali si Fretzie sa kanyang kinatatayuan sapagkat malalate na siya at wala pang taxi na dumaraan. Napansin niya ang isang kulay pulang pangmayaman na kotse. Huminto ito sa harapan ng dalaga at laking pagtataka ni Fretzie kung bakit. Akala niya ay isang artista ang nasa loob ng sasakyan ngunit nang bumababa ang isang binata mula sa kotse ay biglang nagbago ang expression ni Fretzie na tila parang nakakita ng isang multo.

"James?" tanong ni Fretzie.

"Fretzie, you look like as if you've seen a ghost. Get inside." sabi ni James habang ipinagbukas niya ng pintuan si Fretzie.

"Ako? Sasakay diyan? No way!" tanggi naman ni Fretzie.

"Tsss...Look, I'm allowing you to ride with me so that you won't need an excuse slip for being late." sabi ni James.

"Sigurado ka?" tanong ni Fretzie.

"Why won't I be sure?" tanong ni James.

"Ewan ko. Teka, ano bang nakain mo at ganyan ka maka-asta?" tanong ni Fretzie habang sumasakay sa kotse. Hindi na sinagot pa ni James ang tanong ni Fretzie sapagkat isinarado na ni James ang pinto. Habang hinihintay na makasakay si James ay napagtuunan ng pansin ni Fretzie ang lalaking nakaupo sa driver's seat.

A Million KissesWhere stories live. Discover now