Chapter 20

167 2 0
                                    

Chapter 20

Makalipas ang dalawang araw simula nang sinabi ni Sam na nakaalis na si James ng bansa ay nagtungo ang barkada sa bahay ni Fretzie para kamustahin siya.

"Guys, I don't know what to do na kay Charming." sabi ni Enrique. Bilang pinaka-nakatatawa sa barkada, nagboluntaryo si Enrique na pasayahin si Fretzie. Napabuntong-hininga naman ang lahat sa barkada.

"James naman kasi eh.." sabi ni Kazel.

"Naaawa na ako kay Charming, dalawang araw na siyang hindi sumama sa barkada. Tapos sabi pa ni Patrick, hindi raw lumalabas ng kwarto si Charming." sabi naman ni Sam.

Wala ng nagsalita pa sa barkada sapagkat nalulungkot talaga sila dahil walang masiyahin sa barkada ngayon.

Sa America, dalawang araw na rin na parang wala sa sarili si James. Labag sa loob niya ang pag-alis ng hindi nagpapaalam kay Fretzie.

Tulad ni Fretzie, palagi rin na nasa kwarto lang si James maliban na lamang kung kailangan niyang lumabas doon.

Kasalukuyang nakadungaw si James sa bintana ng kanyang kwarto habang patuloy na iniisip si Fretzie.

*Tok! Tok!*

"Come in!" sigaw ni James.

Pumasok naman si Ivan. "James, dad said to come down. He wants you to meet our business partner's daughter." sabi ni Ivan.

"Why?" tanong ni James.

"I don't know, just come down." sabi naman ni Ivan. Napakibit balikat na lamang si James at tsaka bumaba kasama ni Ivan.

Pagkababa ni James ay nakita na niya ang bagong business partner ng kanilang pamilya ngunit nakatalikod ito sa kanya.

"Oh James, Ivan, you're here." sabi ng daddy nila pagkaupo nila sa upuan sa sala.

"James, they are our new business partner. Filipinos sila kaya no worries," sabi ng daddy ni James. "And I want you to meet their daughter, Ericka Villongco." dagdag pa niya.

"Hi, nice to meet you." sabi ni Ericka tsaka sila nag-hand shake ni James.

"Nice to meet you too." sagot naman ni James na nakangiti.

Habang naguusap ang mga magulang ni James at Ericka ay napapansin ni James ang madalas na pagtitig ni Ericka sa kanya kaya hindi niya rin maiwasan na mapatingin sa dalaga.

Magkasama si Coleen at Patrick na nanonood ng movie sa bahay ng binata nang naka-receive si siya ng isang text galing kay Ann. "Ann?" bulong ni Patrick.

"Ha?" tanong ni Coleen.

"Ah..wala wala." sagot naman ni Patrick.

Binasa na niya ang message galing kay Ann.

Fr: Ann ^^

Pat, can you come over? I really need someone to talk to :(

RECEIVED.

Napalunok naman si Patrick at tsaka tinignan si Coleen.

To: Ann ^^

Sure, be there in a minute.

SENT.

Pagka-send niya ng kanyang message ay tinignan niya muli si Coleen. "Coleen?" sabi ni Patrick.

"Yes?" tanong ni Coleen.

"Uhm..may pupuntahan lang ako sandali lang ha? Dito ka muna sandali lang ako. Tapusin mo na yung movie, I'll be back." sabi ni Patrick.

Napakunot naman ng noo si Coleen na tila nagtataka kung bakit ganoon na lamang maka-asal si Patrick. Wala na siyang nagawa kaya tumango na lamang siya.

"Sige, I'll go now," sabi ni Patrick. Hinalikan niya si Coleen sa kanyang noo at tsaka tumakbo na paalis. "Fretzie's upstairs, be there for her whenever she needs something, okay?" sabi pa ni Patrick.

Tumango na lamang si Coleen.

Pagkaalis ng kotse ni Patrick ay bilisan siyang umalis at sumakay ng kanyang kotse at lihim na sinusundan si Patrick. "Ano bang pinagkakaabalahan mong lalaki ka?!" sabi ni Coleen habang sinusundan ang kotse ng binata.

Laking gulat na lamang ni Coleen nang tumigil si Patrick sa harapan ng isang mamahaling hotel na tila mga artista at mga kilalang tao lamang ang nakakapag-check in doon. Bumaba na siya sa kanyang kotse at sinundan si Patrick.

Sumakay na ng elevator si Patrick habang sa ibang elevator naman si Coleen.

*Ting!*

Nakarating na rin si Coleen sa floor 14 at bilisan niyang hinanap si Patrick. Nakita niya ang binata na nakatayo sa harapan ng isang kwarto.

"Sino namang pinupuntahan mo rito?" tanong ni Coleen sa kanyang sarili.

Nagulat si Coleen nang bumukas ang pinto at may bigla na lamang yumakap kay Patrick. "Wait wait wait, is that Ann Li?" tanong ni Coleen sa kanyang sarili.

:O

Papasok na sana si James sa kanyang kwarto nang aksidente niyang narinig ang usapan ng kanyang magulang.

"James and Ericka are a cute couple." sabi ng mommy ni James.

"Yes, I agree. From what I saw kanina, they can't take their eyes off of each other. They must've like each other at first sight." sabi naman ng mommy ni Ericka.

Napakunot ng noo si James sa kanyang mga narinig.

"I guess, para sa ikabubuti na rin ng kalagayan ni James at para sa negosyo na rin siguro...they must get to know each other and be together." sabi ng daddy ni Ericka.

"They should." pagsang-ayon naman ng mga magulang ni James.

Umiling-iling naman si James at tila nagagalit na siya. "James? What are you doing there?" tanong ni Ericka.

Tiningnan lamang siya ni James at tsaka dumiretso na sa kanyang kwarto.

***

Paano na yan? Si James at Ericka kailangan nilang maging couple. Paano naman si Fretzie? At itatago nga ba ni Coleen kay Patrick ang kanyang mga nakita o ico-confront niya ito?

ABANGAN :))

A Million KissesWhere stories live. Discover now