Chapter 14

260 3 1
                                    

Chapter 14

"Fretzie, hindi nga?!" tanong ni Patrick sa kanyang kapatid. Tumango na lamang ang dalaga.

"Oo. Hindi ko alam kung paano nangyari yun eh. Kahapon lang si Sam ang mahal ko pero bakit ganun? Sa isang iglap lang...may mahal na agad akong iba?" sagot ni Fretzie.

"Hindi mo masasabi kung anong kayang gawin ng love sa atin. Malay mo, si James naman pala talaga ang tinitibok ng puso mo. Pinagpipilitan mo lang na si Sam." sabi ni Patrick.

Umiling ang dalaga. "Hindi kuya eh, mahal ko naman talaga si Sam. It's just that...na-realize ko lang na si James ang palaging nandiyan para sa akin at Kuya, naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko kapag naiisip ko pa lang si James." paliwanag ni Fretzie.

Natawa naman si Patrick. "Lagot kang bata ka. Nahulog ka na sa Australianong yun!!" sabi ni Patrick.

Hinampas siya ni Fretzie. "Kuya naman eh.." sabi ni Fretzie.

"Tingnan mo nga oh, namumula ka na!! Natamaan ka na Fretzie, don't deny it." sabi ni Patrick.

"Oh sha, oo na. Nahulog na nga ako kay James. Pero naman kasi parang ang imposible, ang bilis ko naman magmahal ng iba.." sabi ni Fretzie.

"Hayy...sige na, itulog mo na lang yan. Sige, see you tomorrow." sabi ni Patrick sa kapatid sabay halik sa noo ng kapatid.

Tumango naman si Fretzie at nag-good night na rin sa kapatid at nagsimula ng matulog.

Kinabukasan...

Bumaba na si Fretzie para mag-almusal. Hinahanap niya ang kanyang kuya ngunit si Yen lang ang siyang tanging naabutan niya sa kusina.

Hindi na lamang niya pinansin pa ang kanyang pinsan at nagsimula ng magluto ng kanyang makakain. Matagal din na hindi nag-imikan ang magpinsan hanggang sa binasag ni Yen ang katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa.

"Fretzie.." banggit ni Yen sa pangalan ng pinsan. Nilingon naman siya ng dalaga.

"I-I'm sorry.." sabi ulit ni Yen nang mapansin niyang hindi sumagot si Fretzie.

"Hindi mo ako matiis ano?" tanong ni Fretzie sa pinsan. Kilalang kilala na niya talaga ang kanyang kaisa-isang babaeng pinsan.

Napatawa naman si Yen. "Marahil yun na rin ang dahilan kung bakit mabilis kitang pinatawad." sagot naman ni Yen.

"Eh ano ba talaga ang dahilan kung bakit ang bilis mo akong pinatawad?" tanong ni Fretzie.

"Eh kasi napagisip-isipan ko na mali na ang mga ginagawa ko. Nagiging hadlang ako sa ikasasaya ng isang tao...tulad niyo ni Sam. Ng dahil sa pagmamahal ko sa kanya, napilitan kang huwag nang makipagrelasyon sa kanya..I'm sorry." paliwanag ni Yen.

"Ate Yen.." banggit ni Fretzie sa pangalan ni Yen.

"Fretzie, I'm trying..." sabi ni Yen.

"Ha?" naguguluhang tanong ni Fretzie.

"Sinusubukan kong mag-move on. I'm trying to forget my feelings for Sam," sagot ni Yen. "Siguro, we're not meant to be. Kung meant to be man, eh bahala na si tadhana." dagdag pa ni Yen with matching smile pa.

"Ate Yen, you don't have to. Ako na lang ang kakalimot sa feelings ko for Sam. Sayong sayo na siya." sagot naman ni Fretzie.

"Pero ikaw naman ang mahal ng tao." sabi ni Yen.

"Ate Yen, wag na nating pag-usapan pa ito. Basta ang mahalaga ay nagkasundo na ulit tayo. Di ko kasi talaga kinaya noong hindi tayo nag-uusap eh." sabi ni Fretzie.

"Aww...halika nga rito." sabi ni Yen. Nagtungo naman ang dalaga sa kanyang pinsan at tsaka siya yinakap ng mahigpit.

Matapos ang madramang kaganapan sa pagitan ng mag-pinsan sa kusina ay napagpasyahan na ni Fretzie na maligo. Tapos na rin siyang magbihis kaya naman binuksan niya ang kanyang laptop at nag-log in sa Facebook.

A Million KissesWhere stories live. Discover now