Chapter 24

188 2 0
                                        

Chapter 24

Music time before dismissal, magkakaklase ang buong barkada.

"Okay, before I dismiss you.. since walang exam sa music, we, music teachers requires a project para yun na lang irerecord namin as exam." sabi ni Mr. Crisostomo, ang Music Teacher nila.

Nagkatinginan naman ang buong barkada at tsaka muling ibinaling ang tingin kay Mr. Crisostomo. "Ang project niyo ay you have to compose a song and dedicate it to someone. Performance will be next next week." sabi ni Mr. Crisostomo.

*KRRRIIINNNGGG!!!*

Nagtipon-tipon na ang buong barkada sa isang tabi habang ang iba naman nilang kaklase ay nagsisilabasan na. "Guys, I have an announcement." sabi ni James.

Napatingin naman sa kanya si Fretzie at napatingin din sa dalaga si James. "I have a welcome back party tonight. I want you all to come." sabi ni James na binigyang diin naman ang salitang 'all' na para bang sinasabi kay Fretzie na pati siya ay dapat pumunta.

"Talaga? Ohmygosh, I miss partying." sabi ni Kazel.

"That's why you have to come tonight." sabi ni James kay Kazel.

"Sige, una na ako." sabi ni Fretzie. Umalis na si Fretzie na hindi man lang hinintay ang sagot ng barkada. Sinundan naman ni James si Fretzie ng tingin.

Nang nakaalis na halos lahat sa barkada ay inabot ni James kay Ericka ang susi ng kanyang sasakyan. "Here, ikaw na unang pumasok. I'll be right there." sabi ni James kay Ericka.

"Sige." tipid na sagot ni Ericka tsaka kinuha ang susi kay James.

Pagkalabas ni Ericka ng school ay agad siyang pumunta sa kotse ni James ngunit lingid sa kaalaman ni Ericka ay natatanaw siya ni Fretzie mula sa malayo. "Bakit sa sasakyan ni James sumakay si Ericka?" tanong ni Fretzie sa kanyang sarili.

"Hoy!"

"Ay kabayo! Ano ba? Bakit mo ba ako ginulat?" tanong ni Fretzie.

"Akala ko ba umuna ka na?" tanong ni Sam.

"Eh palusot ko lang yun. Di ko na kinaya ang presence ni James eh tapos parang sinasadya niya pang diinan yung pagkakasabi niya ng all na para bang sinasabi niyang dapat akong nandun mamaya." sagot naman ni Fretzie.

"Eh ano ba kasi talagang ginagawa mo diyan?" tanong ni Sam.

"Wala, nakita ko lang kasi si Ericka. Pumasok siya sa kotse ni James eh." sagot ni Fretzie.

"Baka naman nagpresenta si James na siya na lang ang maghatid kay Ericka." sabi ni Sam.

"Baka nga." sabi naman ni Fretzie. Napabuntong-hininga na lamang si Fretzie at tsaka nagyaya ng umuwi.

"Hatid na kita." sabi ni Sam.

"Sige, tara na." sabi naman ni Fretzie.

At James' welcome back party...

"Sam, kailangan ba talagang may welcome back party? Parang 2 weeks lang naman nawala ang tao eh." sabi ni Fretzie.

"Charming, ano ka ba. Ayaw mo ba?" tanong ni Sam.

"Eh parang ang awkward eh. Wala na kami ni James. Siya na nga yung nakipagbreak diba tapos siya pa itong kung makaasta parang hindi siya yung nakipag-break ah. Tsaka asan ba yung babaeng pinalit niya sakin? Iniwan niya sa America? Aba, ang sama naman niyang boyfriend!" sabi ni Fretzie.

"Charming, chill ka lang. Sige, ganito na lang. Sabay tayong papasok sa loob ha?" sabi ni Sam.

Tumango na lamang si Fretzie at tsaka nakipag-link arms kay Sam. Sabay na silang pumasok sa loob at pagpasok nila, tila nakaramdam ng selos si James sa dalawa. Hindi niya maalis ang kanyang tingin kay Fretzie at Sam.

A Million KissesWhere stories live. Discover now