Chapter 25

197 2 0
                                    

Chapter 25

"Linn, anak! Halika muna rito, may sasabihin lang ako sa'yo." sabi ni Rose sa kanyang anak. Mabilis namang bumaba ng hagdan si Linn at nagtungo sa kusina kung nasaan ang kanyang ina.

"Bakit po mommy?" tanong ni Linn.

Napabuntong-hininga si Rose at tsaka ipinatong ang kanyang kamay sa balikat ni Linn. "Kailan pa binabalak ni Enrique na ligawan ka?" tanong ni Rose.

"Last year pa po, bakit?"

"Anak, sa tinagal ng panahon, unti-unti kong nararamdam ang pagka-loyal niya sa'yo at sa pagiging sincere niya sa'yo," sabi ni Rose.

"Ilang beses na rin siyang nagpunta rito sa bahay para sabihin sakin na liligawan ka niya at ilang beses na rin akong tumanggi." sabi pa ni Rose.

"Ma, what are you trying to say?" tanong ni Linn na tila gulong-gulo pa sa sinasabi ng kanyang ina sa kanya.

"Linn anak, hinahayaan ko na si Enrique na ligawan ka niya." sagot ni Rose.

Nanlaki ang mga mata ni Linn at napayakap ng mahigpit sa kanyang ina at tsaka nagtatatalon. "Really? Really? Really?" tanong ni Linn.

"Oo anak." sagot ni Rose.

"Thank you so much, mommy! I love you!" sabi ni Linn.

"Oh sha, makipagkita ka na kay Enrique at ibalita mo na sa kanya ang pagpayag ko." sabi ni Rose.

"Sige po, thank you talaga mommy!" sabi pa ni Linn. Mabilis na tumakbo pataas si Linn sa kanyang kwarto para ibahagi kina Fretzie ang nangyari.

(Calling Linn Oeymo ♥...)

Nasa kwarto si Fretzie at busy na gumagawa ng kanta para sa kanyang project sa music nang may biglang tumawag sa kanya.

Agad naman niyang sinagot nang nakita niya na si Linn ang tumatawag.

"Hello?"

(Charmiiiiingggg!! I have good news!!)

"Hahaha! Chill ka lang, Linn. Bakit? Ano ba iyon at mukhang tuwang-tuwa ka?"

(Eh paano naman ako hindi magiging masaya eh pinayagan na ni mommy si Enrique na ligawan ako!!)

"WHAAAT?! Talaga? Di nga?"

(Hindi ka ba makapaniwala? Ako rin eh, nung una.)

"Alam na ba ni Enrique 'to?"

(Not yet, I want to surprise him eh.)

"Anong surprise? Maybe I can help."

(Kita na lang tayo mamaya. Labas tayo, let's go sa mall. Tayong dalawa lang.)

"Sure. So, mamaya ha? Kwento mo sa'kin lahat lahat! Every detail, okay?"

(Sige ba. So, mamaya na lang ha? Mga after lunch kita tayo sa SM.)

"Sige. Bye Linn! Mwah!"

(Bye Fretzie! Mwah!)

Nakangiti si Fretzie matapos niyang makausap si Linn sa cellphone. Masyado siyang masaya para sa kanyang kaibigan dahil sa tinagal-tagal niyang paghihintay na payagan ng kanyang ina na ligawan siya ni Enrique ay sa wakas ay nangyari na.

Tinigil na muna ni Fretzie ang paggawa niya ng kanta at lumabas muna siya sa kanyang terrace. Nakita niya si James na naroon at naggi-gitara. Napatitig siya kay James at sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatingin din sa kanya si James.

Napatigil si James sa kanyang paggi-gitara at tsaka tinawag si Fretzie. "Ching!!" sigaw ni James.

Hindi siya tinugon ni Fretzie subalit masama pa rin ang loob ng dalaga sa kanya kaya pumasok na lamang ito sa kanyang kwarto.

A Million KissesWhere stories live. Discover now