Chapter 16

267 4 1
                                        

Chapter 16

Dumaan ang Pasko at ang Bagong Taon ng masaya sa pamilya ng magbabarkada. Nagcelebrate rin ang magbabarkada ng magkakasama kaya naman naging memorable ang pasko at ang bagong taon sa kanila.

Dahil sa nalalapit na rin ang muling pagpasok sa school ay naisipan ng buong barkada na i-spend ang last days ng Christmas Break sa isang nature park kung saan pwede kang mag-zipline, hiking, boating, wall climbing, biking at marami pang iba.

Maaga silang umalis para maaga na rin sila makauwi. Si Fretzie at Patrick ang huli nilang sinundo at pinag-agawan pa si Fretzie ni James at Sam para makatabi ang dalaga. Sa huli ay walang nanalo kaya si Linn na lamang tinabihan ni Fretzie dahil si Enrique ay sa tabi ng driver umupo.

Hindi na sumama pa sa kanila si Yen dahil may sarili siyang outing kasama ni Kyra, Jessy at April.

Si Coleen naman ay nadiskubre na may kamag-anak pa pala siyang natitira sa Pilipinas kaya roon muna siya maninirahan. Hindi siya sumama sa barkada dahil may sarili rin siyang lakad together with her kamag-anaks.

"Tabihan niyo na lang ang mga bag ninyo. Ang kukulit niyo kasi eh." sabi ni Fretzie sa dalawa.

Narinig naman ni Fretzie na napabuntong-hininga parehas si Sam at James. Nilingon ni Fretzie ang dalawa at tsaka nag-sorry. "Sorry guys. Kasi kayo eh, pati ba naman yun pag-aagawan niyo pa!" sabi ni Fretzie.

"It's okay. Basta, don't sleep ha? Mahaba ang byahe, gusto ko may kausap kami na cute." sabi ni James.

"Ang kulit niyo talaga. Sige, paano kapag natulog ako?" tanong ni Fretzie.

"Hahalikan kita." bulong ni James.

Napatingin naman parehas si Sam at Fretzie kay James. "Ano?!" sabay na pagtanong ni Sam at Fretzie.

"Ay ganun? Kailangan talaga sabay?" tanong ni Enrique mula sa harapan.

"Enrique naman, nagkataon lang." sabi naman ni Linn.

"I know, inaasar ko lang naman sila eh." sagot naman ni Enrique.

"Ano kamo? Anong gagawin mo sakin incase na makatulog ako?" tanong ni Fretzie.

"I'll kiss you, sleeping beauty." sagot ni James sabay kindat pa.

"Yieeeeeeeee!!" sabi ng buong barkada pero lang kay Sam na halatang nagseselos na.

"Huy, it's okay. Nanggu-good time lang yang si James." bulong ni Fretzie kay Sam. Tumango naman si Sam.

Maya maya ay umandar na ang van at nagtungo na sila sa kanilang pupuntahan. Nakatulog din si Linn, Devon at Kazel. Si Fretzie naman ay halatang natutulog na pero pinipilit niyang matulog dahil na nga sa baka seryosohin ni James yung sinabi niya kanina.

"Fine Fretz, go to sleep na. Alam kong kanina ka pa inaantok diyan. Ako na bahala kay James." bulong ni Sam kay Fretzie.

Tumango naman si Fretzie at nagsimula ng matulog. "Hey, why is she sleeping?" tanong ni James. Napatingin naman si Sam, James at Enrique kay Fretzie.

"Prince Charming, halikan mo na si Sleeping Beauty." biro ni Enrique. Napamulat naman agad ng mata si Fretzie.

"Hoy, sinong hahalikan ha? Walang hahalikan dito." sabi naman ni Fretzie. Nagtawanan naman silang lahat kaya nagising si Linn.

"Anong meron? Bakit ang iingay niyo?" tanong ni Linn.

"Sila kasi, nakatulog lang ako eh. Narinig ko si Quen na hahalikan daw ako ni Prince Charming tapos ako raw si Sleeping Beauty." sumbong naman ni Fretzie.

A Million KissesWhere stories live. Discover now