Chapter 10
The day before the Christmas Party ...
"Guys, wala pa akong regalo sa ka-exchange gift ko. Tara, shopping tayo." yaya ni Fretzie sa kanyang mga kaibigan. Matatalik man silang magkakaibigan pero hindi nila sinasabi sa isa't isa kung sino ang mga nabunot nila.
"Ako nga rin eh." sabi ni Linn sabay pout.
"Me too." sabi ni Kazel.
"Oh ano pa hinihintay niyo? Dadalo ba kayo bukas na walang mga regalo? Tara na, punta na tayo sa mall. Nadiyan naman driver ni Linn eh." sabi ni Fretzie.
Hindi nila kasama si Devon ngunit may emergency meeting daw ang team nila sapagkat magkakaroon na naman sila ng game before Christmas. Sabi rin niya na may regalo na raw siya sa kanyang ka-exchange gift kaya naman sila na lamang tatlo ang magpupunta sa mall.
[SA MALL]
"Tara dun tayo oh!" sabi ni Fretzie. Pumasok na sila sa Blue Magic at naghiwa-hiwalay sila para makapaghanap sila ng maayos na regalo para sa kanilang ka-exchange gift at para na rin hindi nila masilayan ang mga regalo in case na rin na isa sa kanila ang nabunot nila. Nagtungo si Fretzie sa mga stuffed toy na maliliit na naaayon sa mga lalaki at sa mga babae. Naghahanap siya ng perfect gift ngunit ng makita na niya ito ay nadismaya siya sapagkat hindi niya afford kaya naman naghanap na siya ng iba.
Si Kazel naman ay nagtungo sa mga sections kung saan may mga hinganteng stuffed toy. Since mayaman na siya ay wala na siyang pakialam sa price. Basta she said na all she needs is a perfect gift. Kinuha na niya ang isang malaking teddy bear at nagtungo na siya sa cashier.
Si Linn naman ay nagtungo kung saan matatagpuan ang mga regalo for lovers. Bibili na siya para sa kanyang ka-exchange gift at pati na rin kay Enrique. Hindi pa man makuhang manligaw ni Enrique sa kanya sapagkat ayaw talaga siyang payagan ng mommy ni Linn pero gustong bigyan ni Linn ng regalo si Enrique upang ipaalam sa binata na nararamdaman niya rin ang nararamdaman ng binata para sa kanya. Nakapili na siya at nagbayad na sa cashier.
Tanging si Fretzie na lamang ang hindi pa nakakapili ng magandang regalo hanggang sa makita niya ang isang maliit na stuffed toy na may hawak na heart at may matching necklace pa na pwede sa lalaki at sa babae. Binayaran na niya ito at nagtungo na ang magkakaibigan sa isang restaurant sapagkat nagutom silang lahat.
"Hayy .. nakakapagod. Who would've thought na mahirap para hanapan ng regalo yung isang iyon." reklamo ni Fretzie.
"Kaya nga eh. Kaya pala dapat mas maaga tayong namili kasi kapag mga ganitong time na .. mahirap na pala talaga kasi alam mo na rushed ka na." sabi ni Linn.
"Ah basta. Kain na lang tayo." sabi ni Kazel at hinila na niya ang kanyang mga kaibigan patungo sa cashier para um-order.
[FAST FORWARD]

YOU ARE READING
A Million Kisses
FanfictionPaano kung mahulog ka sa taong pinaka-ayaw mo? Mako-control mo pa ba ang nararamdaman mo?