Chapter 13

236 3 0
                                    

Chapter 13

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay may nanonood sa kanila na abot langit ang mga ngiti.

Si James.

Masaya siya dahil na rin sa may nararamdaman na siyang kakaiba para kay Fretzie at masaya siya dahil hindi na siya mahihirapan na gawing girlfriend ang dalaga dahil na nga rin sa hindi siya pumayag na makipag-relasyon kay Sam.

"Gusto mo pa ba kumain?" tanong ni Sam kay Fretzie. Tumango na lamang si Fretzie habang nakangiti.

Inalalayan naman ni Sam si Fretzie patungo sa dining table na nasa gitna noong garden. Ipinaghila pa ni Sam si Fretzie ng upuan.

"Even though we can't be together, can we still be friends?" tanong ni Sam.

"Why not? Ganito na lang, best friends na lang tayo." sabi ni Fretzie.

"Sure.." sagot naman ni Sam na nakangiti. Hindi ginalaw ni Fretzie ang kanyang pagkain habang si Sam naman ay busy na busy sa pagkain.

Tumayo siya at naglakad patungo kay Sam. "Isayaw mo naman ako." bulong ni Fretzie.

Nilingon siya ni Sam at napangiti. "Sige ba." sagot ni Sam sabay tayo mula sa kanyang kinauupuan.

Isinayaw ni Sam si Fretzie kahit walang tugtog. Kumanta na lamang si Sam. Hindi nila inaalis ang kanilang tinginan.

"Sorry talaga ha?" sabi ni Fretzie.

"It's okay. I understand, alam ko kung gaano mo kamahal ang pinsan mo dahil ayaw mo siyang nasasaktan." sagot naman ni Sam. Ngumiti na lamang si Fretzie.

Natapos na rin ang araw at inuwi na ni Sam si Fretzie. "Good night Fretzie." sabi ni Sam.

"Good night, Sam." sagot naman ni Fretzie. Hinalikan siya ni Sam sa kanyang noo at tsaka siya yinakap ng sobrang higpit na parang ayaw na niyang pakawalan pa ang dalaga.

"Goodnight." sabi ulit ni Fretzie. Tumango na lamang si Sam. Hinawakan niya ang kamay ni Fretzie. Papasok na ang dalaga ngunit hindi siya makapasok dahil sa sobrang higpit ng hawak ni Sam sa kamay niya.

"Sam.." sabi ni Fretzie na nakangiti. Unti-unti namang binitawan ni Sam ang kamay ni Fretzie at hinayaan na siyang makapasok.

Bago pumasok si Fretzie ay nilingon niya muli si Sam. "Sam.." tawag niya.

Lumingon naman ang binata. Tumakbo si Fretzie patungo kay Sam at tsaka siya niyakap muli. "Sorry ulit. Kung pwede lang sana eh." sabi ni Fretzie.

"Charming, I promise it's okay. Best friends naman tayo diba?" sabi naman ni Sam.

Tumango si Fretzie. Hinawakan ni Sam ang magkabilang pisngi ng dalaga. "Kahit sino pa ang maswerteng lalaki na bibihag sa puso mo...tandaan mo, hindi maglalaho ang pagmamahal ko sa'yo. I'll never stop loving you.." sabi ni Sam.

"Oh sha, masyado na tayong madrama. Basta pag may lakad ang barkada ha, sasama ka para magkasama tayo." sabi ni Fretzie.

"Siyempre naman." sagot ni Sam. Hinalikan niya ulit ang noo ni Fretzie at tsaka nagpaalam na.

Hinintay ni Fretzie na makaalis si Sam bago siya tuluyang pumasok sa bahay. Hindi pa naman masyadong gabi kaya marami pang ilaw ang nakabukas sa bahay.

"Fretzie, mag-usap nga tayo." sabi ni Yen na may halong panlalamig sa kanyang boses. Nagulat naman si Fretzie sa biglang paglalamig sa kanya ng kanyang pinsan.

"Ate Yen, si Kuya?" tanong ni Fretzie habang umaakyat sa hagdan papunta kay Yen.

"Umalis." tipid na sagot ni Yen. "Ahhh..." sabi naman ni Fretzie habang tumatango.

A Million KissesWhere stories live. Discover now