Chapter 23

247 2 2
                                    

Chapter 23

*Ring! Ring!*

Calling 0915*******

"Sino kaya ito? Unregistered number." sabi ni Enrique nang makita niya kung sino ang tumatawag sa kanya. Sinagot na lamang niya ang kanyang phone para malaman niya kung sino ito.

"Hello?"

(Quen, it's me James.)

"James? Nagbago na ba number mo?"

(Yes, anyway, I'm already here sa Philippines kahapon pa and I'd be going to school na.)

"Really? Cool. Sige, kita kits na lamang mamaya sa school. Sa dating tambayan ng barkada ha? I'm sure miss na miss ka na nilang lahat especially Charming."

Hindi muna sumagot sandali si James nang mabanggit ni Enrique si Fretzie.

"Sige James, bbye na ha? Nagd-drive kasi ako eh."

(Sige, bye! I'll see you later.)

Binaba na rin ni Enrique ang kanyang phone at tsaka nagpatuloy sa kanyang pagd-drive.

Pagkapark ni James sa parking lot ng kanilang school ay hinarap niya si Ericka na nasa passenger's seat nakaupo. "Ericka.." tawag ni James.

"Yes?" sagot ni Ericka.

"Uhm...can you do me a favor?" tanong ni James.

"Sure." sagot ni Ericka.

"Pwede pagpasok natin sa school, let's just act as friends? I don't want them to know that you're my girlfriend pero...I'll let them know din naman when the right time comes." sabi ni James.

"Sure, basta gusto ko na sooner or later, ipapakilala mo rin ako sa kanila as your girlfriend ha?" sabi ni Ericka.

"I will." sagot naman ni James na napipilitang ngumiti.

"Una ka munang bumaba ha?" sabi ni James. Tumango na lamang si Ericka at tsaka siya lumabas ng sasakyan.

Pagkalabas ni Ericka sa kanyang sasakyan ay lahat ng kalalakihan ay napatingin sa kanya. Hindi na lamang niya ito pinansin at nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad papasok sa eskwelahan.

Pagpasok niya sa eskwelahan ay hindi niya alam kung saan siya pupunta kaya nagtanong siya ng isang random girl na hindi sinasadyang si Fretzie. "Uhm..excuse me?" sabi ni Ericka.

Nilingon siya ni Fretzie at parehas silang napakunot ng noo. "You look familiar." parehas nilang sabi. Nagkatitigan na lamang sila at tsaka nagtawanan.

"You know what? I like you." sabi ni Ericka.

"Salamat." sagot naman ni Fretzie.

"Anyway, alam mo ba kung saan ko makukuha ang schedule ko?" tanong ni Ericka.

"Oo, tara. Sasamahan na lang kita." alok naman ni Fretzie. Tumango na lamang si Ericka at tsaka sila naglakad ni Fretzie patungo sa office kung saan makukuha ni Ericka ang kanyang schedule.

"Alam mo, para ka talagang familiar." sabi ni Ericka.

"Ikaw din, familiar ka sakin. Parang....we didn't actually meet in person pero parang I saw you somewhere na." sabi naman ni Fretzie.

"Oh nevermind. Intindihin na lang natin ang schedule ko." sabi ni Ericka na nakangiti. Tumawa naman silang dalawa.

"Gusto mo ipakilala kita sa barkada ko?" tanong ni Fretzie.

"Sige, wala pa rin naman akong friends dito eh. Ikaw pa lang." sagot naman ni Ericka.

Nakuha na nila ang schedule ni Ericka at halos lahat ng subject ay magkaklase silang dalawa. "Guess we're destined to be friends." sabi ni Ericka.

"Oo nga eh." sagot naman ni Fretzie.

"Kailan mo ba ako ipapakilala sa barkada mo?" tanong ni Ericka.

"Ngayon na, gusto mo?" tanong ni Fretzie.

"Sige, tara!" sabi naman ni Ericka. Nai-link niya yung braso niya sa braso ni Fretzie habang naglalakad silang dalawa patungo sa tambayan ng barkada ni Fretzie.

"Guys!" sigaw ni James pagkadating niya sa tambayan ng barkada.

"JAAAAAMMMMESSSS!!!!" sigaw nilang lahat. Niyakap nilang lahat ng sabay sabay si James kaya naman naipit ito sa gitna.

"Wait, where's Charming?" tanong ni James.

"Wala pa nga eh. Ngayon lang yan na-late ng ganito." sagot ni Kazel.

Hindi alam ng barkada na wala na si James at Fretzie. Tanging si Linn lamang ay may alam kaya medyo naiilang siya kay James. "Oh, nandito na pala si Fretzie eh," sabi ni Linn. "...at may kasama siyang girl. Is she new? I haven't seen her before?" dagdag ni Linn.

Lahat sa barkada ay napalingon at nanlaki naman ang mga mata ni James nang makita niya si Fretzie at Ericka na magka-link arms at nagtatawanan na para bang matagal na silang magkakilala. "This is not good." bulong ni James.

"Hello guys!" bati ni Fretzie. "Hello...James." sabi ni Fretzie na may halong lungkot sa kanyang boses.

"Who is she, Charming?" tanong ni Kazel habang tinitignan mula ulo hanggang paa si Ericka.

"Oh, she's Ericka. She's a transferee from America." pakilala ni Fretzie kay Ericka sa buong barkada.

"Ericka, this is Enrique, Linn, Kazel, Devon, James and Sam." sabi ni Fretzie habang tinuturo isa-isa ang kanyang mga kaibigan.

"Hi, nice to meet you guys! Hope we all get along." sabi naman ni Ericka habang tinitingnan si James kanina pa.

*KRRRRRRRRIIIIIINGGGGGGGGGGGGG!!!!!*

Nag-ring na ang first bell at nagsipuntahan na sila sa kani-kanilang classroom. Magkasamang pumasok si Fretzie at Ericka sa kanilang first period.

"You know, I kind of like James. Can I ask you something?" tanong ni Ericka.

Nagulat naman si Fretzie sa sinabi ni Ericka. "Ah s-sige, a-ano yun?" tanong ni Fretzie kay Ericka.

"Single ba si James?" tanong ni Ericka na nakangiti.

"Ah, o-oo, single yun. Ang hirap nga nun maging boyfriend eh. Ang daming requirements." sabi ni Fretzie.

"Bakit? Nag-apply ka na ba sa kanya dati?" tanong ni Ericka.

"Ha? Hindi ah! Nalaman ko lang kasi siyempre, barkada ko si James. I know everything about him." sagot ni Fretzie.

"Ah ganun." sabi naman ni Ericka.

Nauna na si Ericka sa pagpasok sa classroom habang si Fretzie naman ay hindi nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. Nagulat siya sa mga sinabi sa kanya ni Ericka. "May karibal na naman ako sa'yo, James. Bakit ba kasi ang gwapo mo?" sabi ni Fretzie sa kanyang sarili.

"Hmmp! Bahala na nga lang. Kung meant to be kami, eh di meant to be. Eh! Basta, bahala na gna lang." bulong ni Fretzie tsaka na siya pumasok sa kanyang classroom at naupo sa tabi ni Ericka.

***

Countdown to A Million Kisses' Finale: 8 chapters to go!

A Million KissesWhere stories live. Discover now