Chapter 19
"Are you sure you don't wanna say goodbye?" tanong ni Enrique kay James pagdating nila sa airport. Tumango na lamang si James at ngumiti.
"Hindi kaya masaktan siya sa ginagawa mong ito?" tanong muli ni Enrique.
"Which one?" tanong ni James. "The part where I have to leave for two weeks or the part where I won't say goodbye to her?" dagdag pa ng binata.
"Yung ano...yung hindi ka man magpapaalam sa kanya." sagot ni Enrique.
Napabuntong-hininga na lamang si James. "I know I'm hurting her but...mas madadalian akong umalis kapag hindi ko siya nakikita." sagot ni James.
"Nga pala, nasan ang family mo?" tanong ni Enrique.
"They already left. Sabi ko na susunod na lang ako sa kanila." sagot naman ni James.
Tumango naman si Enrique at tsaka yinakap ang kaibigan bago niya ito patuluyin sa pagpunta sa loob ng airport. "Bye James, see you after two weeks." sabi ni Enrique.
"Look after Fretzie for me, okay?" sabi naman ni James. Tumango naman si Enrique at pinanood na lamang ang kaibigan na pumapasok sa airport.
Makalipas ang ilang minuto ay nakauwi na rin si Enrique sa bahay. Nalulungkot pa rin siya dahil sa pag-alis ni James at lalo niyang ikalulungkot kapag nalaman ni Fretzie na umalis na pala si James.
"I'm sorry Fretzie." sabi ni Enrique sa kanyang sarili. Tumaas na siya sa kanyang kwarto para ituloy ang naudlot niyang pagtulog.
"Please put on your seatbelts, we are ready to take off." sabi ng speaker. Sinunod naman ni James ang sinabi nito at tsaka ulit dumungaw sa may bintana.
Nakikita niya ang pag-angat ng araw. Bigla naman niyang naalala si Fretzie. "I'm really sorry Ching. Sorry kung hindi na kita pinagising pa kina Linn para maghatid sakin dito sa airport. Mas lalo lang akong mahihirapan kapag nakita pa kita bago ako umalis." sabi ni James sa kanyang isipan.
"I'll be back Fretzie, I'll be back." sabi pa ni James.
//FLASHBACK//
"Salamat ulit sa paghatid ah." sabi ni Ann kay Patrick pagkahatid niya nito sa hotel ng dalaga.
"Walang anuman." sagot naman ni Patrick.
"Uhm...Patrick, can I have your number?" tanong ni Ann.
Nagulat naman si Patrick sa tanong ng dalaga. "Uhm...sure." sagot ni Patrick. Inabot sa kanya ni Ann ang kanyang phone at nai-type naman ni Patrick doon ang kanyang number.
"Here." sabi ni Patrick tsaka naiabot kay Ann ang kanyang phone.
"Salamat. So, see you next time na lang." sabi ni Ann.
"Sure, text mo lang ako if you need anything." sabi naman ni Patrick.
"Thanks." sabi naman ni Ann. Pumasok na ang dalaga sa hotel habang si Patrick naman ay umuwi na sa kanyang bahay dahil baka nag-iisa si Fretzie roon.
//END OF FLASHBACK//
"Huy!" sigaw ni Coleen sa kanyang boyfriend.
"Oh sorry, ano yun?" tanong ni Patrick kay Coleen.
"Sabi ko okay lang ba kung pumunta ako kay Ivan today?" tanong ni Coleen kay Patrick.
"Ivan? Yun ba yung kapatid ni James?" tanong naman ni Patrick.
"Exactly. So ano, pwede ba?" tanong ni Coleen na nakangiti.
"Matanong lang ha? Ano bang mayroon sa inyo? Napapadalas na ata kayo ha?" tanong ni Patrick.
YOU ARE READING
A Million Kisses
FanfictionPaano kung mahulog ka sa taong pinaka-ayaw mo? Mako-control mo pa ba ang nararamdaman mo?