Chapter 4

255 3 0
                                        

Chapter 4

*Ring! Ring! Ring!*

Kahit pagod pa siyang gumising ay pinilit niyang ibuka ang kanyang mga mata upang sagutin ang tawag. Inabot niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang bedside table.

[Enrique calling]

Napabuntong hininga si James at tsaka pinisa ang [end] button at tsaka pinagpatuloy na ang kanyang pagtulog. Maya maya lamang ay muli na namang tumawag si Enrique. Nainis na si James kaya sinagot na niya ito. "What?" tanong ni James.

"Labas tayo. Maybe, go to clubs or go bowling. I don't know." sabi ni Enrique sa kabilang linya.

"Hmm...let me think about it." sabi ni James.

"Aww...come on, dude. Without girls...just us." sabi ni Enrique para lang mapasama niya si James sa lakad.

"Fine." pagsang-ayon ni James.

"Yes! Okay. We'll pick you up na lang." sabi ni Enrique.

"Okay." sabi ni James sabay paalam sa kaibigan at tsaka in-off ang kanyang cellphone.

Hindi pa siya nakakapikit ay tinawag na siya ng kanyang kapatid na si Ivan. "James, get up." utos ni Ivan sa nakababatang kapatid. Sunod naman agad si James. Bumangon na siya sa kanyang kama at nagtungo sa kanyang banyo. Paglabas niya ay nadon pa rin si Ivan at hinihintay siya. Nagtungo na siya palabas ng kanyang kwarto at sinundan si Ivan pababa ng hagdan. Pagdating nila sa kusina ay maraming pagkain na nakahanda. May hotdogs, eggs, bacons, fried rice at mainit na kape. Napangiti si James at dali daling umupo sa kanyang upuan at sinimulan ng kumain.

"James, Enrique told me that you will go out later together with Sam." sabi ni Ivan kay James.

"Yeah." sabi ni James.

"Well, don't get into any trouble." paalala ng mommy niya.

"I know, Ivan. I'm not a kid anymore." sabi ni James habang sumusubo ng bacon. Ngumiti na lamang sa kanya si Ivan. Pagkatapos kumain ni James ay nagpaalam na siya na tataas na siya at maghahanda na siya para sa lakad nila ni Enrique at Sam.

*Beep! Beep!*

Nakaupo si James sa sofa sa kanilang sala habang hinihintay na dumating ang kanyang mga kaibigan. Narinig na niyang bumusina si Sam kaya madalian siyang nagpaalam at tsaka lumabas na ng bahay at sumakay na sa sasakyan. Bago siya sumakay ay sumulyap muna siya sa may bahay ni Fretzie at napangiti siya nang makita niya si Fretzie na nasa terrace at may hawak na camera.

"Where are we going?" tanong ni James sa mga kaibigan pagkasakay niya sa kotse.

"We'll try the new bowling and club doon lang malapit sa school natin." sagot ni Enrique.

"Really? I'm dying to try that place." sabi ni James na may halong pagka-excite sa boses niya.

Nasa terrace si Fretzie kasama ang kanyang *DSLR na nakasukbit sa kanyang balikat. Kinuha niya ito at nagkukuha ng mga litrato ng kung ano mang magustuhan niya. Napansin niya ang kotse ni Sam na nasa labas ng bahay ni James. Naitapat niya ang kanyang camera doon at tsaka nai-zoom ang lens. Kukunan niya sana ng litrato si Sam ngunit bigla namang humarang si James. Tiningan niya sa screen kung ano ang kinalabasan ng litrato at nagulat siya at hindi mukha ni Sam ang nakunan kundi ang mukha ni James. Hindi na lamang niya binura ang litrato. Sinampal niya ang sarili niya nang marealize niya ang kanyang nagawa. "Mahal ko si Sam." pagkukumbinse nito sa sarili. Napabuntong hininga na lamang siya at nagtungo na siya sa loob ng kanyang kwarto.

"Guys, this place is awesome!" sabi ni James habang iniikot niya ang kanyang tingin sa paligid.

"Guys, ang daming girls!" pagbibiro ni Enrique. Nagkatinginan silang tatlo at sabay sabay na sinabing, "Nah!" Alam nilang hindi na dapat sila tumingin pa sa ibang babae sapagkat wala ng mas dadaig pa sa mga espesyal na babae sa kanilang buhay. "Guys, I'm planning on courting Linn." sabi ni Enrique habang kumukuha sila ng maiinom sa bar.

A Million KissesWhere stories live. Discover now