Chapter 8

255 4 4
                                        

Chapter 8

Pagpasok ni Fretzie sa isang malaking bahay ampunan kung saan ginaganap ang Reach Out Program ay sinalubong siya ni Linn. "Oh my gosh Fretz, where have you been?" tanong ni Linn.

"Sa labas. Nag-usap lang kami ni Sam then ni Quen." sagot ni Fretzie sa kaibigan.

"Ah, ganun ba? I'm overreacting na naman. Nga pala, hinihintay ka na ni James doon sa kabilang room. Hirap na hirap na siyang mag-alaga ng bata lalo na't wala ikaw." sabi ni Linn.

"Tss...sige na, punta na ako roon." sabi ni Fretzie.

"Sige, tabi tayo sa bus later!"

"Sige."

"Kuya James, laro tayo!"

"Kuya James, basahan mo ako ng story!"

"Kuya James, gutom na ako!"

"Okay kids, settle down first. Ate Fretzie's not yet here. Let's wait for her." sabi ni James sa mga bata. "Oh, she's here na pala!" dagdag ni James nang makita niya si Fretzie. "Wow, Kuya James; ang ganda ni Ate Fretzie. Bagay sa'yo." sabi ng pinakamatandang bata doon.

"Yes, she is." sagot ni James.

"May gusto ka sa kanya, Kuya?" tanong ng bata.

"Huh? Wala noh." sagot ni James habang nakatingin kay Fretzie.

"Yieee! Deny pa si Kuya."

"Huh?" tanong ni James. Ngumiti lang sa kanya ang bata at tsaka pinuntahan si Fretzie. Napansin ni James na may binubulong ang bata kay Fretzie. Ang akala ni James ay sinabi ng bata kay Fretzie na may gusto siya sa dalaga ngunit yun pala ay inaya lang ng bata na maglaro sila ng bahay-bahayan. "Eh sinong daddy?" tanong ni Fretzie sa bata.

"Siya!" sagot ng bata sabay turo kay James. Hinila ng bata si Fretzie patungo kay James at tsaka sila pinaghawak-kamay.

"Raphael, kailangan pa ba talaga ito?" tanong ni Fretzie sa bata.

"Opo, Ate; mag-asawa kayo eh." sagot ng bata.

"Raphael..." magrereklamo pa sana si Fretzie nang hinigpitan pa ni James ang kanyang pagkakahawak sa kamay ni Fretzie. "Better give what the child wants." bulong ni James sa dalaga.

"Pero DD..." sabi ni Fretzie na parang bata.

"Ching, just this time...hindi naman ito forever eh." sabi ni James. Napabuntong-hininga si Fretzie at tumango.

"Okay, kids; let's play!" sabi ni James sa mga bata. Napasigaw naman ang mga bata sa tuwa. Habang naglalaro ang mga bata kasama sina Fretzie at James ay napghahalata ni Raphael na tila pilit na inilalayo ni Fretzie ang sarili niya kay James. Kumuha ng tali si Raphael at hinawakan si Fretzie sa kanyang braso.

"Raphael, anong ginagawa mo?" tanong ni Fretzie habang pinapanood si Raphael. "Raphael, ano 'to?" dagdag ni Fretzie. Hindi na sinagot pa ni Raphael si Fretzie.

"Ikaw kasi...layo ka pa ng layo yan tuloy itinali na mga kamay natin." sabi ni James. Tiningnan ni James si Fretzie at nakita niyang napapatwa ang dalaga. "Why are you laughing?" tanong ni James. Umiling-iling si Fretzie. "Nakakatawa ka kasing mag-Tagalog eh." sagot ni Fretzie.

"Seriously, Ching."

"Yiee, si Mommy at si Daddy, oh!" sabi ng isang bata.

"Kiss!"

"Ay nako, kayo ha? Ang babata niyo pa-" naputol si Fretzie sa pagsasalita nang bigla siyang hinalikan ni James sa pisngi. "DD ano ba, may mga bata oh!" sabi ni Fretzie. "They want kiss so, I gave them what they want." sabi ni James.

A Million KissesWhere stories live. Discover now