Chapter 7
What do you mean? When you nod your head yes but you wanna say no. Haist, kung pwede lang tumanggi kanina pero sino ba ako para umarte pa? Oo, swerte ako ngayon pero malas din. Bakit kasi siya pa?
Pero sabi nga nila, Huwag ka munang manghusga dahil hindi mo pa talaga alam ang totoong panloob na anyo nila. Sabagay. Hindi ko panaman talaga siya lubusang kilala. Malay natin di ba?
Time check: 7:20 pm
Teka! Wag nyong sabihin na dito ako matutulog sa park? No way! Ayoko! Mamaya nyan pag-pyestahan ako dito! Nung nagpaulan kasi ng kagandahan at kasexyhan yung iba naambunan lang pero ako binagyo! Haha.
"Kylie?" sabi nung familiar voice. Lumingon ako sa likod para makita kung sino yon.
Si Lays pala.
"Hi." matamlay kong sabi.
"Teka, ba't nandito ka pa? Umuwi kana. Maaga pa pasok mo bukas. Ayaw ni Sir. Kieran na mas nauuna pa siya sa secretary niya. Gusto niya ikaw yung mauuna. Sa madaling salita, ayaw niya ng late." Oh, edi wow! Okay, got it!
"Wala kasi akong mapupuntahan. Bago lang ako dito. At wala din akong kakilala." Umupo siya sa tabi ko at ngumiti ng nakakaloko. Problema nito?
"Ba't hindi mo sinabi sa'kin kaagad? Doon ka nalang muna mag-stay sa apartment na tinutuluyan ko."
"Weh? Talaga?"
"Mmm. Tsaka ako lang naman kaya wag ka nang mahiya dyan!" Isang malapad na ngiti ang binigay ko sakanya.
"Lays, maraming salamat talaga! Hindi ko alam kung ... Hindi ko alam kung paano kita mababayaran.." Marahan nya akong pinalo sa braso ko.
"Ano ka ba, wag mo nang problemahin yun! Tara kain muna tayo!" tatayo na sana siya pero pinigilan ko.
"Saglit lang!"
"Bakit?"
"Pw-pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sakanya?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ko tinanong yan, pero gusto ko syang makilala.
Umupo ulit siya sa tabi ko.
"Ano bang gusto mong malaman tungkol sakanya?" Marami. Gusto kong malaman kung bakit ganun syang tao? Anong nangyari sakanya at naging ganun ang ugali niya.
"Marami eh."
"Ano yung unang pumasok sa isip mo? Yung gumugulo sa isip mo na gusto mong itanong sa'kin?"
"Hm, bakit ganun siya? Bakit ganun yung ugali niya?"
"Kahit ako hindi ko alam kung bakit ganun ang ugali niya. Ibang-iba ang ugali niya kay Darrel. Si Darrel kasi mabait, siya naman kabaligtaran." Magkapatid ba talaga sila? Hahaha. Okay.
"May g-girlfriend ba si Kieran?" Luh? Bakit ko naman tinatanong yan? Namemersonal kana Kylie Elle! Tsk.
"Uyyyy, bakit? Type mo si Kieran? Hahaha." Luh? Pinagsasabi nito? May gusto agad? Hindi ba pwedeng curious lang talaga ako sa buhay ng mokong na yon?!
"Luh? Grabe siya oh! May gusto agad?
"Haha. Hm, ewan ko pero sabi nila may girlfriend daw si Kieran. Tapos may iba naman na nagsasabi na wala daw? Niloko daw kasi nung girl. Hay, ewan ko ba kung meron o wala. Ang gulo nila!" Niloko? Hindi kaya yun yung reason kung bakit naging ganun siya? Bakit ko ba kasi pinoproblema yung mokong na yon? Nakakainis!
"Tao ba siya? Haha. Sabi mo kasi hindi ngumingiti yun.."
"Baka alien! Hahaha. Pero never, as in never namin siya nakitang ngumiti. Poker face lang siya everyday. Tapos alam mo ba, hindi siya nag-cecelebrate ng birthday?" For real? Tao ba talaga siya? Haha. Baka nga alien. Scary.
"Talaga?"
"Oo kamo! I remember na pinaghandaan namin yung birthday niya. Kahit ganun yon, may malasakit naman kami kahit papaano. Siya lang naman yung masama, hindi kami! Haha."
"Oh tapos?"
*Flashback*
"Bilis ayan na si Sir!" Aligaga na kami sa pag-aayos dahil birthday ng boss namin. Pinaghandaan namin 'to, at kahit masama ang ugali niya we still care about him. Awtsu.
"Ayusin niyo na yan!!!"
"Guys, ayan na siya! Mag ready na kayo." pinatay nanamin yung ilaw para mas maganda.
*click*
"Hap-"
"Stop it! It's nonsense. Nag-sasayang lang kayo ng oras. Itapon niyo na yan lahat."
*End of flashback*
"Oha! Sayang effort namin! Pinatapon lang naman niya yung mga pinaghirapan namin."
Grabe naman siya. Pati banaman birthday niya sinusungitan? Kill joy! Ang sarap nyang suntukin sa mukha ng paulit-ulit.
"Yung family niya? Hindi ba sila lumalabas nina Mr. Tan at Darrel?"
"Never in a million years."
Bakit kaya?
Ang dami pa din' tanong sa utak ko.
Ang weird niya.
May something sakanya na hindi ko maipaliwanag.
"Sorry ha? Ang daming kong tanong. Curious lang talaga kasi ako sakanya.."
I want to know more about him.
![](https://img.wattpad.com/cover/8563875-288-k212479.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm In Love With An Idiot (Major Editing)
Teen FictionYou're weird, obnoxious, crazy and a complete idiot. but you know what? I still love you. Kieran and Kylie's story. ❤