Chapter 2 : Pretty Please

1.1K 14 6
                                    

Chapter 2

Tinignan ko ulit yung card na binigay sa'kin ni Dolly. Wyatt Company? Saan ko naman lupalop ng Manila hahanapin 'to? Baka mamaya nyan maligaw ako dun!

"Ellengot!" Agad ko naman tinago yung card, baka kasi intrigahin pa'ko nyan. Sinamaan ko siya ng tingin at marahan syang hinampas sa braso niya. "Ellengot ka dyan! May pangalan ako!" Ganyan yan, laging nangaasar!

Lumapit siya sa'kin at hinawakan yung magkabila kong pisngi.

"Bakit? Pangalan mo naman yun ah?" Hinawi ko yung kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. Tumayo na'ko at iniwan siya dun. Hindi naman sa galit ako o ano. Kailangan ko lang talagang mag-isip kung paano ko sasabihin yung pagtatrabaho ko sa Manila kila Mama. "Pikon agad?" pahabol pa niya pero hindi ko siya pinansin. Pumasok na ako sa loob ng bahay, wala akong time makipagbiruan sakanya ngayon.

Sakto naman pag-pasok ko nandun sina Mama at Papa. Mukhang seryoso yung pinaguusapan nila. Yung itsura kasi ni Mama, halatang problemado. Tapos si Papa naman pinanghilamos yung palad niya sa mukha niya. Nilapitan ko sila at binigyan ng isang back hug.

"K-kylie.. nakakagulat ka naman eh." aniya. Nakita ko na may nangingilid na mga luha sa mata ni Mama. Agad nyang pinunasan yung mata niya. "Ma, ano pong problema?" tanong ko kahit alam ko nanaman kung ano yung pinagtatalunan nila.

"Problema? Wala 'to. Ayos lang ako." she fake a smile. Pero hindi ako naniwala sa sinabi niya na okay siya. Hindi ako manhid para hindi maramdaman yun. At ito na ang tamang oras para sabihin sakanila yung bagay na hindi ko masabi sakanila. Kaya naman umupo ako sa tabi ni Mama at hinawakan yung kamay niya.

"Ma.."

"Hmm? May problema ba?"

"M-may sasabihin po ako sa inyo.." Kinakabahan ako.

"Ano iyon?" Mariin akong napapikit at saka nagsalita. "M-mama.. M-mag.. M-mag.."

"Kylie! Ano ba yun? Bakit hindi mo pa sabihin ng diretso!" nagulat naman ako sa biglang pagtaas ng boses niya. Nakakatakot yung itsura niya. Napatungo ako. Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa kamay ni Mama at umupo ng maayos. Tinignan ko ng seryoso sina Mama at Papa. "Magtatrabaho na po ako." Nasabi ko din! Saglit na nagkaroon ng katahimikan ng biglang nagsalita si Mama.

"Kylie, alam mo ba yang sinasabi mo?" tanong ni Mama. "Opo. Gusto ko pong magtrabaho. Gusto ko pong makatulong sa inyo."

"Hindi mo na kailangan magtrabaho para sa'min. Ano ba sa tingin mo 'tong ginagawa namin? Laro?" medyo napataas na din ng boses si Papa. "Pa, alam ko pong nagtatrabaho kayo. Pero isipin niyo din po kung may trabaho din ako, isipin niyo po yung makukuha kong sweldo, hindi ba pandagdag na din po yun sa araw-araw na pangangailangan natin?" pagpapaliwanag ko.

"Hindi! Hindi ka magtatrabaho! Kaya nga nandyan ang Kuya mo! Hindi mo na kailangan magtrabaho." napapikit ako ng mariin dahil sa kakulitan ni Papa. Bakit ba hindi niya ma-gets yung sinasabi ko? "Pa, hindi sapat na umaasa lang kayo kay Kuya. Gusto ko pong makatulong sa inyo, pati na din kay Kuya. Alam ko pong hirap na hirap na kayo, na gipit na gipit na tayo. Si Mama, madami na din syang utang, paano po kung isang araw singilin siya, tapos wala syang ipambayad?"

"Lahat ng bagay nagagawan ng paraan. Kaya wag mo na kaming alalahanin." sabi ni Mama. Tatayo na bali siya pero pinigilan ko. "Mama naman eh! Sa edad kong 'to dapat nagtatrabaho na din po ako. Wag na po kayong mag-alala, tinulungan po ako ni Dolly." napatingin sa'kin si Mama ganun din si Papa. "May ibinigay po siya sa'king card kung saan pwede po akong mag-apply ng trabaho. Kaso po.. sa Manila yun.."

"MANILA BA KAMO?!" nagulat naman ako sa biglaang pagsigaw nitong si Mama. Ang seryoso namin tapos biglang ganun siya? Sisigaw! Mama talaga.

"O-opo."

"Seryoso ka ba dyan? Kita mong anlayo-layo ng Manila! Ni hindi ka nga marunong mag byahe, tapos pabigla-bigla ka dyan!" Niyakap ko siya at pinakalma. "Ma, malaki na po ako. Kaya ko na po ang sarili ko." umalis siya sa pagkakayakap ko at tumayo, natawa naman ako sa inasta niya. Parang bata. "Kahit na! Ayoko! Babae ka! Ang Kuya mo nalang ang pag-applayin mo dyan sa sinasabi mong trabaho na yan!" Ang kulit talaga ni Mama. Masyado akong binebaby.

Tumayo si Papa at lumapit kay Mama.

"Siguro nga.. siguro nga kailangan na natin pag-trabahuhin ang anak natin. Kahit malayo, kakayanin natin." Ramdam ko yung lungkot sa boses ni Papa. Alam ko naman na nag-aalala lang sila para sa'kin. Pero kasi naman, matanda na'ko. Niyakap ko silang pareho, niyakap ko sila ng mahigpit. "Promise po, hinding-hindi ko po kayo bibiguin. Balang araw po maiaahon ko po kayo sa kahirapan. At gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para pag butihin kung ano man ang magiging trabaho ko dun."

Kumalas na'ko sa pagkakayakap sakanila. Teary-eyed sila, lalong-lalo na 'tong si Mama. Hinawakan ko yung kamay ni Mama.."Ma, payag na po ba kayong pagtrabahuhin ako kahit malayo?" Bingiyan niya ako ng isang ngiting tagumpay na ngayon ko lang nakita. Kailan pa siya natutong ngumiti?

"Oo na! Sige na, pumapayag na'ko."

"Talaga po?"

"Oo. Pero ipangako mo na wala kang ibang gagawin dun! Na babalik ka dito na ikaw pa din."

"Syempre naman po! Pangako! Babalik po ako dito na may dalang malaking bahay!" Sige, Kylie Elle! I-push mo yan' bahay na sinasabi mo.

"Sige, subukan mong dalhin dito yung malaking bahay na sinasabi mo!" Epalugs lang? Panira talaga ng moment 'tong mokong na 'to kahit kailan eh! Tumawa lang si Mama at niyakap ako ng mahigpit. "Mamimiss ko ang baby namin!" Maka-baby naman 'tong si Mama! Nakakahiya.

"Mama naman! Hindi na'ko baby." natawa lang sila at patuloy pa din sa pagyakap sa'kin.

"Oh. Carmelito, ihatid mo si Elle sa sakayan bukas." sabi ni Papa. Natawa naman ako sa naging reaksyon ng Kuya ko. Ayaw na ayaw niya din kasi sa pangalan niya! Ang baho daw pakinggan. "Maka-CARMELITO naman po kayo dyan! Tsaka isa pa, malaki na po yan' Ellengot na yan. Kayang-kaya na nyan pumunta dun ng mag-isa." Ang sama-sama talaga ng ugali ng Carmelitong yan!

"HOY CARMELITO! Baka umiyak ka dyan pag umalis na'ko ha! Hindi mo ba ako mamimiss?" pangaasar ko. "Asa! Hindi kita mamimiss! At hindi kita ihahatid bukas!" pagmamatigas niya.

"Ah, ganun? Hindi mo'ko ihahatid? Okay, sige. Tingnan lang natin kung makalabas ka pa ng bahay kapag isinigaw ko yung pangalan mo!"

"CARMELITO!!" sigaw ko.

"O-oy! Magtigil ka nga dyan!"

"CARMELITO!" sigaw ko ulit at nagtatakbo sa labas.

"Oo na! Ihahatid na nga kita! Tumigil ka lang!"

I'm In Love With An Idiot (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon