Chapter 41.1 : Kielle

779 16 11
                                    

Chapter 41.1

Kylie's POV

Kanina ko pa iniisip kung pupunta ba ako o hindi. Wala naman kasi akong isusuot. Tsaka ano pa sense ng pag punta ko dun kung hindi naman niya ako kakausapin ng matino.

Nakahilata pa din ako ng biglang pumasok si Lays. Tinignan niya ako ng masama kaya tinaasan ko siya ng kilay. May sapak nanaman ata ang babaeng 'to.

"Bakit nakahilata ka pa din? Hindi ba't may party eklavu kayo?" mataray nyang sabi habang naka crossed arm. Sinimangutan ko siya at tumalikod sakanya.

"Hindi ako pupunta."

Naramdaman kong gumalaw ang kama at palagay ko ay umupo siya sa tabi ko. Hindi ako gumalaw.

"At bakit hindi ka pupunta?"

"Wala akong damit na isusuot.."

"Jusko naman! Yun lang pala ang pinoproblema mo. Bili! Bumangon ka na dyan, pupunta tayo sa mall. Bibili tayo ng dress mo, yung pinakamahal at yung pinakabonggacious!" sabi niya tapos hinila yung kumot ko. Tumayo siya at kinuha yung kamay ko at hinila niya ako patayo mula sa pagkakahiga ko.

"Bangon! Bilis! Maligo ka na." utos niya. Tamad na tamad akong kumilos. Kaya siya na mismo ang nag dala sa'kin sa banyo.

"Lalay.."

"Bilisan mo!" sabi niya sabay tulak sa'kin papasok ng banyo. Tamad na tamad talaga akong kumilos. Magsasalita pa sana ako kaso bigla niya ng isinara yung pinto.

Gusto ko pang matulog!

Kieran's POV

Pupunta kaya siya?

Wala naman akong pake kung hindi siya pupunta. Hindi naman siya kawalan eh. Haist. Pero sana man lang maisipan nyang pumunta! Para naman mapanood niya yung solo performance ko mamaya.

"Kieran." si Hailey. Sumama kasi siya sa'kin kahit na ayoko syang isama. Kaso kasi may usapan kami kaya isinama ko na.

"Bakit?"

"Tapos ko ng gawin yung ibang props na kailangan pa para mamaya." sabi niya at binigay sa'kin yung mga props na ginawa niya. Nakakatuwa lang. Akala ko kasi kanina, puro kaartehan lang ang gagawin niya dito.

"Thank you." sabi ko at nginitian niya ako.

"Sige, tulungan ko muna yung iba dun." sabi niya at aalis na sana ng pigilan ko siya.

"Magpahinga ka muna."

"Kaya ko pa naman eh. Tsaka para matapos na din sila." tumango lang ako.

Kylie's POV

"Lalay! Ang mahal kaya!" Hindi pa din kami tapos pumili ng dress na susuotin ko. Eto kasing babaitang 'to, yung mga dress na pinili ko ayaw niya! Ang mura mura daw.

Tapos eto nga't may pinakita syang dress na ang mahal mahal!

"Ano ka ba, okay lang yun. I don't mind kung mahal pa 'to. Basta you look so nice sa dress na 'to. Kaya bili na, i-sukat mo na."

"Okay lang naman kasi sa'kin yung mu-" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil nagsalita na siya agad.

"Dami mong satsat! Kako ba naman eh i-sukat nalang. Okay lang naman sa'kin. Mayaman ako." Wow ha? Bahala nga siya!

Kaya ayun, pumunta na ako sa fitting room para i-sukat yung dress. Itim na dress siya na mahaba. Sinukat ko yun tapos humarap ako sa salamin.

Omg! A-ako ba talaga 'to?

I'm In Love With An Idiot (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon