Chapter 44 : True Feelings

623 10 7
                                    

Chapter 44


Kylie's POV

Mahal niya ako? Ulol niya! Wag ako. Nasabi niya lang yun kasi April fools' day! Ako? Magustuhan ng isang katulad niya? Malabo atang mangyari yun.

Ang sarap nyang isumbong kay Scarlette Mekayla Harper! Ang Pambara Queen.

"Sige ka, maaga kang tatanda nyan." boses galing sa likuran ko. Gamit ng peripheral vision ko, nakita ko syang umupo sa katabi ng swing ko.

Nilingon ko yung taong yun. Nakatingin siya sa'kin at ngiting-ngiti pa! Mukhang ewan lang.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?!" mataray kong tanong sakanya.

"Ang cute mo kasi."

Hindi na nawala yung ngiti sa mukha niya. Isa syang masayahin na bata. Siguro kung hindi ko siya kilala, malamang napagkamalan ko na syang baliw! Gwapong baliw. Haha.

"Happy April Fools' Day!" asar kong sabi at sinamaan siya ng tingin.

"Hala siya? Alam mo, April fools' man o hindi, cute ka pa din." napangiti naman daw ako sa sinabi ni Drake.

"Edi wow! Tawa tayo!" sabi ko at nag fake laugh. Tumayo siya at lumapit sa'kin tapos umupo siya sa damuhan. Bali katapat ko siya. Hindi ako komportable.

"D–drake! Bumalik ka sa pwesto mo! Mamaya nyan sinisilipan mo na pala ako!" tinawanan niya lang ako.

"Kylie.."

"Oh?" bigla nyang hinawakan yung dalawang kamay ko. Tapos titig na titig pa siya sa'kin! Nag init naman ang pisngi ko kaya't nag iwas ako ng tingin sakanya.

"Tumingin ka sa'kin."

"Ayoko."

"Please?"

Drake naman! Wag kang ganyan! Baka matunaw ako dito. Pinagbigyan ko na siya. Titigan ba? Aba'y talo na ako!

"Drake.."

"Bakit ang lamig ng kamay mo?" tanong niya. Sino banaman ang hindi kakabahan sa ginagawa niya!

"Ganyan talaga yung kamay ko."

Hindi na siya sumagot.

Nakatingin lang siya sa'kin. Nakakatunaw. Kung kanina nakangiti siya, ngayon ang seryoso na ng mukha niya. Feeling ko may gusto syang sabihin sa'kin pero hindi niya masabi. May sinasabi yung mga mata niya pero hindi ko makuha yun.

Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko. At mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Ano bang nangyayari sa puso ko?

"Dra―" naputol yung sasabihin ko ng bigla nalang niya akong yakapin.

Hindi ko alam kung anong problema niya. Basta ang alam ko kailangan niya ng kaibigan ngayon. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng humigpit pa ang yakap niya.

I'm In Love With An Idiot (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon