Chapter 1 : Kylie Elle Santiago

2K 23 19
                                    

Chapter 1

Lub.dub.Lub.dub

Ayan na siya, papalapit na siya.

Lub.dub.Lub.dub

Pinagpapawisan ako.

Lub.dub.Lub.dub

Ayan na siya at nakatayo sa harapan ko. Kaso.. hindi ko makita yung mukha niya. Medyo blurred eh. Panget siguro 'to kaya hindi makita yung mukha? Pero kung sino man 'tong mokong na nakatayo ngayon sa harapan ko, I summon him!

"Idiot!"

"A-anong sabi mo?!"

"I said you're an idiot!"

Sinamaan ko ng tingin ang lalakeng nasa harapan ko ngayon, mukhang mapapalaban ako nito ah! Sinusubukan talaga ako ng mokong na 'to! Akmang susugurin ko na ang lalake ng biglang may mabigat na kamay ang tumama sa pisngi ko..

"ISA PA KYLIE ELLE SANTIAGO! PAG HINDI KA PA BUMANGON DYAN, MAS MATINDI PA ANG GAGAWIN KO SA'YO!"

Bigla nalang akong nabalik sa realidad ng marinig ko ang sigaw ng Human Microphone kong Mama. Sinamaan ako nito ng tingin at saka lumabas ng kwarto ko. Tss. Panira naman ng moment 'tong Mama ko! Ayun na eh! Masasapak ko na yung mokong na yun eh! Pagkatapos kong marinig yung banta niya sa'kin, bumangon na'ko at inayos yung higaan ko.

Panaginip lang pala yun. Pero ang weird.. kasi ilang araw nang ganun yung panaginip ko. May lalakeng sasabihan ako ng idiot, tapos hindi ko makita yung itsura niya kasi nga blurred. Basta! Ang weird talaga.

Lumabas na'ko ng kwarto ko at dumiretso sa banyo para mag-hilamos. Ng matapos ako ay dumiretso naman ako sa kusina. Napangiti ako sa nakita ko, si Mama na nag-luluto, si Papa na nag-aayos nang pagkakainan namin at ang Kuya kong tinutulungan si Mama. Hindi man kami mayaman, pero masasabi ko na mayaman ako sa pamilya.

"Good morning, Mama!" hinalikan ko siya sa pisngi. Pumunta naman ako kay Papa, "Good morning, Papa!" binigyan ko din siya ng halik sa pisngi. At lumapit naman ako sa magaling kong Kuya. "Good morning, Kuya!" pero hindi ko siya binigyan ng halik! Sa halip ay kinurot ko ang magkabila nyang pisngi. Sanay naman na yan! Bitter kasi yan sa'kin, kaya bitter din ako. Hilig niya akong asarin, kaya ganun din ako sakanya.

Umupo na'ko sa may tabi ni Mama. Tapos si Kuya naman sa tabi ni Papa. Bali kaharap ko si Kuya ngayon. Kukuha na sana si Kuya ng kanin pero pinalo ni Papa ang kamay niya kaya natawa ako. Nakasanayan na kasi namin na mag-dasal muna bago kumain. Ng matapos na kami lahat sa pagkain, inayos ko na ang lamesa at ako na din ang nagligpit.

Lumabas ako at umupo sa may wooden bench na nasa ilalim ng puno na si Papa mismo ang gumawa. Nakatingin lang ako sa mga magagandang tanawin na nasa harapan ko ngayon. Nalilibang talaga ako kapag tinitignan ko ang yaman na meron ang lugar namin. Tahimik at payapa lang dito sa lugar namin, walang gulo. Lahat ng mga tao dito magkasundo.

"Hi, Elle!" bati sa'kin ni Ron. Kababata ko yan. Kalaro ko simula bata hanggang ngayon! Oo, naglalaro pa nga ako. Weird ba? Kaya lagi akong inaasar ng Kuya ko na baliw at isip bata. "Uy, Ron!" sabi ko at kinawayan siya. Ngumiti ito sa'kin at itinuro yung relo niya, ibig sabihin nun late na siya. Kaya napailing nalang ako at tinanguan siya.

"Magandang umaga sa'yo, Elle." ngiting-ngiting bati naman sa'kin ni Kuya Manong. Kuya na nga Manong pa? Wala eh! Nag-request kasi yan sa'kin na yan daw ang itawag ko sakanya. Para mukhang bagets daw! Kaya pinagbigyan ko na. "Magandang umaga din po sa inyo, Kuya Manong." Sabihin na natin na close ko lahat ng mga tao dito. Palakaibigan kasi ako, kaya ayan. At tsaka, hindi naman sila mahirap pakisamahan. Mababait ang mga tao dito.

I'm In Love With An Idiot (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon