Chapter 14 : Sorry

830 13 3
                                    

Chapter 14

Kylie's POV

Ang bilis ng araw, Monday na naman ulit at ito ako as usual sa araw-araw na gawain ko, kain, ligo, bihis.

Maaga akong pumasok sa trabaho. Sumakay ako ng elevator papuntang 6th floor. Pinihit ko yung knob at pagkabukas ko nadatnan ko syang nakasubsob sa table at nakatulugan na ang mga paper works niya.

Yung ibang files nag bagsakan na sa paanan niya, lumapit ako sakanya at pinulot yung files na nagbagsakan at ipinatong yun sa table niya.

Napako ang tingin ko sakanya. Mukhang pagod na pagod siya. Napakaamo ng mukha niya pag tulog. Mukhang mabait. Sana tulog nalang siya lagi. Pinagmasdan ko lang siya.

Maya-maya ay nagulat ako ng unti-unti syang nagmulat ng mata. Ng maimulat na niya ng tuluyan ang mga mata niya napaupo ito ng tuwid. Tumingin siya sa'kin at biglang kumunot ang noo niya.

"Anong ginagawa mo dito sa tabi ng table ko?" Luh? Baka akala niya pinagnanakawan ko siya!

"S-sir, m-mali po yung iniisip mo sa'kin! H-hindi po ako masamang tao! P-pinulot ko lang po yung m-mga files na nahulog s-sa paanan mo."

Padabog syang tumayo at malakas nyang ibinagsak ang kanyang dalawang kamay sa lamesa. Dahilan para makagawa ito ng malakas na ingay.

Okay, galit siya.

Halos manginig na'ko sa kaba. Mariin syang tumingin sa mga mata ko at napatungo ako dahil hindi ko siya kayang tignan.

Naramdaman ko ang presensya niya na lumapit sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko dahil sa presensya niya.

Una ko 'tong naramdaman nung nasa locker room kami. Halos hindi ako makahinga nung mga oras na yun dahil sakanya. At eto nanaman yung pakiramdam na yun.

"Sorry po." nakatungo kong sabi. Natatakot ako. Baka saktan niya 'ko.

Naramdaman ko nalang ang mainit nyang palad na ipinatong sa noo ko. Tumingin ako sakanya, nakapikit siya. Tapos unti-unti nyang tinaggal yung kamay niya sa noo ko kasabay din ng pagmulat niya.

"Sir?"

Nakatingin lang siya sa'kin. Napakamot siya sa ulo niya at huminga ng malalim. Ang weird niya, kanina kung makapagdabog siya tapos ngayon naman para syang nakagawa ng kasalanan. Hindi kasi siya mapakali. Titingin sa'kin tapos iiwas.

"Matagal kong pinagisipan 'to. And finally nakapagdecide na'ko. I don't know how to say this since hindi ko pa naman 'to nasasabi sa buong buhay ko." Huh? Ano ba kasi yung sasabihin niya?

"A-ano po ba yung sasabihin mo sa'kin?" Napapikit siya ng mariin at bumuntong hininga.

"You can do it Kieran!" Mahina nyang sabi pero tama na para marinig ko. Ano ba kasi yung sasabihin niya na hindi niya masabi-sabi?

"Sir?"

This time ay tumingin na siya sa'kin. Mata sa mata. Nahiya naman daw ako pero kahit gustung-gusto ko ng umiwas nakipagtitigan pa din ako sakanya.

"So-" so?

"S-so-" napakunot naman yung noo ko at tinaasan siya ng kilay.

"Fine! Fine! Fine! Sorry okay? Sorry. Sorry sa pangiiwan ko sa'yo. Sorry dahil sa'kin nagkasakit ka." At pagkasabi niya nun ay umalis na siya.

Naiwan akong nakatayo doon at tulala.

Seryoso?

Talaga bang nagsorry siya sa'kin? Ang ibig sabihin niya ba hindi niya pa nasasabi yun at ngayon lang niya nasabi yun sa buong buhay niya?

Ewan ko pero hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

"Hindi kasi marunong humingi ng tawad yung kapatid ko. Pusong bato kasi yun. Kaya ako na ang humihingi ng tawad."

Mali si Darrel.

Kung talaga ngang pusong bato si Kieran, paano at saan siya nakahugot para sabihin ang salitang yun.

Hindi ba pag pusong bato ka wala kang pakealam? As in wala kana talagang pake kung makasakit ka ng iba?

May chance pang mag-bago si Kieran.

Kieran's POV

Pagkatapos nung nakakahiyang ginawa ko lumabas ako ng WC at pumunta sa park para magpahangin.

Anong nangyari? Bakit ko ginawa yun? Out of all people, why her? Bakit siya pa? Yun yung nakakainis eh! Bakit siya pa?!

Tinampal-tampal ko yung mukha ko. Naramdaman kong may tumabi sa'kin. Hindi ko nalang tinignan, pero alam kong babae yung tumabi sa'kin.

"Pusong bato ka daw po, pero saan mo po nahugot yung salitang yun?" At ano naman ang ginagawa ng babaeng 'to dito? Ayoko syang makita.

Dineadma ko lang yung sinabi niya.

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"Sinasamahan ka po."

"Hindi ko kailangan ng kasama." sabi ko at tumayo na para umalis pero may sinabi siya na ikinatigil ko.

"Bakit kasi ayaw mong ipakita yung totoong ikaw? Bakit kailangan mong maging ganyan kahit hindi naman?"

I turned my back para makita siya.

"What do you mean?"

"Hindi ka masamang tao. Mabuti kang tao." I smirk.

"How can you be so sure na mabuti akong tao? You don't know me well enough."

"Oo, hindi pa nga kita kilala ng lubusan. Pero ramdam ko yun. Ramdam ko." Wow. How can she be so sure? Ramdam? Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?

"I don't know what you are saying. Umuwi kana, Ms. Santiago."

Kylie's POV

Nakatingin lang ako sa likuran niya habang naglalakad siya paalis. Alam kong mabuti syang tao. At gagawin ko ang lahat mapatunayan lang na mabuti siya tao!

Bahala siya! Papatunayan ko talaga sa lahat na hindi masamang tao si Kieran. Kahit na grabe siya sa'kin, titiisin ko lahat ng mga sasabihin niya sa'kin. Hindi ko siya titigilan!

Ang weird. Paano ko nasabi sakanya lahat yun?

"Kylie!"

I'm In Love With An Idiot (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon