Chapter 41.2
Drake's POV
Mahirap talagang umasa sa wala, pero mas mahirap yung akala mo may pag-asa ka pero wala pala. Tama na hugot uy! Si Kylie kasi eh, sabi niya pupunta daw siya.
Paasa.
Pero kahit ganun gusto ko pa din siya.
Grabe, effort na effort pa naman ako tapos hindi pala siya pupunta. Todo ayos pa naman ako! Tsk. Sayang effort ko, hindi naman pala niya ako makikita. Kaya eto, kasama ko tuloy 'tong mga kupal na 'to. Ang ingay-ingay pa nila, lalo na 'tong si Lance! Grabe bunganga eh, sarap salpakan ng bomba ng matahimik!
Inaasar niya kasi si Cha. I wonder kung may gusto 'tong kupal na 'to kay Cha.
"Kups, kumain ka naman! Kaya nangangayayat eh!" pangaasar nanaman sa'kin ni Lance. Baluga talaga 'to kahit kailan.
"Drake, tara alis?" si Cha. Napatigil naman sa paglamon 'tong si Lance ng marinig niya yung sinabi sa'kin ni Cha. Uy, mamaya na. Magsasayaw pa tayo!" he said while laughing. Kaya naman 'tong si Cha, kumukulo na ang dugo sa galit at inis.
Inirapan lang niya si Lance, tapos nagulat ako ng bigla syang lumapit sa'kin at kinuha ang kamay ko. "Date tayo." seryosong sabi ni Cha at halos mabulunan naman si Lance sa narinig niya.
Alam kong badtrip na si Cha. Kaya naman tumayo na ako at iniwan namin si Lance dun. Narinig ko pang tinawag niya kami, pero hindi ko na siya nilingon. Napatingin ako kay Cha na kasalukuyang kumapit sa braso ko.
"Alam mo malapit ko na talagang todasin yan kupal mong kaibigan. Nagpipigil lang ako, pero pag talaga ako sinagad niya, pasensyahan nalang kami." inis nyang sabi.
"Tulungan pa kita gusto mo?" sabi ko. Tumingin naman siya sa'kin at pareho kaming natawa ng mahina.
Naglakad-lakad muna kami tapos niyaya ko muna si Cha sa may bench sa gilid ng building.
"Ang paasa ng tropa mo." panimula ko.
"Ha? Si Kylie? Paasa? Bakit naman?" sunud-sunod nyang tanong. "Ang sabi niya kasi sa'kin kahapon, pupunta daw siya. Pero ni anino nga niya hindi ko nakita. Hindi siya sumipot, paasa niya di ba?"
"Oy, hindi kaya! Nag text kaya yun sa'kin na pupunta daw siya!" pagtatanggol niya sa kaibigan niya. Nilingon ko siya, "Oh, eh nasaan na siya?" tanong ko.
"Malay mo naman na-traffic lang." sagot niya at tumango lang ako. Baka nga na-traffic lang siya. Pero bakit kasi hindi man lang siya mag text! Masyado niya tuloy akong pinagaalala sakanya.
"Drake.."
"Mmm?"
"Yung confession mo, success ba?"
Pag dating kasi sa mga ganito, si Cha lang yung nilalapitan ko. Hindi naman sa wala akong tiwala sa dalawang kupal, pero iba kasi pag babae ang pinagsasabihan ng mga ganito. May sense ba. Hindi katulad ng dalawa kong kupal na kaibigan, mema lang.
"Nasabi ko, kaso panira lang talaga yung tenga niya." Nagulat ako ng bigla niya akong hampasin sa braso, "At ano naman ang ginawa ng tenga niya sa'yo?!"
"Hindi niya lang naman ako narinig."
"Ano ka ba naman! Chance mo na yun eh! Lalake ka ba talaga? Eh baka naman kasi ang lamya ng boses mo kaya hindi ka narinig!"
"Grabe ka sa'kin! Kasalanan ko bang lumilipad ang utak ng kaibigan mo ng panahong nagtatapat ako sakanya?" Wala kasi siya sa sarili niya nung mga oras na yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/8563875-288-k212479.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm In Love With An Idiot (Major Editing)
Teen FictionYou're weird, obnoxious, crazy and a complete idiot. but you know what? I still love you. Kieran and Kylie's story. ❤