Chapter 32 : Drunk

655 8 6
                                    

Chapter 32

Hindi sinasagot ni Lays ang tawag ko. Ayoko naman tawagan si Darrel. Saan ko siya dadalhin? Hindi ko siya pwedeng dalhin sa bahay. Damn.

I have no choice kung hindi dalhin ko muna siya sa bahay ni Lance. Tinawagan ko si Lance at sinabi sakanya ang tungkol dito. Pumayag naman siya dahil wala naman syang kasama sa bahay.

I knocked on the door, then he opened the door. I rushed into his house, and when I got inside agad kong dinala si Kylie sa guess room. Dahan dahan ko syang binaba sa kama.

"Bro, anong nangyari?" tanong ni Lance na nakasandal sa may pinto.

"She was drunk."

"Full blown drunk?"

"Nah, little drunk. Isang baso lang daw ang ininom niya." Hard drink ata ang ininom niya. Malakas talaga ang tama nun kahit isang baso lang.

"So ano na? Sino magbibihis sakanya? Ako nalang kaya?" tinignan ko siya ng masama. Ang manyak talaga ng kumag na 'to kahit kailan.

"Biro lang! Alam ko naman na ikaw ang gustong magbihis sakanya. Sige lang bro, walang makakaalam." sabi niya sabay taas baba ng kilay niya nang nakakaloko.

"Gago. Hayaan nalang natin syang ganyan. Pupunasan ko nalang siya." Tumayo na ako pumunta sa kusina para mag-init ng tubig. Nang kumulo na yung tubig, isinalin ko ito sa isang palanggana at hinaluhan ng konting malamig na tubig.

Pumasok ako sa guess room pero wala na si Lance dun. Lumapit ako sakanya at inilapag ang dala ko sa bedside table.

At dun ko lang napansin na may tapon ng alak sa damit niya. Damn. Kailangan talaga syang mabihisan pero paano? Wala naman katulong dito sa Lance.

Isa lang ang naiisip ko, I have no choice kung hindi ang bihisan siya. I was hesitant to do it at first, pero ginawa ko pa din. Nakapikit kong hinubad ang damit niya at tsaka ko siya kinumutan. Binuksan ko ang closet para kumuha ng damit na isusuot sakanya.

I could feel my heart beating faster.

Nang mapunasan ko na siya, maingat ko syang binihisan ng walang halong malisya sakto naman na tapos ko na syang bihisan ng kumatok si Lance sa pinto.

"Kie-... bro! Binihisan mo siya?" tumayo na ako at ibinigay sakanya yung palanggana. "Wag kang maingay dyan, baka magising siya." sabi ko at lumabas na ng kwarto. Sumunod naman siya sa'kin.

"Nakita mo bro?" ano bang nakita ko ang pinagsasabi ng kumag na 'to?

"Gago ka! Walang malisya yung ginawa kong pagbihis sakanya. Wag mo nga akong igaya sa'yo!" Totoo naman eh, nakapikit kong ginawa yun.

"Hahahaha. Grabe ka naman sa'kin! So dito ka din matutulog? Umuwi ka na bro! Iwan mo na si Kylie dito." Nilapitan ko siya at akmang sasapakin ng bigla syang tumakbo papuntang kusina. "Loko lang uy! Alam ko naman na iyo yan! Hahaha." pahabol pa niya.

"Fuck you, sagad!" sigaw ko.

Abnormal talaga.

Sa bahay naman namin talaga ako matutulog kaso gawa nga ni Kylie kaya dito na din ako matutulog. Hindi ko siya pwedeng iwan, lalo na at si Lance ang kasama niya.

Kylie's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tanghali na pala. Pagbangon ko ang sakit ng ulo ko, isang baso lang naman yung ininom ko pero bakit ang lakas ng tama?

Napansin ko din na iba na din yung suot ko. Napansin ko din na hindi ko na pala ito kwarto. Nasaan ba ako? Papaano ako napunta dito? Wala akong maalala.

Si Lays!

Agad agad akong lumabas ng kwarto para tawagin si Lays pero laking gulat ko na ibang tao ang nakita ko. Titig na titig sila sa'kin ngayon. Napatingin ako sa suot ko, manipis lang t-shirt na suot ko kaya malamang sa malamang kita! Dali dali ko tinakpan ang hinaharap ko.

"Mga bastos!" sigaw ko.

"Hindi ako ah. Si Lance lang." teka familiar sa'kin 'tong dalawang 'to. Saan ko nga ba sila nakita? Aaahh! Sa school. Sila yung kaibigan ni Kieran.

Pero ano ba kasing ginagawa ko dito? At sino ang nagdala sa'kin dito? Wala talaga akong maalala. At.. sino ang nagpalit sa'kin ng damit?

Napatingin ako sa dalawa.

O to the M to the G! At dun na ako napasigaw ng malakas.

"Kylie! Anong nangyayari sa'yo?" akmang hahawakan ako nung Lance pero lumayo ako sakanya.

"Anong ginawa niyo sa'kin?! Mga baboy kayo!"

"Ky-" yung isang lalake, nakalimutan ko yung pangalan niya.

"Isa! Wag kang lalapit." pagbabanta ko. Nagsisigaw ako at nagwala dahil sa naiisip kong pambababoy nila sa'kin. Naramdaman kong tumulo ang luha ko kaya pinunasan ko iyon ngunit patuloy lamang silang tumutulo.

"Wala kaming masamang ginawa sa'yo! Hindi ka namin pinagsamantalahan katulad ng iniisip mo. Shit, please. Wag ka ng umiyak. Lagot kami kay Kieran nito eh."

Pero hindi ko sila pinansin.

"Help me, Drake!"

Nilapitan ako nung Drake tapos pinahid niya yung luha ko. "Wag ka ng umiyak. Wala naman talaga kaming ginawa sa'yo. Hayaan mong ipaliwanag ni Lance ang lahat."

Pinaupo niya ako sa sofa. Tapos pumasok siya sa kwarto, lumabas din siya agad dala ang kumot. Lumapit siya sa'kin at ipinatong yung kumot sa balikat ko.

"Manipis kasi yang suot mo." sabi ni Drake at umupo sa tabi ko. Si Lance naman dun nakaupo sa kabila. Bali katapat namin siya.

"Chill ka lang Kylie ha? Kagabi kasi tinawagan ako ni Kieran. Lasing ka daw. Tapos hindi niya ma-contact si Lays kaya dito ka niya dinala. Kung nagtataka ka kung bakit iba na ang suot mo, binihisan ka ni Kieran."

Binihisan ako ni Kieran?!

"Ginawa niya yun ng walang malisya. Ang sabi pa nga niya, nakapikit daw nyang ginagawa yun. Wala naman talaga syang balak bihisan ka kaso natapunan kasi ng alak yung damit mo."

Nakakahiya kay Kieran. Pero mas nakakahiya yung binihisan niya pa ako! Naniniwala naman ako sakanya kahit na ang sama ng ugali niya.

"Nasaan siya?" tanong ko.

"Kanina pa siya umalis." si Drake kaya napatingin ako sakanya. "Hinabilin ka niya sa'kin. Wala kasi syang tiwala kay Lance kaya tinawagan niya ako."

"Grabe talaga kayo sa'kin!" sabi ni Lance at umarteng sobrang nalulungkot.

"Binilhan ka din niya ng pagkain. Bilin niya na, kapag nagising ka na, pakain ka daw namin ng marami." sabi ni Drake at nginitian ako. Aaminin ko, cute ang Drake na 'to. Lalo na kapag nakangiti.

Tumayo si Lance papunta sa'min. "Mamaya na nga kayo magtitigan dyan! Tara! Gutom na ako eh." sabi niya at hinila kami patayo ni Drake ng biglang may kumatok sa pinto.

"Si Kieran." sabi ni Lance. Akmang lalapit na siya sa pinto ng pigilan ko. "Ako nalang." Lumapit ako sa pinto at pinihit ang doorknob, pagbukas ko..

Akala ko siya na.

"Darrel.."

I'm In Love With An Idiot (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon