Chapter 60
Kieran's POV
What's with her? Is she playing a dirty game? Nakasalubong ko si Kylie kanina sa hallyway kasama si Cha. And then nag-hi ako pero hindi nila ako pinansin. Naguguluhan na ako. Imposibleng hindi niya ako nakita. Everything was fine yesterday and the next I have no idea what's going on. She makes me feel like complete shit.
Thank you for ignoring me.
Kylie's POV
"Hindi ko gets. Bakit mo ba siya iniiwasan?" tanong ni Cha. Iniiwasan ko siya kasi hindi lang talaga kaya ng konsensya ko na pinagsinungalingan ko siya, hindi dahil dun sa nangyari kahapon.
Hindi ko siya sinagot. Tulala lang ako habang nakatingin sa kawalan.
"Nag away ba kayo?" dagdag pa niya.
"Hindi." tipid kong sagot. Wala lang talaga ako sa mood ngayon kaya ako ganito.
"Jusko naman Kylie! Kung may problema ka sakanya, sabihin mo. Hindi yung iniiwasan mo pa siya! Wag mong takbuhan ang problema." irritable nyang sabi kaya lumingon na ako sakanya.
"Nasakin ang problema.."
"Come on, tell me kung anong gumugulo sa isipan mo ngayon."
"Cha, promise me na wala kang ibang pagsasabihan nito lalong-lalo na kay Kieran." tumango siya bilang pag sagot.
At sinimulan ko ng sabihin sakanya ang gumugulo sa isipan ko.
"No.. you can't leave him that way! Hindi mo siya pwedeng iwan basta basta ng walang paalam! Naisip mo ba kung anong mararamdaman niya? He's going to get hurt!"
"Cha, hindi mo nakukuha yung point ko eh. Ang sa'kin lang naman, ayokong mangako sakanya dahil alam kong hindi ko naman matutupad. At ayoko din na umasa siya sa wala."
Nagkaroon ng matagal na katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakayuko lang ako habang nilalaro ang daliri ko. Nabasag ang katahimikan ng biglang dumating si Drake.
"Oh, nandito lang pala kayong dalawa. Kanina ko pa kayo hinahanap." hinihingal nyang sabi.
Napatingin ako kay Drake at kita ko ang pagkunot ng noo niya at nagpalipat-lipat ang tingin niya saming dalawa.
"Anong meron ngayong araw na 'to? Bakit ganyan ang mga mukha niyo? Meron kayo ngayon noh? Putcha, pati banaman si Kieran meron? Ang init ng ulo eh. Nag hi lang naman ako, tapos sinamaan ako ng tingin." sabi niya sabay kamot sa ulo.
"Nasaan siya?"
"Sa rooftop."
Agad ko naman syang pinuntahan doon at ng makarating ako, tumambad sa'kin ang malungkot at seryoso nyang mukha. Nakatingin lamang siya sa overlooking view ng EU. Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod. Nilingon niya ako at bumungad sa'kin ang gulat nyang mukha.
"Sorry.." malumanay kong sabi.
"No. I'm the one who should be sorry. Sorry kung may nagawa man akong mali sa'yo. Ayoko lang kasing iniiwasan mo ako. Masakit eh. Sabi ko naman sa'yo, kung may problema tayo sabihin mo agad para maayos na." bago ko siya sinagot ay inayos ko ang buhok nyang magulo.
"Nagpapamiss lang naman ako, sorry na."
Kung ngayon pa lang sobrang nasasaktan na siya sa ginagawa ko, paano pa kaya kung iwan ko siya?
"Lakas ng trip mo." at bigla namang may tumakas na luha sa mga mata niya. Alam kong kanina pa niya pilit na itinatago ang mga luha na iyon pero wala na, kumawala na.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With An Idiot (Major Editing)
Teen FictionYou're weird, obnoxious, crazy and a complete idiot. but you know what? I still love you. Kieran and Kylie's story. ❤