Chapter 48 : Hurt

591 5 3
                                    

Chapter 48


Kylie's POV

Mag isa nanaman akong kakain ng lunch ngayon. Hindi kasi ako masasabayan ni Kieran. Busy daw kasi siya eh. Madami daw kasing pinapagawa sakanya sa office. Kaya ultimong recess at lunch hindi niya na magawa. Kulang nalang pasanin niya ang buong mundo.

Si Cha naman laging wala sa mood. Parang binagsakan ng langit at lupa. Mga ilang araw ko na din syang hindi nakakausap. Paano ayaw niya naman makipagusap. Ewan ko pero feeling ko iniiwasan niya ako.

"Bakit mag isa ka lang?" tanong ng kauupo palang na si Drake.

"Kasi hindi ako dalawa." pamimilosopo ko at sinamaan niya ako ng tingin. Napatawa naman ako. "Sorry na. Hindi ako masasabayan ni Kieran dahil busy siya.." Umiling-iling siya at tsaka nilabas yung baunan niya sa bag.

"Busy? Hindi ka ba naiinis?" tanong niya at nagsimula ng kumain. Napatingin naman ako sa kinakain niya. Ay, grabe, bakit yung favorite ko pa? Kimbap, kimchi, at eggrolls!

"Sabihin mo kung gusto mo." bigla naman akong nahiya. Kanina pa pala ako nakatitig dun sa kinakain niya! Nakakahiya. Binalik ko na yung tingin ko sa baunan ko at nagsimula na din kumain.

Pasimple akong tumitingin kay Drake. Buti nalang at busy siya sa pagkain ng bigla syang may kinuha sa loob ng bag niya.

"Oh, para sa'yo yan." sabi niya at sabay abot sa'kin nung black topperware.

Nag dadalawang isip ako kung kukunin ko ba yun o hindi pero sa huli kinuha ko na din. Aarte pa ba ako?

"Salamat." nakangiting sabi ko, tumango siya at ngumiti din sa'kin.

"Bakit hindi mo pa buksan?"

Binuksan ko yung topperware at agad na bumungad sa'kin ang sari-saring kimbap, kimchi at eggrolls. This is heaven! Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.

"Ako gumawa nyan, sana magustuhan mo."

Ang swerte lang ng magiging girlfriend niya. Yung tipong ipagluluto ka niya. Ang sweet kaya ng mga ganung lalake.

"Syempre naman! Favorite ko kaya 'to!" agad na akong kumuha ng kimbap at isinubo sa bibig ko. Dahil sa sobrang sarap nung kimbap hindi ko namalayan na naubos ko na.

"Best kimbap na natikman ko!"

"Mukhang nga! Naubos mo agad eh." sabi niya at tinawanan ako.

"Pero balik tayo dun sa tanong ko kanina." tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ka ba naiinis kay Kieran?"

"Bakit naman ako maiinis sakanya?"

"Nawawalan na siya ng oras para sa'yo."

Malimit ko na nga lang syang makasama. Minsan nga hindi ko na siya makausap dahil halata sa itsura niya na pagod na siya kaya hindi ko nalang kinikibo. Kapag naman tinetext ko siya, late na syang mag reply. At kapag naman tinatawagan ko siya, para bang gusto niya na agad ibaba.

"Naiinis.."

"See? Kahit naman ako maiinis din eh. Tignan mo, hindi pa nga kayo pero alam mo na kung anong mangyayari sa inyo."

Hindi pa nga kami ni Kieran. Ligawan stage palang kami. Hindi ako easy to get. Hindi gaya ng iba na parang mamamatay sila pag walang boyfriend! Syempre pinaghihirapan yun bago ko ibigay sakanya yung oo ko.

"Kumain nalang tayo!" pag-iiba ko. Ayoko na muna syang pagusapan.

"Kylie.." napatigil naman ako sa pagkain ko at tumingin sakanya. "I'm here for you if you need me."

I'm In Love With An Idiot (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon