Chapter 45
Kylie's POV
"Lalay! Isa pa! Sasapakin na talaga kita!" sabi ko sabay taas nung kamao ko. Ang brutal banaman! Kanina niya pa ako sinasabunutan at kinukurot!
Sinabi ko kasi sakanya yung nangyari sa'min ni Kieran kahapon. Tapos ayun, bigla nalang syang nagwala!
"Nakakainis ka kasi! Bakit siya pa?" sabi niya at umarteng naiiyak. Hilahin ko nga ang buhok! Ang arte eh.
"Kasalanan ko bang sa'kin siya nahulog?" sabi ko at inirapan niya lang ako tapos lumabas na siya ng kwarto ko. Thank you, bro! Matatahimik na din ang buhay ko.
Crush kasi ni Lays si Kieran!
Mag-isa nanaman ako dito. May lakad kasi si Lays at ang sabi niya, bukas na daw siya makakauwi. I wonder kung anong pinaggagagawa niya! Haha. Joke.
Miss na miss ko na sila Mama, Papa, at Kuya. Simula nung nagpunta ako dito, hindi ko na sila ma-contact. Araw-araw kong sinusubukan na tawagan sila pero ayaw talaga. Nag-aalala na nga ako eh. Gusto kong umuwi muna. Gusto ko silang makita. Miss ko na din ang beshie kong si Dolly.
Kung uuwi naman ako ngayon, marami akong maiiwan. Tatapusin ko muna lahat, tapos uuwi na ako sa Naga.
• • • •
"Aalis ka?" tanong ni Darrel. Andito kami ngayon sa Korean Restaurant. Niyaya niya kasi akong lumabas. Tumango lang ako.
"Alam na ba ni Kieran?" tanong niya ulit. Alam niya na yung tungkol sa'min ni Kieran. Hindi pa naman kami official eh. Nagkaaminan lang. Pero dun naman din ang ending nun di ba? Haha.
"Hindi pa." tipid kong sagot.
"Kailan mo balak sabihin sakanya?"
"Hindi ko pa alam. Hindi pa naman ako aalis eh. Madami pa akong dapat tapusin." Tumango lang siya sabay higop sa hot coffee niya.
"Darrel.."
"Mmm?"
"Gusto ko pag umalis ako, okay na kayo ni Kieran." Malabong mangyari, pero umaasa pa din ako na may chance na magkaayos silang dalawa.
Ipinatong niya yung iniinom niya sa lamesa at saka huminga ng malalim. "Malabong mangyari ang gusto mo. Dahil malabo ng magkaayos pa kami."
"Magusap kayong dalawa."
"Hindi na. Para lang akong kumausap sa bato." Halata naman kay Darrel na gusto nyang magkaayos sila ni Kieran. Si Kieran lang naman talaga ang matigas ang ulo!
"Don't worry, kakausapin ko siya!" proud kong sabi dito. Sana guys mapapayag ko.
"Baka mapapayag mo?"
"Kaya yan."
• • • •
"Please?" pagmamakaawa ko kay Kieran. Ginawa ko talaga yung sinabi ko kay Darrel. Gusto ko din kasi na magkaayos sila.
"Ipagawa mo na sa'kin lahat wag lang yan."
"Bakit ba kasi ang arte mo? Maguusap lang naman kayo!"
"Hindi ako maarte. Sadyang ayoko lang talaga makipagusap sa taong katulad niya." sagot niya. Napakaseryoso ng mukha niya. Ni hindi man lang siya ngumingiti.
"Wala naman mawawala sa'yo kung makikipagusap ka sakanya. Alam mo, pusong bato ka nga talaga.."
"Oo, pusong bato nga ako." sarkastiko nyang sabi. Napailing nalang ako dahil sa katigasan ng ulo niya! Pinaharap ko siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With An Idiot (Major Editing)
Novela JuvenilYou're weird, obnoxious, crazy and a complete idiot. but you know what? I still love you. Kieran and Kylie's story. ❤