Chapter 52

444 5 2
                                    

Kath's POV

"Good morning World!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Mas nauna pa akong nagising kesa sa alarm clock ko.

Actually, hindi ako masyadong nakatulog.

Una sa lahat naninibago ako kasi wala si Kuya sa bahay.  Not that it's the first that he's not here.

But knowing na it will take some time before we'll be seeing each other again, yun ang nakakapanibago.

Bumangon ako at dumiretso sa banyo.  

At ang una kong nakita sa salamin ay yung naka smile na Kathryn.

May iba sa smile ko.

F  R  E  E  D  O  M.

Not from Kuya.

But from all the secrets DJ and I had been hiding.

Iba talaga yung feeling na wala kang tinatago at lahat ay masaya.

Ang gaan gaan ng lahat.

Nag smile ako ulit bago mag shower.

Pagkabihis ko, diretso ako agad sa dining room.

At una kong nakita this time, yung bakanteng upuan ni Kuya.

Masasanay din ako, sabi ko sa sarili ko.

"Ate, nakakailang tawag na po si Kuya nyo."  

Sabi ng helper namin.

"Ows?"  

Tanong ko sa kanya at saka umupo ako.

"Si Kuya talaga, imbes na e enjoy ang honeymoon eh, ako pa rin ang iniisip."

"Ay hindi lang po kayo ang hinanap nya."  

May karugtong pa pala ang sasabihin nya.  Ang lakas mang asar, ang aga aga pa.

Si Ma'am, si Sir at Ate nyo din po hinanap din ni Kuya pero nag-usap na po sila.  Kayo na lang po ang hindi pa."

Tumango tango lang ako.

"Isang linggo po pala sila sa El Nido."

Humirit pa etong si ate.  Tumango pa din ako.

"Siguro maganda dun, ano Ate?"

"Malamang."  Maikli kong sagot at nag smile ako.

Tapos ang dami pa nyang sinabi.

Pero di ko masyadong nadinig kasi busy ako sa kakaisip kung ano yung plano ni DJ para sa amin ngayong araw.

Araw ng mga puso.

At napa smile ako ulit.

For sure may bulaklak.

Hindi ako sure sa chocolates.

Tapos kung hindi man lunch, may dinner kami.

Pero mas gusto ko yung dinner.

Mas romantic.

"At sya nga pala Ate."....

Naputol yung imagination ko kasi medyo napalakas yung boses ng katulong namin.

"Ang dami mong baon ngayon ah."  

Sabi ko sa kanya na nakangiti ulit.

"Di po kayo ma contact ng Kuya nyo kasi naka off daw po yung phone nyo."

"Ahhh"

Yun lang ang nasagot ko.

"Gusto nyo po kunin ko sa kwarto nyo ang celphone nyo?"

Love ExistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon