Chapter 16

1.1K 13 0
                                    

DJ's POV:

"Pare hindi pa ako bingi.  Dinig na dinig ko....... Kayo na?" 

Hindi ko alam kung ano ang alibi ko.  Huling huli ako.

"Tsismoso ka talaga.  Halika rito."  Pero imbes na lumapit sa akin, tumakbo eto.  Pero mas mabilis ako kaya nahabol ko cya.  Hinila ko cya sa sa gilid ng covered court.

"Pare, kayo na?"  Tanong nya ulit sa akin.



"Hindi okay?  Alam mo naman na di pwede."  Nakasandal si Niel sa gilid ng covered court habang ako pa lakad lakad naman.



"Nanliligaw?"



"HIndi nga rin pwede...ano ka ba? "  Patay ako nito kay Kath.  Di naman ako pwedeng mag deny pa kay Niel kasi klarong klaro yung pagkakasabi ko ng "I love you Kath."

"Hindi kayo, di ka nanliligaw, eh ano kayo ha?"

"Wag na nating pag-usapan.  Fine narinig mo na.  Pero sana di na umabot sa barkada.  Atin na lang."  Niel pushed me lightly.

"Ano?  Yun lang yun?  Tapatin mo nga ako, nag I Love You na din ba si Kath sa'yo?"

Tiningnan ko lang si Niel at sumandal sa pader.

"Eh gago ka pala eh.  Eh kayo na nga!"

"Hindi nga, okay?  Pinag usapan na namin eto.  Hanggang dun na lang yun."

"At pumayag ka naman?  At kuntento ka na dun, ha."  Tinulak nya ulit ako ng mahina.

"Kesa sa wala pare, okay?  Kesa sa wala....."  Tahimik kami pareho. 

Umiling iling si Niel.

"Tsk..tsk.. Bilib na ako sa'yo pare.  Nakakayanan mo yun?  Ang ganung set-up?  Grabe." 

"Nangako ako sa Kuya nya, okay?  At tutuparin ko yun."

"Ikaw na pare, ikaw na ang sobrang pacencyoso.  Cguro nung nagbigay ang Diyos ng patience, nasa unahan ka ng linya."

"Pare pwede ba wag na nating pag-usapan at huwag mo ng sabihin sa grupo?  Ayokong masira kung ano man meron kami ni Kath.  Pwede ba pare?"

Tiningnan nya ako ng masama.

"Pare kaibigan kita, so yes, makakaasa ka.  Pero pare hanggang kelan ka maghihintay ha?"

"Hangang may pag-asa, maghihintay ako."

 "Ewan ko sa'yo."  Sabi ni Niel na mukhang disappointed sa akin. 

Hindi na namin binalikan si Yen.  Malapit na kasi first subject namin so umalis kami at nagtungo sa building namin.  Naging busy na din ako so pagkatapos ng klase, nag prepare na ako para sa second screening ng proposals.  Si Niel naman tinulungan si Kiray na mag set-up ng announcement sa makalawa.  Kasama din nila yung iba pang officers kaso nga lang halos lahat mga babae kaya nag volunteer na rin si Niel.  Multi tasking sya.  Volunteering at sight seeing :) 

Love ExistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon