Niel's POV
Oha..oha..oha... Ha ha ha ha.... Ako si Niel, di masyadong makulit :) Bakit nga ba malakas akong mang asar sa loveteam ni DJ at Kathryn. Although alam namin na bawal magka bf si Kath, mapag uusapan naman yan diba? Bigyan ko kayo ng quick background ng love story nila. Magkaibigan kami since first year college. Iba iba man ang hilig namin, nagkakasundo pa rin at yun nga yung masaya dun, di ba? Power couple kung tawagin sila. Parehong matalino. Parehong may itsura, parehong mayaman, ahem..lahat pala kami mayaman. Hehehe. Ewan ko ba. Hindi namin alam kung ano yung nararamdaman ni Kath kay DJ at ganun din si DJ kay Kath. Cguro di nila napansin or sabihin natin, di masyadong nabibigyan ng importasya kung ano meron sila kasi pareho silang busy parati. Sabi nga nila, you don't know what you've lost until it's gone and you don't know what you've missed until it arrives. Sana nga lang dumating yung panahaon na ma realize na yung love, andun na sa harapa nila eh. At sana hindi pa huli ang lahat pag dumating ang paahon na yun. Ang lalim ko. Hehehe.
"Dj pare, andyan ka pala." Sabay apir sa kanya. Umupo si DJ sa tabi ni Kath na katabi si Kiray. Eh pang dalawahan lang kaya yung seat.
"Kiray, third wheel ka. Alis ka dyan." Sabi ko kay Kiray.
Tumayo cya at tumabi sa akin "Dj kasi pwede naman tumabi kay Niel."
"Hayaan mo na." Pagtatanggol ko kay Dj. "Intindihin nalang natin, di ba pare?"
"Anong meron ba't tawa kayo ng tawa?" Iniwasan yung tanong ko?
"Wala." Sagot nit Kath na malapit na sumabog talaga. Hahahaha!
"Eh nandito lang rin naman tayo....."
Hindi ko natapos yung sentence ko kasi pinagmasdan ko si DJ kung paano nya nilagay sa harap ni Kath yung lasagna, inabot yung pineapple juice, nilagyan ng straw yung juice at inabot kay Kath yung tinidor. Alagang alaga di ba? Kulang na lang subuan nya.
"May sinasabi ka?" Tanong ni Dj na parang napaka natural lang na gawin nya yung ginawa nya.
"Sabi ko since andito rin lang naman tayo, magka aminan na nga kayong dalawa." napa ubo si Kiray. Tumalsik yung kinakaing cake sa table.
"Naku Kiray, sobra naman kung maka field trip yung cake mo ha. Ang layo layo." Tumawa kaming lahat pati si Kiray. Inabot ko yung softdrinks nya para uminom. Nabulunan ba?
"Kakainis ka talaga Niel." Sabi ni Kath pero kung makatawa, wagas naman. Pa simple naman na nilagay ni DJ yung kamay nya sa likuran ng upuan ni Kath.
"San ba lumabas Niel yung cake? " Hahahahaha! Tawa kami ng tawa.
"Yan ang di ko nakita pare." Sabi ko habang tumatawa.
"Tingnan mo nga kung may buhok, cgurado sa ilong yan galing." Dagdag ni DJ at tawa ulit kami ng tawa.
"I cannot really tell pare, tingnan mo naman yung cake. Bugbog na bugbog na talaga sa kakanguya ni Kiray. Ang tagal mo kasing nguyain Kiray. Eh cake lang yan. Pag load, lunukin mo agad." Wala nang nagsasalita sa amin. Tawa na lang kami ng tawa. Ayun, di na ako tuloy nakahirit pa sa love team.
End of chapter 3
BINABASA MO ANG
Love Exists
FanfictionThey say that in life, love can wait. But how long are you willing to wait for the one you love and how do you let go when it is time to move on?