Dj's POV:
Sakit sakit ng ulo ko. Di ako masyadong nakatulog kagabi kasi. Pagdating ko ng bahay, lahat sila masama tingin sa akin.
Flashback:
Mom: Masyado ka pang maaga anak para sa next meeting nyo.
Hindi ko na pinansin si Mama. Masyado masama ang loob ko para patulan pa cya. Dumiretso ako ng kwarto. Napa upo ng sandali ka kama ko and checked my cellphone. Wala lang man kahit sorry galing sa kanya.
"Anak, masama ba pakiramdam mo?" Kumakatok si Mama.
"Hindi po Ma." Pag sisinungaling ko. "Bihis lang ako at lalabas na."
Back to present:
"Good morning Vice. " Ganda ng smile ni Kiray. May dala dala syang kape at nilagay yun sa table ko. "O kape ka muna."
"Salamat."
"O ba't ang tamlay naman?" Etong si Kiray taas baba yung tigin sa akin.
"Ikaw talaga. Pagod lang kasi yung banda nasa bahay kagabi."
"Ah ganun ba? So tuloy ba ang tugtog nyo sa Foundation Day?"
Humigop ako ng kape. Sarap talaga. "Oo. Pero sa 5th day na lang."
"Cge, ilalagay ko na ba sa scheule yan?"
"Oo, pwede na. Nag usap na kami." May sinulat ni Kiray sa planner nya.
"Okay. So......?"
"Yung tungkol sa tanong mo kagabi..."
"Kahapon po yun Vice. Di tayo nag usap kagabi." Correction kung correction.
"Yung tungkol kahapon, Foundation Day with a Cause. Yan yung theme."
"Yes!!! Thank you so much Vice!!" Tumayo at niyakap ako ni Kiray.
"Hahaha! Ikaw talaga kung makapag pasalamat, wagas eh no?"
"Gustong gusto ko yan! Ay correction, gustog gusto namin yan!!!"
"Ako na bahala kay Julia." Sabi ko,
"Hmmp. Hayaan mo na yun, eh ikaw kaya Presidente ngayon." Gusto ko pa sanang magpaliwaang ng may kumatok.
"Good morning to the both of you." Panimula ni Ej, assistant ni Kath. Ewan ko ba, biglang tumaas yung dugo ko. Nilingon ko if may tao sa likuran nya pero wala. Si EJ lang.
"Good morning." Sabay kami ni Kiray.
"Pasok." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Love Exists
FanfictionThey say that in life, love can wait. But how long are you willing to wait for the one you love and how do you let go when it is time to move on?