Chapter 46

844 5 1
                                    

At the SG Office:

"So pare, nasabi nyo na ba sa Kuya ni Kath yung tungkol sa inyo?"  

Nakaupo si Niel sa tapat ng table ni DJ.

"Kahapon sana kaso umalis pala Kuya nya.  Nasa Cebu.  Bukas pa ang balik."  Sagot ni Dj habang nagte-text.

"So, sasabihin nyo talaga?"  Tanong ulit ni Niel.

Napahinto si DJ sa pagte-text.

"Oo, bakit? May problema ba?"  Nilagay ni DJ ang cellphone sa table at nakinig kay Niel.

"Wala naman pare.  Just making sure na sigurado na talaga kayo.  Alam naman natin yung stand ng Kuya ni Kath.  At isa pa, malapit na din tayo ma graduate pare.  Napag-isip isip ko lang na baka gusto nyo sa March na lang kayo umamin."

"Pag ginawa namin yun, eh di nagsisinungaling kami sa Kuya nya di ba?"  Patanong na sagot ni DJ.

"Eh bakit, ngayon ba hindi nyo ginagawa yan?  Di ba? Kaya kung magsisinungaling kayo, sagarin nyo na."

"Ang ganda ng payo mo ah."  Balik ni Dj sa kaibigan.

"Pare naman I'm trying to be practical here.  Paano pag di pumayag Kuya nya?  

Napahinto si Niel saglit at nag-isip.

"Wet, wet, wet. Ako'y naguguluhan.  Magpapaalam ba kayo na kung pwede ng ligawan si Kath or aamin kayo na kayo na?"

Hindi nakasagot si DJ.

"Yan ang sinasabi ko pare."  Sabi ni Niel sabay hampas sa table.

"Kung aaminin kayo at magagalit Kuya ni Kath, so paghihiwalayin kayo.  Worst, pagbabawalan ka pang makipagkita kay Kath. Tapos? Anong mangyayari pag ganun?

Ngayon yung magpapaalam kayo, at kung di din pumayag, ano ang gagawn nyo? Maghihiwalay kayo?

To make the long story short pare, either way, kawawa kayo.  Pero pag nilihim nyo hanggang March eh di, okay lang di ba?"

"Paano pag pumayag?"  Tanong ni DJ.

"Ay okay yan pare. The question is, paano pag hindi?"

Hindi nakasagot agad si DJ.

"O di ba? may point ako?"

Huminga lang si DJ ng malalim.

"Kawawa si Kath, kawawa ka. Pero kung magsisinungaling kayo, pare two months, keri yan.

Kasi kung di pala kaya ng konsyensya mo na magsinungaling, nung una pa lang dapat pare naisip mo na yan."  Dagdag ni Niel.

"Sinisisi mo ba ako ha?"

"Pare, yun naman talaga ang totoo di ba?  At isa pa, naiintindihan ko naman kasi na the feeling between you and Kath is mutual di ba? Di ba mas nakakabaliw yung pareho kayo ng nararamdaman pero di pwede maging kayo?

"Pero lahat naman pare ay may consequence di ba? It is just a matter of choice."  Pagtatapos ni Niel na sinabayan pa ng kindat.

"Ang totoo sakristan ka ba?"  Tanong ni DJ.

"Pare seryosos ako."

"Ba't ka ba ganyan mag-isp ha? Nakaka relate ka ba? May pinagdadaaanan?"

"Pare simpleng analysis lang yun."

"Pinapagulo mo isip ko , sa totoo lang.  Buong buo na yung desisyon ko eh."

Love ExistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon