Kathry's POV
Hindi ko na pinatapos yung sinasabi ni Ate. Pagkarinig ko na nasa bahay si DJ, binaba ko agad ang phone at umuwi agad.
"Josko DJ, wag kang magkamali na sabihin kay Kuya ang totoo...... Waaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!"
Binilisan ko pa ang pagda drive. Kinuha ko ang celphone at tinawagan si DJ.
"Pick up the phone DJ."
Nanginginig talaga mga kamay ko. Feeling ko sasabog yung dibdib ko.
Isang ring, dalawa, tatlo, apat, lima.
"Sheeet DJ!"
I tossed my phone sa passenger seat.
Malayo pa ako sa bahay pero nakita ko na yung sasakyan ng Papa ni DJ.
Pagbaba ko ng car, pasok ako agad ng bahay.
"O andito na pala si Katrina." Sabi ni Kuya.
OMG. Katrina daw. Tinatawag nya akong Katrina pag galit sya.
"Hi Kuya." I smiled at nag kiss sa kanya. At dun ko napansin si DJ na nakaupo sa tapat ni Kuya. Nagkasalubong mga mata namin at agad syang umiwas.
"Opo ka." Sabi ni Kuya at umupo ako sa tabi nya.
"Kath, si Sacha. Wedding organizer namin ng Ate Liza mo. Sacha si Kath, bunso namin."
Kung hindi ako pinakilala ni Kuya, hindi ko napansin yung isang.....
magandang babae, mestiza, na may mahabang legs at mahabang buhok na nakaupo sa kaliwa ni DJ.
She stands to shake my hand. Tiningnan ko muna si Kuya as if to ask "Wedding organizer? Seryoso? Ganito kaganda???"
"Kath..." Pagremind ni Kuya na nag-aantay si Chacha, ay si Sacha pala.
Tumayo din ako at nag shake hands kami.
"Nice to meet you." At nag smile si Sacha sa akin.
Pati smile, maganda???????
"Same here." Ako ba yung sumagot??? I don't remember opening my mouth.
"The company where she works is based in Cebu. She will be staying with us until the wedding day." Paliwanag ni Kuya. Umupo ako at umupo din si Sacha.
"Ah Kuya... ang dami namang wedding organizer dito sa Manila. Ba't dun ka pa sa Cebu kumuha?"
Don't worry guys, hindi ko yan tinanong kay Kuya. Sa isip ko lang.
"Ah okay." Yan ang totoo kong sagot kay Kuya.
"I know you have something in your mind pero mamaya na natin pag-usapan yan." Dagdag ni Kuya.
And nabasa nya yung iniisp ko ha.
"Can I have your cellphone numbers please?" Tanong ni Sacha.
"I would definitely need your contact umbers just in case there will be information I need to know and to keep you up to date of the rehersal schedule." Paliwanag ni Sacha.
"Eto yung kay Kath." Binigay ni Kuya kay Sacha yung phone nya. Kinopya nya yung number ko. After that, she looked at DJ.
"Ay, hindi nya memorize number nya." Ako yun. Bwahahaha!
Napatingin si Kuya sa akin.
"09168220082" At binigay ni DJ number nya without hesitation. Kamusta naman yun?
"Memorize naman pala." Sabat ni Kuya at saka ko tiningnan ng masama si Padilla.
Binalik ni Sacha yung phone ni Kuya.
"So this Sunday ang first rehearsal natin at 3pm. But before that, we will all have lunch here. Right?" Tanong ni Sacha at nag "yes" naman si Kuya.
"DJ, nasabihan ka na ba ni Kath about that?" Si Kuya yun.
"Opo." Sagot ni Padilla.
"Di ba sabi mo may sasabihin ka sa akin?" Tanong ulit ni Kuya kay DJ.
"Ows? Talaga?" Tanong ko sabay taas ng makapal kong kilay.
"Ano yun DJ?" Tanong ko sa kanya.
"Baka po hindi ako makakahabol sa lunch kasi tumawag kanina si Mama. May practice po ang banda Saturday evening. Eh baka po uumagahin kami. May tugtog po kasi kami sa Sunday evening."
"Ah ganun ba? O cge, pero pag kakayanin, dito ka na mag lunch para magkakilala yung buong entourage." Sagot ni Kuya sa kanya.
"Cge po. Try ko po talaga."
"Excuse me, mag juice muna kayo habang nire-ready yung dinner." Nilagay ni Ate yung tray sa center table.
Tumayo si DJ.
"Thank you po pero may utos pa po kasi si Mama sa akin. Kelangan ko na pong umalis." Paalam ni DJ.
Tumayo din si Kuya at Sacha kaya tumayo na din ako.
"O cge. Thank you ulit." Nagkamayan sila ni DJ.
"Kath, baka gusto mo ihatid si DJ sa labas?" Tanong ni Ate.
-----------------------------------------------------------------------------------------------
"Selos ka na naman...." Sabi ni Dj sa akin nang nasa labas na kami ng bahay at saka pinisil ang ilong ko.
"Tigilan mo nga ako. Punta punta ka dito para sabihin kay Kuya na baka di ka aabot sa lunch? E pwede mo naman sabihin sa akin yun eh."
"Eh ano naman sa'yo kung gusto kong magsabi ng personal?"
"Sasabihin mo kay Kuya yung tungkol sa atin, ano?"
"Sa harap ni Sacha?? Mag-isip ka nga."
"Eh kung wala dun si Chacha, sasabihin mo?"
"Hoist tumigil ka ha. Sacha. Chacha chacha ka dyan. Selosa."
"Hoist ka din. Huwag mong ibahin ang usapan." Hinampas ko sya sa braso at hinila ang shirt.
"Bernardo umayos ka. Wag dito, dun tayo sa kwarto mo."
"Tapos binigay mo pa yung number mo sa kaya ha."
"Eh sa hiningi eh at kelangan nya."
"Nakakita ka lang ng maganda, mestiza at mahaba ang legs, bumigay ka na."
"Bakit, mestiza ka ba?"
At hindi ako nakasagot dun.
End of Chapter 48
BINABASA MO ANG
Love Exists
FanfictionThey say that in life, love can wait. But how long are you willing to wait for the one you love and how do you let go when it is time to move on?