Chapter 29

936 9 0
                                    

Foundation Day Week (Day 2)

Student Government Office:

Kiray:  Vice bilisan mo. Nangangalahati na yung movie andito pa tayo o.

DJ:  Eh ikaw kaya ang may gusto na e fill out ko ngayon ang registration form. 

Kiray:  Ang bagal mo kasing magsulat Vice.

DJ:  Bukas na lang to.  Kakatamad magsulat eh.

Kiray:  Hindi nga pwede kasi ngayon yung deadline of registration ng Fun Run.

DJ:  Wala man lang ba route info na kasama eto?  Baka maka abot tayo ng Tagaytay nito.

Kiray:  Meron, saka na lang natin pag-usapan.  Bilis!

Kiray's POV:

Hinahabol namin kasi yung film showing sa AVR (Audi Visual Room).  Ang film showing ang project ng isang grupo na kasama sa GrupoTrenta.  Excited ako kasi sa sobrang busy sa school, di na kami nakakalabas para manood ng sine.  Now is our chance. Sina Niel at Yen nauna na dun to reserve seats for us.  Si Kath at EJ hindi ko alam kung andun kasi may lakad sila kanina. Nilabas ko ang cellphone ko para magtext kay Niel.

TO Niel:  Meet us outside the AVR in 5 minutes.

Message sent.

Hindi ko kasi alam saan sila nakaupo so papasundo na lang kami.

"Lahat ba tayo sasali sa Fun Run?"  When DJ asked about "lahat" meaning ang buong barkada.

"Oo.  Ako mismo nagdala sa PEP booth ng registration forms nina Kath, EJ, Yen at Niel.  Yung ating dalawa nalang yung di ko pa na sa submit."

"So isa submit pa natin to ngayon before pumunta ng AVR?"  Tanong ni Vice.

"Ay hindi, may isang member ng PEP Squad na naghihintay sa labas.  Sya ang kukuha."

"Kiray naman, at sila pa talaga yung pinapunta mo dito ano?"

"Why not?  At saka gustong gusto din ni Delilah na makita ka."  Tapos ng evil laugh ako.

"Ang sama mo talaga.  O Ayan."  Binigay ni Vice yung form sa akin.  After checking nag smile ako sa kanya.  Lumabas ako at handed over the form to Delilah who is waiting outside.

"Salamat sa pag-aantay ha.  Very much appreciated talaga."  Sabi ko kay Delilah.

"Walang ano man."  Tapos napansin ko na may bitbit syang camera.  At napansin din nyang nakita ko yung camera na hawak nya.

"Pwede?"  Tanong ni Delilah sa akin. 

"Basta one lang ha at huwag ipagsabi sa iba."  Tumango si Delilah at nag smile ng pagka laki laki.

Bumalik ako sa cubicle ni Vice at sumunod si Delilah sa akin.  Palabas na nag office nya si Vice ng nagkasalubong kami.

"Vice, si Delilah pala.  Member ng PEP Squad."  Medyo nagulat si Vice kasi di ko sya nasabihan na ipapakilala ko si Delilah sa kanya.

"Hi.  Salamat sa pag aantay ng form."  Sabi ni Vice sabay extend ng kamay nya.  Kinuha yun agad agad ni Delilah para makipag shake hands.

"Anytime po Vice."  Sagot ni Delilah na di pa rin binibitawan ang kamay ni Vice.

"Ah Vice..." I gently pulled Vice's hand from Delilah's.  "Isang picture lang daw sabi ni Delilah."

"O cge ba."  Pag payag ni Vice, inayos agad ni Delilah yung buhok nya.  Ako naman dali daling kumapit sa braso ni Vice at nag posing.

Love ExistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon