Kathryn's POV.
Kakainis talaga si DJ. "Teka kasi, yung bag ko!" Palabas na cya ng UP kaya hinabol ko.
"Akin na nga yan." I tried to retrieve my bag from DJ.
"Ano ba kasi laman ng bag ng mga babae at ang bigat bigat? Buogn bahay mo ba dinala mo?"
Tumawa ulit ako. "Hindi ka kasi babae kaya di mo maiintindihan." Ayaw nyang ibigay kaya hinayaan ko na lang. Habang patugo kami ng foodcourt, I carefully slid my mirror and my brush sa bag ko habang karga karga ni DJ.
Ako pala si Kathryn. Editor in Chief ng UP. If people were to describe me in three words, eto yun "matalino, achiever, maganda". Nasa pangatlo yung maganda. I am not complaining. Mas kilala talaga akong matalino. Hirap biguin kasi mga parents ko. Hindi naman sa pinipilit nila ako mag aral. Kusa lang talaga kasi mga kapatid ko achievers din. Cguro nga gaya ng sabi ni Dj, it runs in the family. That's why cguro pala aral ako kasi andun lang naman nakatutok attention ko, bahay- school, school-bahay. Hindi naman ako nerd. Hindi lang talaga pala-labas ny bahay. May rule sa bahay na di pwede mag boyfriend. Dapat maka graduate muna ng college. Manliligaw? Dati meron naman. May itsura naman ako. Kaso akala kasi ng mga may interes sa akin, boyfriend ko si DJ. Hindi po. Isang grupo lang kami. Madalas kami yung nakikita together pero walang ligawan na nangyayari. Hindi nga pwede di ba? At kung pwede man, hindi ko kaya cguro. Masyado akong focused sa pag aaral ko. Ngayon pa na graduating na kami.
"Hindi ka na naman nakiking sa sinasabi ko eh." DJ interrupted my thoughts.
"Ha? Pacencya na. Ano yun?" Nasa foodcourt na kami. Binuksan ni DJ yung door para sa akin.
"Ano gusto mong kainin tanong ko." Naiirita na cya. Hehehehe.. Ang pinaka ayaw ni DJ kasi yung di mo cya pina pakinggan.
"Lasagna na lang." Sabi ko.
"O cge, hanapin mo na lang sina Kiray, ako na yung oorder." Sa ikalawang pagkakataon, I attempted to get my bag from him.
"Bakit?" Tanong nya.
"Mabigat kaya yan, oorder ka pa. Akin na lang. May tray ka pang dadalhin di ba?"
"O cge." Sa wakas binigay nya rin yung bag ko. Kukuha sana ako ng pera sa wallet ko ng...
"Ako na lang". Sabi ni DJ na pumipila na para umorder.
"Naku naman baka masanay ako nyan." Biro ko sa kanya.
"Eh di mas mabuti." Sabay nya smile sa akin.
"Tumigil ka nga. Cge, hanapin ko na sila". Iniwa ko si DJ at hinanap yung grupo na di naman mahirap ma locate kasi ang lakas lakas ng boses ni Niel.
"KAT!!!!!!" O di ba, malakas?
"Kahit kelan kakahiya ka talaga Niel." Sabi ni Kiray sa kanya sabay hampas sa braso.
"Eh bingi kaya etong kaibigan mo." Depensa pa ni Niel at tinuro ako.
"Hala ka, medyo lang kaya." Sabi ko at kinurot si Niel.
"Asan bodyguard mo?" Tanong ni Niel at kinindatan pa ako.
"Tigilan mo ako Niel ha. Ayun, pumipila." Umupo ako sa tabi ni Kiray.
"Sus, tigilan daw o, sumagot naman." At tumawa silang dalawa.
"Knock knock". Humirit naman etong si Niel. Tinaasan ko lang cya ng kilay kong makapal.
"Bingi? Knock knock nga sabi."
"Ewan ko sa'yo". Di ko cya pinansin.
"Who's there?" Sagot ni Kiray.
"Bodyguard." Pa smile smile pa talaga ha.
"Bodyguard who?" Tanong ni Kiray at ng mga estudyante katabi ng table namin. Meganon?
"And I,,,,iyay... will always love you... huhuhu..." Napatawa ako ng malakas sa pagkanta ni Niel ng song ni Whitney Houston. Pumalakpak yug mga nakarinig.
"Hoy, behave nga kayo. Kakahiya." Sabi ko sabay lingon kay DJ. Narinig pala nya yung tawanan at napalingon din sa direction namin.
"Uyyyyyy... talagang sabay pa kayo lumingon sa isa't isa ha. " Panunukso pa ulit ni Niel.
"Nagka amoyan kasi." Secod the motion pa ni Kiray at tumawa sila ulit.
"Tigil na..." Namumula na yata ako.
"Alam mo Chief. Konting konti na lang, magkaka palitan na kayo ng mukha ni DJ sa sobrang close nyo. Di ba Kiray?"
Tumango lang si Kiray kasi umiinom ng softdrinks. "Kasalanan nyo naman kasi kung bakit wala kayong lovelife kasi pag ka alam ng lahat kayo na". Sabi nya matapos nyang uminom.
"Kayo na lang kasi." Hirit ni Niel. "Bagay na bagay eh." At umapir pa sila i Kiray.
"TAMA!!!" Sagot ng mga estudyante sa tabi namin.
"Magpa ligaw ka na kasi." Si Niel na naman!
"Niel, bumi bingo ka na sa akin ha." Sabi ko sa kanya. Kakainis na talaga. Tagal kasi ni DJ eh.
"Seriously Kath, wala ba talaga?" At talagang pati yung mga katabi namin naghihintay ng sagot ko ha.
"Tsismoso lang?" Sagot ko sa kanya.
"Talaga, wala talaga?" Pangugulit pa nila.
"Walang ano?" Wala lang, feeling manhid lang sa tanong nila.
"Naku Kath, baka maunahan ka." Sino pa nga ba e si Niel ulit.
"Ano to paligsahan?" SI DJ!!! Hay salamat.
End of chapter 2
BINABASA MO ANG
Love Exists
FanfictionThey say that in life, love can wait. But how long are you willing to wait for the one you love and how do you let go when it is time to move on?