Kath's POV
Dalawang araw ng hindi pumapasok si Dj sa school. He was advised by Mr. Perales na magpagaling ng husto kasi malapit na ang Foundation Day. Nakinig naman si Dj kaya kahapon, he stayed at home na lang. Minsan dumadalaw ako dun sa SGO to check how things are going especially na wala na nga si Julia pati si Dj wala rin. Kahapon nadatnan ko yung SGO, sobrang gulo. Dumagsa yung gustong maka usap si Dj, yung gustong magpa pirma sa kanya. Naawa nga ako kay Kiray kasi pa ulit ulit nyang sinasabi na hindi pwedeng istorbohin si Dj kasi nagpapagaling. Mabuti at andun si Niel para tumulong magpaliwanag. On the other hand naman, naawa din ako kay Dj kasi pagbalik nya, ang dami naman nyang gagawin. Dudumugin cya for sure sa SGO.
"Chief, kanina ka pa titig na titig dyan sa planner mo." Nagulat ako! Sarap sabunutan ng baklang eto.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" Tanong ko kay Ej.
"Kanina pa ako kumakatok kaya." Ah ganun ba? Tulala na naman pala ako.
"O ayan." May inabot si Ej sa akin na brown envelope. Kinuha ko naman pero di ko binuksan kasi alam ko kung ano yung laman.
"They are asking if pwede pa daw yan isingit yan sa next issue. Sabi ko naman hindi na kasi final na ang lay-out at for printing na, di ba? Sabi ko baka sa Foundation Day Issue na lang."
Sumakit bigla dibdib ko kasi may naalala ako. Yung ayaw mo nag maalala kaso bumabalik talaga? Naku, naku Kathryn. Eto na nga ba sinasabi ng Kuya mo. Pag-aaral muna kasi, di ba? Ayan tuloy, hindi ka na nga makapag isip ng tama, hahaluan mo pa nang pansariling interest yung decision mo.
"Chief? Hindi mo ba bubuksan yan?" Tinitigan ko lang ng tinitigan si Ej. Kasi ang totoo, di ko alam kung ano gagawin ko. Di ko masabi sabi kung ano nilalaman ng puso ko. Ang hirap kasi na walang may makausap tungkol sa problema ko. Sabi na nga ba na tama si Kuya eh.
"Tama si Kuya....tama si Kuya....tama si Kuya..." Hindi ko pala namamalayan na parang kulto ako na ganun ang chant habang titig na titig kay Ej.
"Ayaw ko ng ganyang look ha. Kinakabahan ako dyan." Sabi ni Ej sa akin.
Biglang may kumatok sa cubicle.
"Good morning." Bati ni Enrique sa akin sabay smile.
Nag smile lang ako.
"Gandang umaga sa'yo Tisoy." Sagot naman ni Ej. "Anong atin?"
Pumasok si Enrique.
"May final rehearsal kami kasi bukas, itatanong ko lang kung sino magko cover?"
"Bukas?!" Tanong ko na parang pasigaw yata.
"Oo. Bukas. Pacencya ha. Dapat kasi sa Friday pa. Kaso may adjustments pang gagawin for sure after the rehearsal. At gusto naman naming magpahinga sa weekend para sa Monday fresh kaming lahat sa opening day."
"Ah..eh... bukas?" Oo nga Kath, bukas. Pa ulit ulit?
"Pwedeng ikaw?" Tanong ni Enrique.
Napatingin ako kay Ej na naka taas ang kilay sa akin.
"Cge, isasama ko na rin si Ej. Mabuti yun kasi for sure marami syang masasabi sa rehearsal nyo. Alam mo ba na nag try out sya dati sa PEP Squad?" Joke lang yun... Hehehehe...
"Try out ka dyan. Che!"
"O cge ba." Natatawang sagot ni Enrique.
"What time pala bukas?"
"3:30. Free ba kayo nun?"
"Cge, punta na lang kami dun mga 3pm para mag set-up."
"Chief!!!" Napalingon kaming lahat sa sumigaw. Si Kiray. Hindi namin namalayan yung pagpasok nya ng UP.
BINABASA MO ANG
Love Exists
FanfictionThey say that in life, love can wait. But how long are you willing to wait for the one you love and how do you let go when it is time to move on?