DJ's POV
It's Monday morning. 6:00 am to be exact. Kahapon pa ako nag-iisip na ano pwede namin gawin dalawa ni Kath dito sa Sagada. Hindi naman ako familiar sa lugar so wala akong masyadong maisip. Mabuti na lang at dumaan kami kahapon sa Echo Valley. Dun malapit may nakita akong pwede namin gawin ni Kath together. 5am gising na ako para mag prepare ng dadalhin namin ni Kath. 6am na kaya gigisingin ko na sya.
"Kath, gising. Gising." Pabulong kong pag gising sa kanya. Mahirap na magising si Niel. Baka mag yaya pang sumama. Kakahiya naman kung tatanggi ako.
"Kath gising." Inalog alog ko siya. Tulog mantika naman eto o.
"Kath, ano ba?" Gumalaw sya ng konti. Pero natulog ulit.
"Gising..." Pinilit kong buksan ang mga mata nya. Kinusot nya ang mga eto.
"DJ?" Tanong nya.
"Sshhhhhhh..." Sabi ko sa kanya.
"Wag kang maingay baka magising si Niel." Bulong ko sa kanya.
"Ha? Bakit? Anong gagawin mo sa akin?" Kinuha nya ang kumot at binalot sa buo nyang katawan.
"Babe kung may plano ako, di na kita ginising. Dali, bangon na dyan may pupuntahan tayo."
"Saan? Anong oras na ba?" Umupo sya sa kama nya.
"Wag ng matanong kasi baka magising si Niel. Tumayo ka na dyan, at maghilamos at mag toothbrush." Utos ko sa kanya.
"Babe naman eh. Ang sarap sarap ng tulog ko." Reklamo nya pero tumayo na din at tumungo sa banyo. Sinundan ko sya.
"Bilisan mo, pa akyat na ang araw baka magising ang iba."
"Teka, pwede ba?" Naghilamos sya at nag toothbrush.
"Hindi man lang ba ako maliligo muna?" Tanong ni Kath.
"Di na kelangan. Isa pa ang tagal mong maligo."
Hinila ko sya palabas ng banyo.
"O magbihis ka. Yung leggings ba yun, tshirt at tennis shoes. Yung wag masyadong loose na shirt."
"Ha? Bakit ba?"
"Ang daming tanong eh. Cge na bilis. Hintayin kita sa labas ha."
"Teka, anong dadalhin ko? Bag ano?"
"Cellphone lang. May pera ako dito. Bilis."
"Oo na. Kulit eh."
Nasa may pituan na ako ng kwarto ng may naalala ako kay binalikan ko si Kath.
"O bakit?" Tanong ni Kath.
"Good morning pala." I kissed her at lumabas ng kwarto.
Dumiretso ako sa labas. Andun na si Mang Arman naghihintay.
"Good morning po." Bati ni Mang Arman.
"Good moring din po sa inyo. Naku salamat po ha."
"Okay lang po yun. So mauuna po kayo ni Ma'am Kath?"
"Opo. Pagkatapos mo po kaming ihatid dun, balik kayo agad dito. Mga 9am pwede na po silang sumunod sa amin dun."
"O cge po."
"May fuel pa po ba yung van?"
"Opo. Nag refuel po tayo kahapon kaya pwede pa po yan."
"Cge po. Hintayin na lang natin si Kath."
BINABASA MO ANG
Love Exists
FanfictionThey say that in life, love can wait. But how long are you willing to wait for the one you love and how do you let go when it is time to move on?