DJ's POV:
"Hindi pwede."
Mariin na sagot ng Kuya Andy ni Kath sa akin.
"Alam na alam mo Dj na ayaw ko. Na hindi pa pwede. Na gusto ko mag-aral muna kayo. Malinaw yun di ba?"
"Opo." Sagot ko sa kanya.
"O bakit pinagpipilitan mo? Tapos magpapaalam ka sa akin sa telepono pa."
Hindi ako nakasagot sa kanya. Maling mali ako. Dapat talaga personal akong nagpa alam sa kanya pag uwi namin galing Sagada. Masyado akong excited.
"DJ, you have less than two months at makaka graduate na kayo. Hindi ka ba pwedeng maghintay?" Tanong ulit ni Kuya Andy sa akin.
"Pacencya napo. Makakahintay naman po ako kaso I was thinking na baka nagbago po yung isip nyo." Paliwanag ko sa kanya.
"Nagbago isip ko dahil sa mabuting pakikitungo ko sa'yo, ganun ba? Hindi magbabago isip ko DJ and that’s final."
"I’m really sorry po…"
"DJ???"
Pag lingon ko si Kath pala. Pero tumalikod ulit ako kasi ayaw kung malaman nya na kinakausap ko Kuya nya.
“Cge po, I'm sorry talaga."
"Hindi ko gusto yung ginawa mo ngayon DJ, so when you get home from Sagada, gusto kitang kausapin."
"Opo."
At saka binaba ni Kuya Andy yung telepono nya. Lagot na.
"O anong nangyari sa'yo? Bakit ganyan mukha mo?"
Tanong ni Kath ng binaba ko na ang telepono.
"Wala Kath." Pagsisinungaling ko sa kanya.
Saka lumakad ako pabalik ng Residential Lodge.
Hinabol nya ako.
"DJ, anong problema?"
“Wala sabi.” Hindi man lang ako lumingon. Ayaw kong malaman nya na kinausap ko ang Kuya nya at di ako nakapag paalam sa kanya.
"Kilala kita. Anong problema?" Sinusundan pa din nya ako.
Huminto ako sa paglalakad, at nag buntong hininga.
“Kinausap ko Kuya mo.”
"Kinausap? Bakit?"
"I’m sorry. Dapat sinabi ko muna sayo Kath."
"Wait, tinawagan mo si Kuya? And you talked to him about us?"
Tumango lang ako. Hindi rin naka react agad si Kath.
"I am really sorry." Sabi ko sa kanya.
"But DJ, di ba dapat pag uwi natin from Sagada mo pa sya kakausapin?"
"I know. Yun ang pinag-usapan natin."
"Eh anong nangyari? Ba't di ka sumunod sa kasunduan natin?" Medyo galit na taong ni Kath.
"Hindi ko alam Kath."
Next thing I knew, sinampal ako ni Kath at saka namulat yung mga mata ko. Teka, kanina nasa labas ako ng lodge. Bakit ngayon nasa loob ako ng kwarto?
"Nananaginip ka." Sabi ni Niel na naka upo sa kama ko.
"Ha?" Bumangon ako.
"Nananginip ka. Kanina pa kita ginisiging. Ayaw mong magising."
BINABASA MO ANG
Love Exists
FanfictionThey say that in life, love can wait. But how long are you willing to wait for the one you love and how do you let go when it is time to move on?