DJ's POV:
Sarap ng tulog ko. Pagka gising ko, smile agad. Looking forward to this day kasi kahit hindi man officially kami ni Kath at least now I know the feeling is mutual. Ang sarap mabuhay talaga kapag kasama ko cya. 7:30am pa lang, 10:30 ang first subject namin. Coding kasi ngayon si Kath kaya susunduin ko. Kinuha ko ang cellphone ko para e remind yun sa kanya.
1 message received.
Si Kath, nag text. Napa smile ako.
Good morning :). Huwag mo na akong sunduin, ihahatid ako ni Kuya. Maaga pa ako sa UP kasi deadline ng submission of articles. See you later. :)
Huh? Ang aga naman yata. I checked if what time cya nag text.
5:30am.
"5:30am???? Seryoso Kath?" Napakamot ako ng ulo. Bumangon ako at naligo. Di ko maiwasan mag isip kung what time pumunta ng school si Kath. Sino naman yung kasama nya sa UP na ganun ka aga? Kakainis talaga ang babaeng eto.
Pagkatapos kung maligo kinuha ko yung cellphone ko. Tawagan ko si EJ.
After 4 rings sumagot na din:
"Hi DP, huhuhu..." Kunwaring umiiyak ang bakla.
"O bakit? Aong nangyari?"
"Anong nangyari? Anong nangyari?" Yung pangalawang "anong nangyari mas malakas dun sa nauna.
"Bakit di mo tanungin ang ka love team mo?! Huhuhuhuhu.." Tumawa ako ng mahina.
"Tatawa tawa ka pa dyan. Alalm mo bang ginising nya ako ng alas singko ng madaling araw dahil alas sais eh magkikita na kami dito??? Tapos di pa na kuntento, sinundo pa ako sa bahay!!! Hindi pa nga ako naka dighay sa kinain kong chorizo, nag do-doorbell na cya na parang wala ng bukas!!!! Tapos pagkatapos, pagdating namin sa school..... Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!! Akala ko kami pa lang, ang dami ng nag aanatay sa labas ng UP!!!! Kaloka ang loveteam mo!!!!! Waaaaaaaaa!!!!"
Muli akong tumawa. Ang bakla talaga, over kug maka react. Naririning ko sa backgroud ang boses ng mga tao sa loob at labas ng UP.
"O sha, usap na lang tayo mamaya. May hinahanap pa ako."
"EJ! Yung lay-out nasaan na??!" Dining na dinig ko si Kath.
"O cge, tawag ka na ng boss mo. Bye."
Nagbihis ako agad at bumaba na. Di na ako mag be-breakfast. Nasa baba na ako ng nakita ko si Mama.
"O, asan ang sunog?" May hawak hawak syang kape habang nagsusulat.
"Good morning Ma." Nilapitan ko cya at hinalikan sa noo.
"O, hindi pa ako naka pag luto para sa'yo. 10:30 pa naman klase mo ah." Nananatili akong nakatayo sa tabi nya.
"Okay lang Ma. Sa school na lang. Nagmamadali ako."
"Halata naman."
"Cge Ma. Bye."
"Ingat!!" Pahabol ni Mama ng nasa pintuan na ako.
Paalis na ako ng lumabas si Mama. Nasa gate at kumakaway sa akin. I opened the car window.
"Anak sa Saturday pala may rehearsal ang banda, okay? "
"Okay po Ma. Salamat." At humarorot na ako.
Nag drive thru. Sa school na ako kakainin para sama kami ni Kath. Nagbabayad ako ng nag ring yung cellphone ko.
Si Kiray.
BINABASA MO ANG
Love Exists
FanfictionThey say that in life, love can wait. But how long are you willing to wait for the one you love and how do you let go when it is time to move on?