Dj's POV
Nanlaki yung mga mata ni Kath sa sinabi ko. Napahawak cya tuloy sa tuhod ko. Di ko naman cya ipapahamak. Hinawakan ko ang kamay nya a nasa tuhod ko at pinisil. Assurance lang na wala akong sasabihin na di ya magugustuhan. Magsasalita na sana ulit ako ng naunahan ako ni Kathryn.
"Dad, si Kuya oh." Napatingin ako tuloy sa reaction ng Daddy ni Kath.
"Andy kailangan ba ngayon mo gagawin yan? Baka sa susunod na mga araw na lang."
Pero ayaw magpa awat ng Kuya ni Kath.
"May sinasabi ka Dj?" Tanong ng Kuya ni Kath. Eto na yun. Panindigan ko na.
"Dad..." Pleading na yung boses ni Kath. Parang gusto na nga umiyak.
"Kat, it is okay." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ko po nililigawan si Kathryn." Sagot ko sa Kuya nya. Lahat sila nakatingin sa akin maliban kay Kath. Pero hawak hawak ko pa rin yung kamay nya.
"Alam ko naman po yung house rule nyo pagdating sa kanya at nirerespeto ko po yun." Totoo yun. Alam ko kaya kung ano ka strikto ang Kuya Andy ni Kath kaya di ako gagawa ng isang bagay na makakasama sa kanya.
"Pero..." Pagka sabi ko ng pero, si Kath napatingin agad sa akin at humarap ako sa kanya ng sabihin kong "handa po akong maghintay sa tamang panahon kung kelan pwede na." Hidi ko alam kung ano reaction nila kasi kay Kath ako nakatingin. Ang tahimik ng buong dining room.
"O Kuya narinig mo ha, di cya nanliligaw sa akin." Sabi ni Kath sa Kuya nya. Ibinaling ng Kuya ya yung tingin ya sa akin kay Kat.
"Sorry Kuya." Sabi ni Kath at uminom cya ng tubig.
"Sana hindi mo isipin na eto yung dahilan kung bakit kita inimbita ka dinner." Panimula ng Kuya ni Kath.
"Ang totoo nyan, gusto lang kitang mas makilala pa. Matagal tagal na rin kayong magkaibigan ng kapatid ko at naririnig kong nababaggit nya ang pangalan mo tuwing nag kukuwentuhan kami. Kaya napag isip isip ko na mas kilalanin ka pa."
"Aminin na natin, di ka naman magta tiyaga na sunduin at ihatid si Kathryn tuwing coding cya kung wala kang gusto sa kanya." Namula yata ako dun sa sinabi ng Kuya ni Kath. Aakma sanang mag proprotesta ulit si Kath ng pisilin ko ulit yung kamay nya na hawak ko.
"You are spoiling her not just for the simple reason that you want to but for the obvious reason that she is important to you and you want o give her and give in to her every wish because she is happiest when you do."
"And because you love her, you preferred to stay for dinner with her rather than with your bandmates."
Napatingin ako kay Kath. Ganun ko na nga ba cya kamahal at lahat ng yun nagawa ko para sa kanya? Aminado naman akong medyo marami na rin yung nagagawa ko para sa kanya. Kahit na di nya hinihingi, binibigay ko pa rin. Kathryn never asked for anything more than what I could give and yet naibibigay ko pa rin. And that is what I do best, making her happy.
Tahimik ang lahat. Di ko alam kung pwede na akong magsalita.
Humarap ako sa Kuya ni Kath.
"At di po ako mag sasawa na pa ulit ulit kong gagawin yun para sa kanya."
"Dahil?" Tanong ng Kuya nya.
"Dahil sa totoong mahal ko cya."
End of Chapter 6
BINABASA MO ANG
Love Exists
FanfictionThey say that in life, love can wait. But how long are you willing to wait for the one you love and how do you let go when it is time to move on?