Chapter 9

1.1K 13 2
                                    

Daniel's POV:

Naku lagot.  Nakita ni Prof na nakatayo Si Niel at pa smile smile sa amin.

"Sabi ko na sa'yo eh.  Mapapahamak tayo.  Ikaw kasi ang kulit kulit mo."  Sumbat ni Yen sa akin.

"Anong meron sa back row Mr. Coleta?"

"Eh kasi po Prof, ano eh."  Pa tingin tingin sa amin si Niel.

"I am waiting Mr. Coleta."

"Si Yen po kasi Prof.  Di daw nya abot yung flying kiss ko sa kanya kaya kelangan kong tumayo."

Tumawa yung buong klase pati ako.  Si Yen naman inis na inis.  

"Yen, bilis, kunin mo yung papel.  sa gilid ng upuan mo."  Bulong ko sa kanya.

"Eh kung ayaw ko.  Pati ako napag tripan ha Mr. Padilla."

"Cge na Yen, habang distracted pa si Prof.".

"Sit down Mr. Coleta."  Sabi ni Prof.

Tok tok tok.  "excuse me Prof." 

Lahat nabaling ang tingin kay Ej.  Nasa may pintuan cya.

"Yes?"  Tanong ni Prof na medyo galit na.

"Pwede po pa excuse kay Miss Bernardo?  Pinapatawag po cya ni Miss Locsin."  Chance ko na eto kaya tumayo ako at pinulot yung papel.  Binasa ko kaagad.

"Bakit kung tatlo ba I Love you kaagad?  Di ba pwedeng di ko alam kasi BOBO ako?"

"Mr. Padilla, sasama ka ba kay Miss Bernardo?"

"Po?"  Tinago ko bigla yung papel.

"Ay Prof, malamang kasi bodyguard cya eh."  Humiyaw ang buong klase.  Tiningnan ko ng masama si Niel kaya nag behave.

"Ay hindi po Prof."  Sabi ko.  "Pinulot ko lang po yung kalat ni Yen."  Hinampas ako ni Yen.

"Namumuro ka na talaga Padilla sa akin ha."  Nagdadabog na sabi ni Yen.

"Sit down Mr. Padilla.  Miss Bernardo you are excused."

Umupo ako at si Kath lumabas at umalis agad kasama si EJ.

Akala ko ba okay na kami?  Eh di ba binigyan nya pa ako ng croissants? Nagbibiro lang naman ako dun sa I Love You.  Ni remind pa ako dun sa nasabi ko na bobo sya.  Anlabo naman ni Kath.  Parang bata kung magtampo. 

After 15 miutes, nagbalik na si Kath sa class namin.  Sympre di ako makapag concentrate kasi puro likod nya nakikita ko.  Minsan sinisiko na ako ni Yen kasi nga di ako nakikinig kay Prof.  Kaya ayaw ko yung di kami nag uusap before matulog kasi the following day, eto yung epekto sa akin.  Kaso natagalan meeting ng banda.  By the time natapos kami kagabi, malapit na ang hatinggabi.  Alangan naman na tawagan ko pa si Kath.  Cgurado ako, tulog na cya.

Pagtingin ko sa orasan, mala[pit na ang dismissal.  One hour lang ang klase pero feeling ko 1 day.  Linigpit ko yung notebook ko.

"Nagmamadali lang?"  Tanong ni Yen.  Di ko cya pinansin.

"Nag away ba kayo ng di ko alam?"

"Tsismosa lang?"  Sagot ko sa kanya

Nag ring na yung first bell.  Hay salamat.  Tumayo ako agad baka kasi makatakas pa si Kath na feeling ko yun ang intensyon nya kasi nagmamadali din syang nagligpit ng gamit.  Linapitan ko cya at kinuha agad ang bag nya.

"Ibalik mo yan."  Pagbabanta nya sa akin.

"May sunog ba?"  Tanong ko sa kanya sabay smirk.

"Wala, bakit?"

"Nagmamadali ka kasi."

"Ewan ko sa'yo, akin na bag ko."  She tried to get i from me pero mas mabilis ako.

"Oy oy oy, anong kaganapan eto?"  Tanong ni Niel.  Pinalibutan na pala kami nina Kiray, Yen at Niel.

"Wagkayo magulo, okay?  Kikidnapin ko lang eto, sandali lang naman."

"Di ako sasama sa'yo.  Bigay mo na ang bag."  Hinampas nya ako sa braso.

"Sumama ka na kasi. "  Pilit ko sa kanya.

"Ayoko nga sabi."

"Magsitigil nga kayo."  Sigaw ni Yen.

"Alam mo Kath, gusto mo pa masaktan talaga eh, no?"  Hinila ko cya sa braso at kinaladlad palabas.  "Ibabalik ko eto mamaya ng walang galos."  Sabi ko sa grupo at lumabas na kami ng kwarto.

End of Chapter

Salamat po sa nagbabasa.  Comment lang po kayo kung gusto nyo :)

Love ExistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon