Chapter 7

1.1K 14 1
                                    

Kathryn's POV:

Pagkatapos ng dinner nag stay pa ng konti si Dj.  Nag-usap sila ng Dad habang ako ay tulala pa rin sa mga pangyayari.  Kelangan ko pang awatin sila sa pag-uusap kasi alam ko na naghihintay ang band members sa bahay nila.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Dj.  Nasa labas kami ng bahay nag-uusap.  Paalis na kasi sya.

"Oo naman. Di ba dapat ikaw ang tinatanong ko?" Inakbayan nya ako.  Medyo nailang ako hindi dahil sa alam kong andyan lang sa tabi tabi si Kuya nagmamasid kundi dahil sa nahihiya talaga ako sa ginawa ni Kuya.

"Bakit?" Tanong ni Dj na halatang nasaktan sa pag iwas ko sa akbay niya.  "Galit ka ba?"

"Saan? Sa dami ng nangyari di ko alam yung tinutukoy mo."  Sumandal ako sa sasakyan nya habang cya, hinarap ako.

"Galit ka ba dahil inamin ko sa kanila yung totoo?" Tanong nya ulit sa akin.

"Bakit Dj totoo ba talaga ang lahat ng yun?"  Balik tanong ko sa kanya.  Medyo nagulat cya sa akin at tumalikod sa akin at parang nagmura.

"May sinasabi ka Dj?" 

Humarap cya ulit at di ko ma describe yung mukha nya. "Kath, pagkatapos ng nangyari sa akin sa loob, pagkatapos akong gisahin, akala mo ang lahat ng yun kasinungalingan?  Ganyan ka na ba ka cynical at ang hirap mong maniwala.  Ano tingin mo sa ginawa ko ha? Pakitang tao? "

"Dj..."  Hindi na niya ako pinatapos.

"Manhid ka ba talaga Kath at sa palagay mo yung mga ginawa at ginagawa ko sa iyo para lang yun sa isang kaibigan?"

"Aba malay ko Dj kasi lahat naman ng kaibigan nating babae sweet ka eh."

"Ang hirap kasi sa inyong mga babae, di na kayo nakuntento sa gawa, gusto nyo may confirmation ang lahat.  Yan ba Kath?  Yan ba Kath ang kulang para maniwala ka na mahal kita?"

"Teka, bakit para kang galit sa akin?"

"Di ako galit Kath.  Disappointed ako sa'yo kasi para sa isag napaka talino na babae na gaya mo, pagdating sa usaping eto ang bobo mo."

"Teka, sumusobra ka na ha."  Ako? Bobo? Pagdating sa love?

"Bakit?  Pinag da drive ko ba mga kaibigan nating babae?  Bakit buong gabi at magdamag ba kami magka text or magka usap sa phone?  Bakit, strikto ba ako sa kanila?  Bakit, pinagsisilbihan ko ba sila kagaya ng pagsisilbi ko sa'yo? "

Tagos hanggang puso yung mga tingin ya sa akin.  Ngayon ko lang nakita si Dj na nagalit, at sa akin pa. 

"Sobra kong nirerespeto yung pamilya mo Kath.  Alam na alam ko na hindi ka pwedeng ligawan.  Kaya eto lang yung kaya kong gawin Kath.  To silently love you kasi alam kong bawal."

Hindi ako nakapag salita.  Alam kong nasaktan ko sya sa mga nasabi ko at sa pag dududa ko sa sincerity nya. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.  Bobo nga ako talaga.  Yumuko na lang ako para di mahalata.

"Kung wala ka nang sasabihin, kelangan ko ng umuwi."  Hindi ako kumibo.  Lumapit sa akin si Dj at hinalikan ako sa noo.

"Alis na ako.  Pasok ka na."  He got inside his car and drove off after that habang ako naiwan na naman na tulala. 

"Kath?"  Si Kuya.  Linapitan nya ako.  He hugged me at dun na ako bumigay.  Inalalayan ako ni Kuya papunta ng room ko at dun kami nag-usap.

"Ikaw kasi Kuya eh, pilit mong pina amin si Dj."

"Galit ka ba dahil ginawa ko yun?  Or galit ka sa sarili mo kasi di mo inasahan yung sasabihin nya?"  He haded me another box of tissue.  Naubos ko na kasi yung isa.

"Pareho."  Pag amin ko.

"Ganun ka ba ka manhid Kath?"

"Ayan na naman yung manhid na yan oh.  Pahamak talaga ang word na yan."

"Honestly Kath, you had no idea?"

"Kuya, dapat ba tayo yung nag uusap tungkol dito?  Di ba dapat either si ate or Mom kung love problem?"

"Huwag ka ngang conventional dyan Kath. "

"Kuya..."

"O cge, pahinga ka na muna.  Usap tayo bukas ha.  Maaga kang magising para sabay tayo mag breakfast."

"Kuya, 9:30 pa yung first subject ko."

Tumayo cya at binuksan yung pinto ng kwarto ko. 

"Bukas Kath, 7am.  Nasa Dining room ka na dapat."  At lumabas na cya bago pa ako maka pag protesta.

Si Kuya talaga, kahat birthday nya ayaw mag pa awat.

Kinuha ko yung celphone ko.  Hoping Dj would text.  Ayoko kasi matulog na di kami nag-uusap.  Mabigat kaya yung feeling na may kaaway.  Lalo pa na importante sya sa akin.  Pero wala.  Cguro hidi pa cya dumadating sa bahay nila.  Hintayin ko na lang.  I took a quick bath, brushed my teeth at nag change ng pantulog. 

I checked my cellphone again.  Wala pa rin. 

One hour had passed wala pa rin. 

Dj please, mag text ka naman.  Kasi pag hindi this would be the first time since naging close kami na di cya mag -te text ng good night sa akin.

10:00pm na, wala pa rin. 

11:00pm wala pa rin.

Dj please.... 

End of Chapter 7.

Love ExistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon