Chapter 12

1.1K 14 2
                                    

Dj's POV:

Hindi ko na hinatid si Kath kasi di naman cya coding.  Andito pa rin ako sa SGO kasi malapit na yung announcement ng theme.  Pinaghahandaan kasi baka madami ang mag po protesta. Pinauwi ko na si Kiray kasi dadaan pa cya sa printing shop.  Kawawa nga eh kasi walag kasama.  Kung wala lang akong tatapusin hinatid ko na cya.

Tok tok tok...

"Hi Vice, pacencya distorbo ba?" Si Babes, ayan ah, correct na spelling ko :)

"Pasok.  May kelangan ka ba?" 

"Hindi kasi ako nakakuha ng kopya ng programme for the announcement day.  Ako yung aatend kasama si Ej.  Hidi ko sila naabutan ni Chief kasi."

"Ganun ba? Gabi na ah.  May bukas pa naman."

"Gusto ko kasing paghandaan."  Saka nag smile ka sa akin.

"Magugustuhan ka ni talaga ni Kath kapag ganyan ang attitude mo.  Workaholic yun eh.  Teka ha, hanap lang ako dito kung meron pa."  Naghanap ako sa table ko kasi medyo magulo.  Pati sa drawers, tiningnan ko din.

"Teka ha, umalis na kasi si Kiray.  Nasa kanya yun."  Patuloy pa din ako sa paghahanap ng tumunog cellphone ko.  Text message from Kath.

Andyan ka pa din ba?

"Sandali lang ha."  Sabi ko kay Babes at nag reply:

Yes.

"Bukas na lang cguro."  Sabi ni Babes.  "Naabala pa yata kita."

"Okay lang, since andito ka naman, hanapin ko lang."  Tumayo ako at nagtungo sa cubicle ni Kiray.  Yun, nakapatong sa Calculus book nya.  Kinuha ko at binalikan si Babes.

"Eto pala."  Sabay abot ko sa kanya.

"Ay, thank you.  Sa susunod pala dapat si Kiray yung tatanungin ko tungkol dito."

"Okay lang yun kasi umuwi na eh.  Kahit sino dito sa amin, pwede rin."

"Cge, una na ako."  Umalis na si Babes kaya nagligpit ako ng kalat.  I checked my cellphone.  Nag reply na pala si Kath.

Yes?  Yun lang?  Suplado?

"Sus, mga babae talaga.  Kapag Yes lang ba ang sagot ibig sabihin suplado na?  Di ba pwedeng busy lang?"  Nagsasalita akong mag isa.  Wala namang tao eh.  Ako nalang dito mag isa.

"Matawagan nga."  I hit call and waited.

Phone conversation:

"O, napatawag ka?"  Walang hello ano? 

"Masama yata timpla natin."  Panunukso ko sa kanya.

"Bakit ka nga napatawag?"  Deadmahin ba ako?

"Busy lang po, hindi ibig sabihin nun suplado na ako. "

"Anong petsa na ba at andyan ka pa?"

"Aba Kath, magsalita ka parang  first time ko etong ginawa ah.  Eh kasi po may tinatapos lang."

"O, tapos ka na?"

"Hindi pa.  Uunahin ko pa ba yung trabaho ko kesa sa'yo?"  Ini-imagine ko na yung mukha ni Kath.

"So ako guilty, ganun?"

"Hahaha!  Di ka naman mabiro.  Eto na po.  Paalis na."

"O sha, ingat ka."

"Daan ako dyan?"  Say yes please....

"Andito si Kuya.  Huwag na siguro."  Sayang naman.

"Ah Kath, di ka sana bothered dun sa sinabi ni Niel kanina."  Bigla syang tumahimik.  E bothered nga.  Eto kasing si Niel eh, ang kulit kulit.

"Basta tandaan mo lang na maghihintay ako sa'yo.  Hindi magbabago yun Kath."

"Paano kung may iba?"

"Wala naman ah.  Di na nga ako tumitingin sa mga babae.  Maliban kay Kiray."

"Hahaha!  Loko ka talaga.  Seryoso ako, ano ba."

"Kath mahal kita.  Kapag mahal mo ang isang tao, nag iisip ka pa ba nag iba o ng sinasabi at sasabihin nang iba?  Hindi naman di ba?"  For the second time, tahimik muli si Kath.

"Dapat ba kitang ipaglaban Dj?" 

Nagulat ako sa tanong nya.  Hindi ko inasahan yun.  Feeling ko kasi dahil sa sinabi ni Niel, na pressure si Kath.  Kaya kong maghintay para sa kanya.  Kung magiging kami man ngayon, ikaliligaya ko yun.  Pero gusto ko naman na hindi kami susuway sa gusto ng pamilya nya.  Gusto ko okay ang lahat. Maayos, yun ang gusto ko para sa kanya, para sa amin.  Kasi yun naman talaga ang dapat.

"Dj, gusto mo bang ipaglaban kita?"  Tanong nya ulit.

"Kath, hindi ko yun hinihingi sa'yo.  Gusto ko sana na kusa mong gawin at hindi dahil hiningi ko.  Ayaw kitang e pressure Kath.  Masaya ako kung ano man meron tayo.  Masaya ako na napapasaya kita.  Masaya ako na inaalagaan kita.  Kung meron man akong hiling sa iyo cguro yung hayaan mo na mahalin kita." 

Ganun ko kamahal si Kath.  Ayokong maging selfish at sabihin kong, "cge Kath, ipaglaban mo ako."  Hindi ako yun.  Kung mero man tao na dapat ipaglaban eto, ako yun eh.  Kaya kong gawin yun.  Pero sobra kong nirerespeto Kuya nya, pamilya nya. 

"Paano kung...paano kung?"  

Hindi nya matapos tapos yung tanong nya sa akin.

"Paano kung ano Kath?"

"Paano kung sasabihin ko na Mahal din kita.  Hindi pa ba kita ipaglalaban?"

"Kath..."  Gusto ko syang yakapin, alam mo yun?  Yung feeling na you have so much love to give to this person pero pigil na pigil ka kasi hindi pwede.  Minsan gusto ko nang sumabog pero ayaw ko naman na maipit si Kath sa sitwasyon.  I have beem silently loving her for I don't know how long.  And for her to finally admit it, masayang masaya ko.  Pero deep inside malungkot ka din eh.  Kasi hindi pa pwede. 

"DJ, sinasabi ko eto hindi dahil sa na pressure ako sa mga nasabi ni Niel.  Sinasabi ko to kasi eto yung totoo.  Kapag hindi ko pa eto sinabi baka sasabog na dibidib ko.  Hindi ko na kasi kaya Dj eh.  Pagod na din kasi ako. Pagod na pagod na ako."

Saka narinig ko syang umiyak.  Tang ina, tumutulo na rin pala luha ko nang di ko namamalayan. Ang saya lang di ba?  Mahal ko si Kath, mahal din nya ako.  Pero hanggang dun lang muna.

"Kath, mahal na mahal kita."  At yun lang ang nasabi ko.  Hindi ko rin kasi kinaya. 

"Kath, puntahan kita dyan, okay?"  Sabi ko sabay punas sa luha ko.  Tumayo ako at hinanap ang susi ng kotse ko.

"Kath, punta ako, okay?"  Tinanong ko sya ulit kasi di sya sumasagot.

"Huwag na Dj.  Mag usap na lang tayo ulit bukas."

"Bukas? Hindi ako makaktulog nito Kath."  Totoo yun.

"Cge na Dj, bukas na lang.  Please?  At saka gabi na, umuwi ka na." 

Huminga ako ng malalim.  "Cge, bukas na lang.  Sunduin kita."

"Cge, ingat ka."

"Cge.  I love you Kath." 

"I love you too."  At saka nya binaba ang phone.

Ang tagal kong naka upo.  Wala rin akong iniisip.  Nakatingin lang sa lamesa ko.  Pagtingin ko sa relo ko, 8:15 na.  Tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse ko sa drawer.  Bahala na.  Punta ako kina Kath ngayon.

End of Chapter 12.

Follow me on twitter @LoveIs_KathNiel

Facebook Fanpage: http://www.facebook.com/pages/LoveIs_KathNiel/413085605374959

Love ExistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon