Kathryn's POV:
Sa dinami dami ng lugar na pwede akong kausapin ni Dj, sa library pa talaga nya ako dinala. Di ako makatakas kasi sobrabg higpit ng pagka hawak nya ng kamay ko. Feeling ko nga huminto ang circulation ng dugo ko.
"Dj, pwede mo naman ako cgurong bitawan na." Tinaasan nya lang ako ng kilay.
"Promise, di ako tatakas." Pa swear swear pa ako.
"Wala akong tiwala sa'yo Kath." Pa akyat na kami ng 2nd floor ng library ng huminto ako.
"Ah ganun?" Nagtinginan sa amin yung mga estudyate.
"Umayos ka nga. Nakakahiya ka." Bulong sa akin ng mokong.
Bumulong din ako sa kanya pero sympre sarcastic na. "Look who's talking? Di ba ikaw yung nagkaladkad sa akin papunta dito? Di ba mas nakakahiya ka kasi Vice President ka pa naman?"
Sasagot pa sana cya ng may lumapit sa amin na babaeng estudyante.
"Lover's quarrel? " Aba, Bumulong din, close tayo 'te?
Inirapan ko sya "Huwag kang sumali kung ayaw mo ma headline sa UP." Natakot yata kaya umalis agad.
"Kath, umayos ka nga. Hala sige, tayo na sa taas."
Pinili ni Dj na mag usap kami sa sulok ng 2nd floor. Walang masyado tao dun at wala ring librarian. He positioned our chairs na nakaharap sa isat' isa. Medyo tahimik kami ng una. Di ako nakatingin sa kanya. Cya naman nakayuko lang.
"Kath, I'm sorry. Alam kong medyo off yung pagkasabi ko sa'yo kagabi ng bobo. Pero alam mo naman kung bakit ko nabitawan yung salitang yun di ba? Cguro wrong choice of word lang. I didn't know how to best describe your attitude pagdating na sa ganung usapin. I'm sorry, bati na tayo please?"
Hindi naman yung ikinagagalit ko kasi Dj. Hindi ka kasi nag goodnight sa akin kaya masama loob ko. Di ba sabi mo, dapat okay ang lahat bago matulog? Eh di ka naman kasi nag text man lang.
"At hindi na rin ako naka tawag or naka text sa'yo kagabi. Late na kasi kaming natapos ng banda. Ayaw ko naman na disturbohin pa kita para lang mag goodnight."
Kelan ka ba naging distorbo sa buhay ko Dj? Eh ikaw lang yata yung taong kilala ko na kahit ako pa yung may kasalanan, ikaw yung nagso sorry. At. nabasa mo pa yung iniisip ko.
"Bakit ba ang sobrang bait mo sa akin? Bakit ka ba ganyan?" Tanong ko sa kanya. This time, nakatingin na ako sa kanya.
"Bakit ba sa tuwing nag aaway tayo ikaw lang lagi ang nanunuyo?
"Not anymore." Napa smile sya sa akin.
"Di ba ikaw yung may peace offering kanina?"
Naalala ko yung croissant. Oo ga pala. Ang dali kong makalimot talaga.
"it was a start at salamat. At least now I know na mahalaga din pala ako sa'yo." Hinawakan nya ang kamay ko.
"Pacencya na din. Alam kong di ko maipakita kagay nag pagpapakita mo sa akin pero Dj, mahalaga ka sa akin. Di naman ako magtatampo kung hindi di ba? Ganito lang talaga ako. Spoiled at immature."
"Spoiled at immature ka lang naman pagdating na sa pamilya mo at sa akin. Pero sa ibang bagay naman, sane ka."
"Kakainis ka." I smiled at him for the first time.
"So bati na tayo ha." Pa cute nyang tanong sa akin.
"Oo naman." Pagka oo ko, lumapit sya sa mukha ko.
"Teka, teka... anong ginagawa mo?"
"Di ba tuwing nagkakabati tayo, kini kiss kita sa cheek?"
"Alam ko." Tinulak ko cya ng dahan dahan. "Pero wag naman dito. PDA na yata yan."
Tinitigan nya lang ako. Ano naman ba iniisp ng taong eto? Mabuti pa cya at nakaka pag isip kahit ganitong malapitan na kami. Kasi ako, inaamin ko, umaandar yung pagiging claustrophobic ko.
"I love you, Kath."
Iba pa rin pala kapag sinasabi nya kesa sa pinapakita nya. Kasi makikita ko yung sincerity sa mga mata nya. Ngayon na alam ko na. Hindi gaya ng dati na assumera lang ako. Pero kagabi, kinumpirma nya na talaga na totoo yung mga dati kong 'feeling lang". Totoo na talaga eto. Eto na yung pinaka hihintay ko. I love you too Dj, kung alam mo lang at kung pwede lang sabhin.
"At gaya ng sinabi ko sa Kuya mo, handa akong mag hintay."
"Ayoko ng promises Dj. Ayoko."
"It is not a promise Kath. It is a vow."
He smiled at me again and this time did not stop him when he kissed me on my cheek.
"Dj?"
"Ano yun?"
"Sana Presidente ka na lang."
"Bakit?" Tanong nya sabay smile.
"Para ako yung First lady."
"Ang corny mo Kath."
At natawa kami pareho.
End of Chapter 10.
BINABASA MO ANG
Love Exists
FanfictionThey say that in life, love can wait. But how long are you willing to wait for the one you love and how do you let go when it is time to move on?