Kath's POV
"Alam mo ba? (nguya) na mas masarap pa (nguya) yung Pizza nila dito (nguya) kesa sa Pizza Hut at Shakeys (nguya)? Isama mo pa pati Greenwich (nguya) at Yellowcab (nguya)?"
Etong tao to oh, parang nawawala poise ko sa kanya. Kung maka kain ng Pizza parang di uso sa kanila.
"Di ba sabi ng nakakatanda, don't talk when your mouth is full?"
"Chory ha (nguya) Charap kasi (nguya)."
"Tubig? Gusto mo?"
"No chanks (nguya)."
Cge. Habang nakikipaglaban si Enrique sa pizza, pinagmamasdan ko sya. No doubt gwapo cya. Ganda ng smile. Red lips. Galing sumayaw. Matalino. Pero hindi ko pa sya gaanong kakilala. Oo nga pala, medyo mahangin. Medyo lang. Or baka naman confident lang talaga?
"Kath, ba't di ka kumain?" Takte, nahuli nya akong naka titig sa kanya.
"Ah busog kasi ako." Huli na ng na realize ko ang implication ng sagot ko.
"Pick up line ba yan?" Tanong nya.
"Kapal mo. Ano akala mo sa sarili mo, ulam?" Nag smile lang cya. Sumubo na din ako.
"Yan ang sabi nila." Kapal talaga. Pagtingin ko sa kanya, naka smile pa din.
"May tinga ka." Naglaho bigla yung smile nya.
"Joke lang." Sabi ko at tumawa ako. Pero di cya natawa.
"Pikon lang?" Nag pa smile smile pa ako. Score is 1 even :)
"So, talagang hindi ka pwede ligawan?" Panimula nya.
"Yun ang sabi ni Mama, di ba?"
"Dahil....???"
"Distorbo daw sa pag-aaral."
"Distorbo nga ba talaga?"
"Aba malay ko. " Eh hindi pa nga nagkaka boyfriend di ba?
"So feeling lang pala si Padilla."
Tinignan ko cya ng masama "Huh???"
Sumubo ulit cya. "So feeling ni Padilla, girlfriend ka nya na hindi naman pala? Kung maka bakod naman sa'yo di ba?"
Ayaw ko talaga ang tono ng pananalita ng taong to.
"Anong problema mo dun?"
"So are you saying na gustong gusto mo din pala?"
"May patutunguhan ba ang usapang eto?" Medyo napipikon na kasi ako.
"Okay fine. Didiretsuhin ko na. Gusto mo din cya kaya hinayaan mo di ba? Pero dahil hindi pwede, anong nangyari? Ano kayo?"
"Alam mo kung maka tanong ka parang close tayo, no? Feelingera ka lang? Bakit ko naman sasagutin tanong mo?"
"Ikaw pala ang pikon eh." Tapos tawa tawa pa cya.
"Alam mo Kath kung wala ka naman or wala naman kayong tinatago, bakit di mo sagutin? Unless kong..."
"Kung ano?"
"Sinusuway mo parents mo."
"Hindi kami. Happy?" Gusto ko ng saktan eh. Hawak hawak ko na yung tinidor. Pigil na pigil lang ako.
Hindi sya sumagot. Tiningnan nya ako saglit at uminom ng juice. Ano na naman kaya ang iniisip nito?
"O bakit na naman?" Tanong ko sa kanya ng di cya nagsalita.
"Hindi ka ba nababahala Kath?
"Saan?"
"Na baka mahuli ka sa byahe."
Tiningnan ko muna sya kung seryoso ba.
"Maraming bumabyahe." Sagot ko sa kanya.
"Pero hindi lahat gusto mo."
"Eh di maghintay hanggang sa dumaan yung gusto ko."
"Paano kung dumaan na pala yung gusto mong bus at wala ka pa sa bus stop?"
"Lahat ng bus naghihintay."
"Pero hindi habambuhay."
Alam ko. Pag diinan pa talaga? Natigil ako sandali bago ako sumagot ng mahina.
"Eh di ako yung maghihintay."
"Paano kung di na bumalik?"
Tinitigan ko yung pizza ko. Ang daling sagutin ang tanong. Pero ang hirap gawin.
"Would you settle for second best?" Tanong ni Enrique.
Sa bahay
"Good afternoon kuya." Pagdating ko galing sa lunch with Enrique, nadatnan ko sa sala sina Mama at Kuya.
"Good afternoon." Tapos kung e kiss si Kuya, lumapit ako kay Mama para mag kiss. Tapos pa akyat na ako ng kwarto ng...
"Sabi ng Mama nag lunch ka daw kasama ang isang kaibigan."
Humarap ako sa kanya.
"Opo Kuya, si Enrique. Pero hindi ko po sya manliligaw."
"Wala naman akong sinabi." Sagot ni Kuya na medyo nagulat sa sagot ko.
"Mabuti na po yung klaro." Balik ko sa kanya at umakyat ulit.
"Katrina hindi ko gusto yung tono ng pananalita mo." Napahinto ako. Nasa hagdan na ako kay bumaba ako ng konting steps.
"Sorry Kuya, pagod lang ako."
"May problema ba?" Tanong ni Kuya. Napatingin ako kay Mama. Naghihintay din cya ng sagot ko.
"Wala kuya, pagod lang talaga."
"Pakisabi kay Dj, may practice yung entourage next Sunday. Baka kasi may gig yung banda nila so mabuti na yung as early as now ma inform mo cya."
Kahit ano pang gawin ko, parte na ng pamilyang eto si Dj.
"Pag nagkita po kami, sasabihin ko."
"Pag nagkita kayo? Pwede mo namang e text."
Cguro natagalan bago ako nakasagot kaya nakahalata si Mommy.
"May problema ba kayo ni Dj, anak?" Tanong ni Mommy.
"Ayaw ko po sanang pag-usapan pa, kung pwede sana." I was practically begging nung sinabi ko yun.
"Anak...." Panimula ni Mommy.
"Ma, okay lang po ako. Ayaw ko lang talaga pag-usapan."
At saka umakyat ako ng kwarto. Pag bukas ko ng door ng kwarto ko, narinig ko si Mama...
"Hindi na bata ang kapatid mo Andy. Konting freedom naman sana. Paano cya matutuo kung hindi mo hahayaan? How will she grow if you wouldn't let her?"
Thanks Ma. But too late na. Then I closed the door behind me.
End of Chapter 27
BINABASA MO ANG
Love Exists
FanfictionThey say that in life, love can wait. But how long are you willing to wait for the one you love and how do you let go when it is time to move on?