Foundation Day Week (First day/Opening)
Niel's POV
Exactly 8am yung formal opening sa University Gym. 7am pa lang pero ang dami ng tao sa school. Yung maagang dumating, yung mga performers mamaya like ng PEP Squad, at ang cheerdance competitiors. Exciting kasi ang daming nakapalda! Maaga din sympre sina Yen, Kiray at Kath. Si Yen diretso agad sa covered court kaasama yung PEP Squad. Si Kath nasa UP preparing for the coverage while sina EJ at Babes nasa gym nag se set-up. Kasama ko dito na nakaupo malapit sa chapel si Kiray. Hinihintay namin yung pagdating ni Dj.
"Ang tagal naman." Medyo 10miutes na rin kami andito kasi.
"5 more minutes. If di pa dumating, pwedeng ka ng umalis. Andyan na ba si Julia?
"Wala pa naman."
"Wala pa naman pala, relax."
"Eh big day today. Ayokong may pumalpak. Kapag hindi dumating si Dj ngayon, tapos na talaga ang pagiging Executive Secretary ko. Naje jebs ako!"
"Ano ka ba. Wala ka yatang tiwala sa dati mong amo. Darating yun. Ayan na nga oh."
Syang pagpasok ng sasakyan ni Dj. Nag park cya sa di kalayuan sa inuupuan namin. Sabay kaming tumayo ni Kiray. Paglabas ng ni Dj sa kotse, nakita nya kami kaagad. Nag smile sya. Na miss ko ang gagong 'to. Sinalubong nya kami. Nasa harapan ko na cya ng sinuntok ko sya. Natumba cya, nagulat cya pati si Kiray. Pati yung mga tao huminto sa paglalakad at naka tingin sa amin.
"Kapag ginawa mo pa ulit yung ginawa mo, hindi lang yan ang aabutin mo. Gago!" Sigaw ko sa kanya.
"Niel ano ka ba!" Sigaw ni Kiray habang inaalalayan nya si Dj tumayo. At dun ko nakita na pumutok ang labi ya. Masama ang tingin ni Dj sa akin.
"May problema ka? O baka gusto mong gumanti? Halika ka, maaga pa naman o." Ang mga tao nakatingin pa rin sa amin.
"May problema ba dito Sir?" Tanong ni Manong guard kay Dj. Di ko napansin na lumapit pala cya sa amin.
"Wala Manong." Sagot ni Dj na nakatingin pa rin sa akin. Tumayo cya at inayos yung sarili nya. Pinahiran nya yung dugo sa labi nya.
"Bawal mag away po dito Sir." Tumango lang si Dj at umalis pagkatapos si Manong Guard.
"Kakainis ka Niel. Ayan tuloy oh." Tinutoro ni Kiray ang dumudugong labi ni Dj.
"Gago ka pala. Kelan ka pa natutong sumuntok ng ganong kalakas? Panonood lang ng sine alam mo ah." Panumbat ni Dj sa akin.
"Action movies naman." Sagot ko. Nag smile ang gago at nilapitan ko. Nag akap kami sandali.
"Sakit nun." Sabi ni Dj.
"Cguro naman di ka na uulit." Sabi ko sa kanya
"Gago ka talaga. Ilang beses ba kasi ako dapat bastedin ni Kath?"
"Pare, babae lang yan. Madami pa dyan."
"Tama na yan. Halika na. Gamutin natin yan bago tayo pumunta kay Mr. Perales." Sabi ni Kiray.
"Hi Kiray. Na miss kita." At niyakap ni Dj si Kiray.
"Alam mo ba pare na balde balde yung iniyak ni Kiray nung Friday?"
"Yuck, bitiwan mo nga ako. Tumulo pa yang dugo mo sa damit ko."
"Pacencya talaga. Babawi na lang ako sa inyo."
"Mamaya na tayo mag sumbatan." Lumakad kami papunta ng SGO.
Hindi pa kami nakakalayo ng nakita namin si Kath tumtakbo palapit sa amin. Nagtinginan kami ni Kiray.
BINABASA MO ANG
Love Exists
FanfictionThey say that in life, love can wait. But how long are you willing to wait for the one you love and how do you let go when it is time to move on?