Chapter 1
Dj's POV
Kakapagod. Kakapagod talaga. Sumandal ako sa upuan ko. Hindi pa nga umiinit pwet ko ay pumasok si Kiray.
"Vice, ano na? We have to decide na. Ang lapit lapit na o." Tinuro ni Kiray yung desk calendar sa table ko. Tinitigan ko din. "O ano?" Pangungulit ni Kiray.
"Hindi ba pwedeng maupo muna ako ng 5 minutes bago ko sagutin tanong mo? Pagod na pagod na pagod na pagod na ako". Gusto ko nang umiyak, promise.
"Lahat naman tayo di ba? Kaya nga dapat maka pag decide na tayo para matapos tapos na."
Tama nga nama si Kiray. Lahat kami pagod na. Hindi lang ako, kaming lahat. Pati isip ko pagod na din.
"O cge, eto gawin natin. Give me 1 hour. 1 hour lang Kiray. I will get back to you and give you an answer. Kelangan ko lang talaga mag pahinga kahit sandali lang. Hindi na ako nakaka pag isip ng diretso eh." Totoo yun. Ayaw na umandar ng utak ko.
"Okay. Break na lang din muna kami. Pacencya na Vice ha. Medyo makulit lang. Ano kasi..."
Di ko na pinatapos si Kiray magsalita.
"I understand." Sabi ko sa kanya. "Pacencya na din. Hayaan mo, matatapos din ang lahat ng eto." ngumiti si Kiray
"O sabay ka na sa amin sa foodcourt. Eh kung dito ka lang din kakain sa SGO (Student Government Office) eh baka mas nanaisin mo pa mag isip kesa mag break. Tara na". Yan si Kiray. Masayahin.
Tumayo ako at ngumiti din sa kanya. "O, nahanap mo na rin yung smile mo. Kanina pang umaga nawawala eh." Biro ni Kiray.
"Tara na nga." Sabi ko kay Kiray at sabay kaming lumabas sa office ko.
Ako si Daniel or Dj. Vice President ng SG. Hindi ako yung decision maker. Si Julia, yung President namin. Kaso two weeks syang mawawala kasi umatend ng isang seminar kasama ang iba ring Student Government Leaders ng lahat ng Universities at Colleges. Kaya heto, ako ngayon yung may problema. Hidi kasi ako sanay. Most of the time, Julia will just ask my opinion or my suggestion. Tapos yung decision sa kanya na manggagaling. SI Kiray yung Executive Secretary. Since wala si Julia, she nows directly reports to me. Kampante ako na cya yung katuwang ko kasi part kami ng isang grupo.
Pagbaba namin ng SGO, madadaanan mo yung offices ng Choir at ng UP (University Paper). Sinilip ko yung office ng UP at nakita ko si Kath. Kagaya ko di rin maipinta yung mukha.
Sunod na lang ako sa inyo." Sabi ko kina Kiray.
Sinundan ni Kiray yung tinitingnan ko "O cge, yayain mo na din mag break." Sabi nya.
"Cge." Humiwalay ako sa mga officers at kumatok ng mahina sa kwarto ng UP. Si EJ lang at si Kath yung tao.
"Hi DP". Bati at sabay smile ni EJ sa akin. DP ang tawag ng bakla sa akin. DP for Daniel Padilla daw. Maarte talaga.
"Hi." Smile din ako sa kanya. "Pwede?" Tanong ko sa kanya sabay nguso sa direction ng cubicle ni Kath.
"Oh sure." Sabay kindat sa akin. Sarap sapakin. Malandi talaga pero mahal ko kasi alagang alaga nya si Kat. Si EJ yung assistant ni Kath at si Kath? Editor in Chief ng UP.
"Salamat." Sabi ko kay EJ at tumungo na ako sa cubicle ni Kath. Umupo ako sa vacant seat sa harap nya.
"Tara na." Sabay turo sa foodcourt. As usual tinititigan lang ako ni Kath. Hindi, hindi cya nagagwapohan sa akin. Ganyan talaga si Kath. Kapag nag-iisip, natutulala. At alam kong hindi nya ako narinig.
"Ano ba yung english ng manhid?" Kitam? Di talaga nya ako narining.
"Manhid as in insensitive?" Balik tanong ko sa kanya.
"Hinde. Yung ano...yung..." Tinaasan ko cya ng kilay at nag aantay ng kung ano ano yung nasa isip nya.
"Ano nga?" Naka smile na ako sa kanya. Konti na lang tatawa na ako. Paano naman kasi sa sobrang pag iisip nya eh kamot ng kamot ng ulo. "Kelan ka ba huling humarap sa salamin, ha Kath?"
Tinitigan nya lang ulit ako. Ina absorb pa yung tanong ko. Nag start akong bumilang sa isip ko lang naman. 5 4 3 2 1...
Kinuha agad ni Kat yung bag nya at naglabas ng salamin. Kumuha na din ng suklay sabay ayos sa sarili.
"Ang dami ko kasing ginagawa." Paliwanang nya.
"Alam ko." Sabay turo sa nagkakalat ng mga papel sa table nya. Dun na tayo sa foodcourt mag isip ng "manhid" na yan. Tumayo ako at kinuha yung bag nya.
"Teka! Nagsusuklay pa eh"
"Wag mo kalimutan suklayin pati kilay mo ha." Tukso ko sa kanya habang lumalakad palabas ng cubicle nya. At narinig ko yung malakas nyang tawa.
End of Chapter 1
BINABASA MO ANG
Love Exists
FanfictionThey say that in life, love can wait. But how long are you willing to wait for the one you love and how do you let go when it is time to move on?