DJ's POV
"Padilla pagod na ako!!!"
Halfway through nang huminto si Kath.
"Naiinis talaga ako sa'yo. Ginising gising mo pa ako para dito. Mas nag e-enjoy sana ako kung adun lang ako sa kwarto at natutulog."
"Babe, minsan lang tayo dito sa Sagada, sagarin na atin. Pwede ka naman sa Manila matulog. Pero masyadong maganda ang Sagada para matulog lang tayo."
"O cge, tama na. eto na."
"Malapit na tayo Babe, konting tiis na lang."
"Nalulula na ako kaya."
"Wag kang tumingin sa baba?"
"E paano naman di ako titingin eh tinitingnan ko yung tinatapakan ko ha?"
"O cge cge, dahan dahan lang."
"Kargahin mo na lang kaya ako? Feeling ko bibigay na talaga tuhod ko."
"Babe, please? We are halfway through. Cge na please?"
"Alam mo kung hindi lang ako patay na patay sa'yo, hinding hindi ko to gagawin."
"Alam ko, kaya thank you."
"At nagpa thank you ka pa talaga ha."
Pagkatapos ni Kath huminto para mag reklamo, umakyat na ulit kami. Nakakapagod, I must admit kaya proud ako kapag maabot namin ni Kath ang tuktok ng bato.
Ilang minuto pa, finally naakyat na namin ang tuktok ng bato!!!
Pagdatig namin sa taas, inalis agad ng lalaki yung gears namin at binigyan kami ng tubig.
Umupo agad si Kath sa sobrang pagod.
"O tubig lang? Wala bang pagkain dito?" Tanong ni Kath na halatang galit na galit talaga.
"Babe, paano naman nila dadalhin yung pagkain dito?"
"Eh asan ang sorpresa mo?"
"Eto. Eto na yun. Di ba ang ganda ng tanawin mula dito? "
"Ha? Eto na yun?"
"Oo. Tumayo ka nga para makita mo."
"Ayoko, pagod ako."
"Alam mo gusto mo pa talaga masaktan. Tayo na sabi."
Tinulungan ko sya sa pagtayo. Naglakad kami ng pa unti unti kasi naninibago pa si Kath.
"O, ang ganda ng sikat ng araw ano?"
"Ewan ko sa'yo."
Tumalikod sya sa akin.
"Babe..." Pinilit ko syang humarap sa akin.
"Hayaan mo nga ako." Sabi nya.
"Babe, sorry na." Niyakap ko sya mula sa likod nya.
"Nakakainis ka. Pagod na pagod na ako kahapon tapos eto, pina akyat mo pa ako. Sakit sakit kaya ng paa ko. Tapos ano? Eto lang pala???"
Wow, Padilla. Masakit yun a. Pero okay lang. Kasalanan ko naman talaga.
Humarap ako kay Kath. Umiiyak na pala sya sa pagod.
"Sorry talaga." At niyakap ko sya.
"Sorry ha. I know na this is not your idea of fun. Kaso gusto ko din gawin to na kasama ka. Pacencya ka na. Wrong timing lang cguro kasi pagod ka."
BINABASA MO ANG
Love Exists
FanfictionThey say that in life, love can wait. But how long are you willing to wait for the one you love and how do you let go when it is time to move on?