***
★
"Buti naman at nakarating ka, Zoe... Akala ko hindi na matutuloy ang sleep-over natin dito sa bahay." -Reign.
"Eh, kasi ang tagal-tagal ni Daddy... Sige na, magsmile ka na. Sige ka, tatanda ka kaagad hindi ka na magugustuhan ni-asdhdgkslkl..." Tinakpan kaagad ni Reign ng bibig ko.
"Shhh, baka marinig ka nila. Ano ka ba? Ang lakas-lakas pa ng boses mo."
"Asfhdgfjkglljsjjl...."
"Ha? Ano'ng sinasabi mo?" Kinurot ko ang kamay ni Reign na nakatakip sa bibig ko. Nabitawan naman niya.
"A-aray naman!"
"Eh, kasi hindi na ako makahinga. Papatayin mo ba ako?" Sabi ko habang hinahabol ko pa rin ang hininga ko.
"Sorry na, best friend. Ang ingay-ingay mo kasi, nasa tabi lang ng kwarto ko ang kwarto ni Kuya. Alam mo naman yun, mas chismoso pa sa akin."
"Sorry. Hindi na ako mag-iingay!"
Inayos ko na ang mga gamit ko dito sa kwarto ni Reign. 5 days nalang at back to school na, kaya sinulit na namin ni Reign ang bakasyon. And we decided na mag-sleep over dito sa bahay nila. I'm gonna stay here for 3 days...
"Pagkatapos mo jan, sumunod ka sa baba..."
"Wait, Reign, hintayin mo ako... Malapit na akong matapos."
"Tinawag na kasi ako ni Mama, sumunod ka nalang."
"Sige na nga..." At ayun! Iniwan na ako ni Reign. Nasa kabilang kwarto lang ang Kuya niya. Ayokong magpaiwan kasi natatakot ako sa Kuya niya. Mas matanda lang naman ng 1 year ang Kuya niya. Nakakatakot kasi siya, palaging seryoso ang mukha, at ang tahimik niya. Hindi mo malalaman kung ano'ng nasa isip niya. Magkaibang magkaiba talaga sila ni Reign.
Nagmamadali na akong mag-ayos at baka maabutan ko ang Kuya ni Reign. Ayoko siyang makasalubong o makasabay pababa...
Dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto ni Reign.
Napahinto naman ko nang makarinig ako ng pagsara ng pinto. Walang ibang kwarto dito, kay Reign lang at Kuya niya, narinig ko naman ang mga footsteps na papalapit sa akin, hindi na ako lumingon kaya nagmamadali na akong bumaba sa hagdan. At sa di inaasahang pangyayari at dahil sa katangahan na nananalaytay sa buong katawan ko, natapilok ako... hindi ko na ako maka-balance at inaasahan ko nang mahulog sa hagdan kaya pumikit nalang ako...
Teka, ilang minuto na ba akong nakapikit? Ba't hindi pa ako nakaramdam ng sakit? Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang isang kamay na nasa braso ko. Lumingon ako sa likuran at nakita ko ang walang emosyong mukha ni Kuya Renz. Tumayo naman ako kaagad ng maayos at binitawan na niya ako. Nakailang lunok na ang nagawa ko, gusto kong magpasalamat ngunit inuunahan ako ng takot...
"You're welcome..." Natauhan ako nang bigla siyang magsalita. Sasabihin ko sanang 'thank you' kaso umalis na siya kaagad. Naiwan ako sa hagdan na parang estatwa. Nakakapagsalita pala si Kuya Renz?
*snap* "Hoy, Zoe, bakit nakatayo ka lang jan? Naunahan ka na tuloy ni Kuya Renz sa pagbaba, ang sabi mo susunod ka kaagad." Natauhan na ulit ako nang makita ko si Reign sa harapan.
"Hm, kanina ka pa jan?" Tanong ko.
"Oo noh? ba't ang tagal mo? Parang wala ka sa sarili ah..."
"Hmm. Muntik na kasi akong mahulog sa hagdanan niyo..."
"Ang tanga mo kasi... Tara na nga, nauna na silang kumain." Sumunod na ako kay Reign.
"Mm, Reign, may itatanong lang sana ako sa'yo."